Thirteen - (Are you really gay?)

5.4K 333 41
                                    


[ Third person. ]

Hindi maalis ang isang labas-ngipin na ngiti sa mukha ni Eden habang nakikinig sa discussion ng prof sa harapan. Mukha man syang isang mabuting mag-aaral na magiliw na nakikinig, na lubhang ikinatutuwa ng prof, eh lumilipad naman ang utak nya sa kung saan. Iniisip nya kung anong mukha ang gagawin ni Jiro sa sandaling makita nito yung artwork na ginawa nya. Hihihi, excited na sya! Yung kamay nya nga handa nang kunin ang cellphone nya ano mang oras at kunan si Jiro.

"Open your textbooks in page forty eight."

Nang sabihin ng professor yun ay mas lalong lumaki ang ngiti sa labi ni Eden, ni hindi nya napansin ang nagtatakang sulyap sa kanya ng katabi nyang si Nicky. Kanina pa napapansin ni Nicky na hindi mapakali sa kinauupuan nya si Eden at parang may inaabangan itong kung ano, at kung ano yun, alam nyang kalokohan na naman ito ni Eden. Hindi nya maiwasang mapailing, naghahanap na naman ng gulo ang kaibigan nga at hindi nya alam kung mapipigilan niya ito lalo na at determinado itong makabawi kay Jiro. Sana lang hindi masaktan si Eden... sa isip ni Nicky.

BLAG-!!!

"WHAT THE FUCK?!"

Nagulat ang lahat at mabilis na napatingin sa pinanggalingan ng malakas na kalabog. Nakatumba ang upuan at nakatayo ang galit na si Jiro habang nakatingin sa papel na naitapon nya sa sahig sa sobrang gulat nya. Ang mga estudyanteng malapit sa kanya ay napatingin sa drawing at hindi nila mapigilang matawa. Sinamaan sila ng tingin ni Jiro kaya naman agad silang napatahimik at napaiwas ng tingin, ang ibang hindi makita ang drawing ay nagtataka sa inasal ng mga estudyante at ni Jiro. Gusto nilang makiusyoso pero ramdam nila ang pagka-bad mood ni Jiro kaya walang nagtangkang magtanong o lumapit.

"Tolentino! What do you think you're doing?!" galit na sigaw ng professor na naabala sa pagtuturo nya.

Hindi sya pinansin ni Jiro na galit na nilipat ang masasamang tingin sa may sala. Eden blinked at him and smiled innocently, pero nakapagdagdag lang yun sa galit ni Jiro. Ang apoy sa mga mata nya ay mas nagliyab. Sa oras yun, gusto nyang pagpira-purasuhin ang baklang lakas loob na syang kinakalaban!

"You, faggot." mariin at galit na bigkas ni Jiro, mahigpit na nakakuyom ang mga kamao nya at handa na syang sapakin ang kung sino mang lumapit sa kanya. "You fucking dare!!!"

"Tolentino! Sit down!"

Napalunok si Eden- hindi nya alam na magiging ganito ang reaksyon ni Jiro. Inaasahan niya nang magagalit ito, pero hindi naman ganito kagalit. Parang gusto na sya nitong i-execute on the spot dahil sa talas ng tingin nito sa kanya. Hindi nya pinahalata ang kaba na nararamdaman nya at tinago nya ang nanginginig nyang kamay.

Nako naman!

Jiro gritted his teeth, his jaw clenching. Humanda ka sa'king bakla ka, sa isip ni Jiro habang padabog na pinulot ang papel at umupo sa upuan nya. He crumpled the paper with one hand and gave Eden a threatening glare. Muntik nang mapatalon si Eden sa kinauupuan nya, nakalimutan nya pang kunin ang cellphone nya para kunan ang reaksyon ni Jiro dahil sa naramdaman nyang takot kanina. Epic fail! Pero ayos na rin, wala mang remembrance, atleast nakaganti sya sa asungot na yun! Hmp. Tama. Bakit ba sya matatakot? Inismiran nya si Jiro at pataray na inalis ang tingin nya dito, gaya nung nakita nyang ginagawa lagi ni France kapag nakikipagtarayan ito kay Mello.

"Class dismissed."

Nang sabihin yun ng guro ay mabilis na niligpit ni Eden ang mga gamit nya at hihilahin na sana paalis si Nicky nang maramdaman nyang humigpit ang collar ng sweater na suot nya at hindi sya makaalis sa pwesto nya. Nakita nya na nanlalaki ang mga mata ni Nicky na nakatingin sa likuran nya at alam nya na kung sino ang culprit---

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon