Seventeen - (I'm not crazy!)

4.1K 247 7
                                    

[ Eden. ]


Para akong nanggaling sa kaila-ilaliman ng dagat, at bago pa ko tuluyang malunod ay mabilis akong napabangon habang naghahabol ng hininga. Pinilit kong pakalmahin ang paghinga ko at nang umayos ito ay saka ko nilibot ng tingin ang paligid ko.

Nakahiga ako sa kama at... nakabalik na 'ko sa kwarto ko? Horishit! Nagteleport ba 'ko mula sa school papunta sa kwarto ko? Paano ako nagkaroon ng teleportation power? Habang malalim na pinag-iisipan kung nagka-superpowers ba ako kaya ako nakarating dito sa kwarto ko o ano ay bumukas ang pinto. Niluwa nun ang di masarap kong ate na may buhat na tray na may lamang pagkain at gatas.

Nagliwanag ang mukha ng ate ko nang makita niya 'ko at pinanood ko naman siyang maglakad papalapit. Pinatong niya sa bed-side table ang tray at umupo sa gilid ng kama ko saka sinapo ang noo ko.

"Wala ka nang lagnat. Mabuti naman. At buti na lang rin nagising ka na, balak pa naman kitang gisingin para makakain ka na." ani ate at dun ko lang napansin na parang walang kalaman-laman ang tyan ko at gutom na gutom ako! Siguro dahil hindi ako nakakain ng lunch kanina sa school.

Tiningnan ko ang pagkaing dala ni ate pero agad na napukaw ng pansin ko ang digital clock na nasa tabi ng tray.

12:34 PM...?

Kunot ang noong bumaling ako kay Ate at nagtanong, "ilang oras akong nakatulog, Ate?"

"Engot, anong ilang oras? Isang araw ka nang walang malay!"

"What?!" ang napaka-oa kong reaction.

Kaya pala ganun na lang ang nararamdaman kong gutom, maghapon akong di kumain!

Teka parang mali yung focus ng concern ko... ah basta! Ang mahalaga dito isang araw akong di kumain!

Nalulungkot na hinimas ko ang kaawa-awa kong tyan. Poor little tummy, I have neglected you! Forgive me for I have sinned aaaah!

"Maka-react naman. Matapos mo kasing mawalan ng malay eh nilagnat ka, tinurukan ka ng gamot at kaya siguro dun kaya napahaba ang tulog mo." paliwanag ni ate at tinulungan akong alisin ang pagkakapulupot sa katawan ko ng kumot. Pati kumot ayaw mawalay sa'kin, ano ba naman yan!

Matapos itong tanggalin ay huminga ako ng malalim.

"Mag-toothbrush ka nga muna dun at ang bantot ng hininga mo." lukot ang mukhang ani ate habang kinukusot ang ilong niya.

"Ang sama naman ng ugali mo, ate!" busangot na tugon ko pero sibubukan ko ring amuyin ang hininga ko.

Ack- ang bantot nga!

"Ate ano bang pinakain mo sa'kin, ba't amoy imburnal ang hininga ko!" paghyhysterical ako. Aba! Ang panget naman sa image na kung sa gwapo at charming kong 'to ay mabaho naman ang hininga ko! That is very very wrong. Very wrong, ate. Very wrong!

"Tumigil ka nga dyan! Magsepilyo ka na para makakain ka na!" suway ni ate sabay hampas sa balikat ko. I grumbled pero agad rin naman akong tumalima. Ayokong may pangit sa katawan ko, lalo na ng pangit ang amoy! Aiya, buti na lang kahit di pa ako naliligo ay di ako nangangamoy. Maliligo na lang ako pagkakain ko.

Matapos magsepilyo habang kumakanta-kanta ay ni-check ko ang mga ngipin ko pati na rin ang hininga ko at nang masiguradong 100% gwapo na ulit ako ay lumabas na ako ng banyo at bumalik sa kama para kainin ang dinalang pagkain ni ate.

"Nga pala, mamaya dadalaw yung mga kaibigan mo dito."

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain nang marinig ko ang sinabing yun ni ate. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara at napansin naman agad yun ni ate.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now