Fifteen - (Where's my hero?)

4.5K 294 35
                                    


[ Eden. ]

Habang naglalakad kami pababa ng hagdan ay may bigla akong naalala na agad nagpabaling ng tingin ko sa kanila.

"Paano nyo nga pala nalaman kung nasan ako?" curious na tanong ko sa kanila.

Napakamot sa ilong si France na syang sumagot, "Bebe, actually, hindi naman talaga namin knows na nasa rooftop ka. Hinahanap ka kaya namin kung saan-saang lupalop ng school. Halos baliktarin nga namin 'tong school, nasa rooftop lang pala kayo!"

"Oh..." react ko at napatango. "Pero sino nagsabi sa inyo na kinaladkad ako ni Jiro kung saan?"

"Si Nicky." pagsagot ni France nun ay may maliit na pigurang lumitaw mula sa likuran niya.

Si Nicky! At dala nya ang bag ko.

"I-Ito nga pala y-yung bag mo..." sabi nya sabay abot ng bag ko sa'kin habang nakayuko.

Ang cute, hanggang ngayon nahihiya parin sya sa'kin? Haha!

Nakangiting kinuha ko ang nag ko at sinukbit yun sa kanang balikat ko saka ko pinatong ang kamay ko sa ulo nya at ginulo ang buhok nya.

"Salamat! Kung di dahil sayo baka hanggang ngayon nandun parin ako kasama ng asungot na yun. Ang lakas pa naman ng ulan, baka nagkasakit pa ko kung nagkataon!"

Nakita ko ang pamumula ng tenga nya. "W-Wala yun! S-Sige mauuna na 'ko! B-Babye!"

Bago pa 'ko makasagot ay mabilis na siyang tumakbo na para bang nagaapoy ang puwitan nya. Hindi ko mapigilang matawa ng mahina. Ang cute cute talaga ni Nicky!

Napangiti rin si Selena babe at nagpatuloy kami sa paglalakad. "Pauwi na kami ni France kanina nung bigla syang lumitaw sa harapan namin. Kahit nauutal sya, sinubukan nyang ipaliwanag ang nangyari. Alam mo bang yun ang first time na kinausap nya kami?" napapailing natanong nya.

Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko. Tumango silang dalawa ni France.

"Mahirap kausapin yun, ayaw niyang magsalita. Masyado yata talagang malaki ang takot nya sa mga tao kaya ganun na lang sya kung umilag. Tapos palagi pa syang binubully ng grupo ni Jiro, mas lalo tuloy syang naging withrawn." kita ang awa sa magagandang mata ng Selena babe ko habang nagsasalita.

Ang bait-bait talaga ni Selena, ang considerate nya pa sa ibang tao! Bagay na bagay talaga kami, ahiii~

"Iba ka talaga bebe cheese! Akalain mo at nagagawa mong pagsalitain yun? Akala ko nga nun pipi sya kaya di sya nagsasalita nung tinatanong ko sya. I even found him irritating dahil panay ang yuko nya tas di naman magsasalita! Kaya siguro uutal-utal sya kasi di sanay yung bibig nya sa pagsasalita."

Agad namang nakatanggap ng kurot si France mula kay Selena.

"Gaga! Takot nga sa mga tao, diba? Kaya nauutal sya sa pagsasalita kasi takot sya sa mga tao!"

"Ay ganon? Mukha ba tayong halimaw para sa kanya? Nakakaloka."

"Siraulo ka ba? Baka ikaw mukhang halimaw sa kanya!"

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now