Fourty Four - (You're really something)

15.3K 635 1.4K
                                    

[ Eden. ]

Gaya ng dati, mabilis na lumipas ang mga araw. Ang ate ko napapadalas na ang pag-alis sa bahay at pag-overnight dahil sa mga nakatambak na school works nila. Ang dami niyang kailangang asikasuhin kaya naman sinabi ko sa kaniya na hindi niya na ako kailangan ihatid-sundo sa school. Malaki na 'ko saka kaya kong mag-commute mag-isa. Malapit lang naman ang school mula sa bahay, eh. Ayaw kong dumagdag pa sa alalahanin ni Ate, lalo na at kaya ko naman ang sarili ko.

'Di ba? Gwapo na, thoughtful and considerate pa.

Although, naging hesitant pa si Ate sa sinabi ko dahil nga pinangako niya rin kay Mom na babantayan niya ako, pero napakiusapan ko naman si Ate, kahit naging matagal ang pakiusapan namin. Sabi ko hindi na 'ko toddler para kailanganin pang i-check from time to time! Hindi naman ako disgrasyado saka malaki na ako, 'no! I'm a big boy. A very manly one at that.

And speaking of Mom, sabi niya malapit na silang umuwi dito sa pinas. Yeheeeey! Marami ulit siyang iuuwing pasalubong, excited na 'ko.

Oy, hindi namam sa mas masaya ako sa mga iuuwi niyang pasalubong kaysa sa pag-uwi niya mismo, ah. Syempre mas excited akong mayakap ulit ang Mom ko. Ang tagal niyang nawala, miss na miss ko na ang mga smooches niya! Wuwuwu.

Pagbaba ko ng jeep ay hindi ko inaasahan na makakasalubong ko si Nicky sa entrada ng school. Nakahawak siya sa strap ng bag niya at nakayuko, halatang takot talaga siya sa mga tao. Pero nang sandaling makita niya ako ay mabilis na nawala ang anxiety sa mukha niya at nagliwanag 'yon. Pumaskil rin ang isang malaking ngiti sa mga labi niya at patakbong lumapit sa'kin.

Ang cute talaga ni Nicky, hehe.

"Good morning, Nicky!" Bati ko nang makalapit siya.

"G-Good morning, E-Eden." Bati niya pabalik at inayos ang malaki niyang salamin sa mata. Namumula rin ang mukha niya, mas lalo tuloy siyang naging cute. "A-Ano... h-hindi mo k-kasabay ang ate mo ngayon?" Tanong niya.

Napakurap ako.

Marami bang nakakaalam na hinahatid-sundo ako ni Ate sa school? Anak ng kagang, nakakahiya!

Napapakamot sa pingi ako na sumagot, "Ah, oo. Mas maaga pumasok si Ate kasi tatapusin daw nila 'yung 'di nila natapos kahapon. Hehe. Sabay na tayo?" Nakangiting aya ko. Mas lalo namang namula ang mukha niya at tumango.

Nagsimula na kaming maglakad. Panaka-naka akong sumusulyap kay Nicky kasi along the way, nakatungo lang siya. Kahit isang beses ay 'di ko nakitang inangat niya ang mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin din sa sahig, out of curiousity.

Ano bang attractive sa sahig? 'Di hamak naman na mas masarap akong tingnan kaysa dito, ah. O baka dahil sa sobrang charming ko kaya hindi niya ako matingnan?

Tama, tama. It makes sense. Siguro siya talaga 'yung male equivalent ni Sunako Nakahara, 'yung babaeng nasisilaw kapag nakakakita ng mga magagandang nilalang.

Napabuntong-hininga tuloy ako at napahawak sa mukha ko.

Hays. Hindi ko naman kasalanan na pinanganak akong mukhang anghel.

Teehee.

Kidding aside, pansin kong mababa talaga ang self-confidence ni Nicky. Alam kong dala 'yun ng environment niya at dahil na rin sa mga nambubully lagi sa kaniya, halos araw-araw ay nakikita kong may sariwang pasa siya sa katawan. Kailangan kong humanap ng tamang pagkakataon para maitanong 'yun kay Nicky at siguro tulungan na rin siya to work with his confidence. Malamang kasi 'yun din ang isa sa mga dahilan kung bakit lagi siyang napag-ti-tripan, ang mga tulad ni Nicky na hindi marunong lumaban ay matatawag na 'easy target' para sa mga tarantadong walang magawa sa buhay kundi manira ng buhay ng iba.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon