Twelve- (The Naughty little Eden)

4.7K 263 16
                                    


[ Eden. ]

I'm not angry.

Kahit na nakikita ko ngayon kung paano ipulupot ni Jiro ang nakakadiri niyang galamay kay Selena at yumuko pa para bumulong sa tenga nito na nagpalabas ng isang nahihiyang ngiti sa mga labi ni Selena at nagpapula pa sa pisngi nito.

I'm not angry.

Kahit na tiningnan ako ni Jiro nang may panghahamon habang may nakapaskil na mapang-asar na ngisi sa mga labi niya na parang sinasabing wala akong magagawa, siya ang nanalo. Sa pagitan naming dalawa, talong-talo ako. At kahit anong gawin ko, bandang dulo, sa kanya parin mapupunta si Selena.

I'm really not angry.

Kahit na nakita ko kung paano niya ilapit ang mukha niya sa magandang mukha ni Selena, at ang mga labi niya ay halos dumikit na sa mga labi ng mahal ko, habang ang mapang-hamon at mapag-udyok niyang tingin ay hindi naaalis sa'kin.

I'm not angry.

Kahit na hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko kahit na gaano ko pa kagustong tumakbo palapit sa dalawa at paghiwalayin sila. Para bang may mga invisible na mga pako sa mga paa ko na pinaghihigpitan ako dito sa pwestong kinatatayuan ko para hindi ako makakilos. Para wala akong magawa kundi panoorin silang dalawa.

Even if I feel helpless right now.

I'm still not angry.

Nope.

Not at all..

BECAUSE I'M FURIOUS!

Malakas akong sumigaw, yung sigaw na may halong kagustuhan na pasabugin ang eardrums ni Jiro at paduguin ang tenga niya para naman makaganti ako.

"Ha---!" para akong nanggaling sa kailaliman ng dagat at biglang umahon.

Nagising ako, naghahabol pa nang hininga na hinawakan ko ang dibdib ko. Napatingin ako sa paligid at doon ko narealize na nakatulog pala ako sa study table ko. Pinunasan ko ang labi ko na alam kong may panis na laway pa at saka tiningnan ang mga papel at drawing materials na nasa harapan ko.

Sa papel na nakapatong sa lamesa ay may nakadrawing na dalawang lalaki.

Dalawang lalaking naghahalikan!

At ang malupit pa dyan, kahit na gilid lang ng mukha nila ang ginuhit ay makikilala at makikilala parin sila ng mga taong nakakakilala sa kanila.

Si Jiro at Calvin.

Isang malawak na matagumpay na ngiti ang sumilay sa mukha ko saka ako malakas na tumawa na parang isang villain.

Bwahahahahaha!

BLAG!!!

Napatigil ako sa pagtawa ko nang marinig ko ang kalabog na yun mula sa kabilang kwarto. Sa kwarto ni Ate. Mukhang hinampas niya ang dingding at sobrang lakas pa, halatang may halong galit. Napatakip ako ng bibig at tumingin sa orasan.

Alas tres pa lang pala ng umaga.

Oops.

Tumikhim ako saka binaba ulit ang tingin sa masterpiece ko at hindi ko mapigilang mapangiti ulit ng malaki at humagikgik habang nakatakip parin ang bibig ko.

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon