Thirty Three - (You are busted)

3.8K 305 115
                                    


[ Eden. ]

Tahimik kaming nakaupo na magkakaibigan ngayon dito sa cafeteria, walang gumagalaw ni isa sa kanila at lahat sila ay nakatuon ng tingin sa babaeng nakaupo ngayon sa pagitan nila Francy at Mello. Sa nangyaring gulo kanina, halos lahat ay nanigas sa mga pwesto nila. Kahit ako ay hindi nakagalaw at nablangko dahil sa halik. Nabalik lang ako sa sarili ko nang may humigit palayo kay Veronica mula sa pagkakapulupot nito sa'kin at nang tingnan ko ay nakita kong si Francy at Mello 'yon. At para hindi kami magmukhang mga tanga na nakatayo lang don ay hinila nila kaming dalawa papunta sa pwesto nila at pinaupo. Kaya ito ngayon ang sitwasyon namin. Nilayo pa nila Francy at Mello si Veronica mula sa'kin para hindi daw ako nito sagpangin.

Hindi ko mapigilang mapangiwi dahil parang isang wild animal ang turing nila kay Veronica.

Ilang sandali lang ay binasag ni Francy ang nagyeyelomg katahimikan. "Gurl, why the hell did you do that?"

"Why not?" Tinaasan naman ng kilay ni Veronica si Francy, sa tono ng boses ay halata ang pagiging spoiled brat niya.

Napanganga naman si Francy sa sinagot nito at hindi na napigilang magtaray, "anong why not? You just kissed someone without their consent!"

"I kissed him because I like him, okay?! Its to express my feelings so why can't I do that? Palibhasa halatang old-fashioned kayo, hmp." Pagtataray rin ni Veronica na humalipkip pa.

Napasinghap si Francy at tatayo na sana nang pigilan siya ni Selena. Habang si Mello naman na hindi na rin makapagpigil ay nagsalita na. "Hoy ikaw na malansang tahong ka, hindi kami old-fashioned! Talagang may respeto lang kami sa ibang tao!"

"I respect Eden!" bwelta ni Veronica na singhalan lang ni Mello.

Oreo, "pero yung ginawa mo sa kanya, hindi respeto ang tawag do'n."

"Che, liberated ka kasi. Hindi kami kasing sexually open kagaya mo, gurl. Kaya yung ginawa mo, hindi yun katanggap-tanggap para sa'min!" Taas ang noo na paggatong naman ni Francy. Sinamaan naman siya ng tingin ni Veronica.

"Bakit ba masyado kayong affected? Eden isn't even complaining!"

"He's not complaining kasi kanina pa sya tinakasan ng kaluluwa dahil sa ginawa mo! Ikaw kaya ang bigla na lang halikan ng taong hindi mo naman type?!"

Bumakas naman agad ang galit sa mukha ni Veronica, tinamaan yata ang sore spot niya. "What do you mean not his type?! How can you even say so na hindi niya 'ko type, ha?!"

Napairap naman sa ere si Francy, "because his type is the exact opposite of you! Kaloka."

"How can that be?! I'm pretty, sexy and rich!"

"Exactly why you're not his type!"

"What?!" Mas lalong kumunot ang noo ni Veronica.

Ang kaninang tahimik lang na nanood na si Selena ay hindi na rin napigilang magsalita. "You don't know?" Tanong niya.

Veronica blinked, confused. "Don't know what?"

"He's gay." Sagot ni Selena na nagpatameme naman kay Veronica.

"W-What?"

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now