Twenty Two - (Meticulous Wife)

3.5K 217 6
                                    

[ Eden. ]

Marahas kong inihilamos ang palad ko sa mukha ko saka patakbong binagsak ang katawan ko sa malambot na kama ni ate Sendy. I bit the bed sheet to muffle my sceams out of frustration.

May nasabi o ginawa kaya ako na pwedeng maging dahilan para mabuking ako? Uwaaaaa! Sana naman wala kasi iuuntog ko talaga yung ulo ko sa pader kapag nagkataon! Pero, pero, w-wala naman siguro 'no? Please say yes, uwaaaa!!!

Sinipa-sipa ko ang mga paa ko sa ere habang kinakalmot at kinakagat ang sapin at mga unan. Help- nawawala na ako sa sarili! Huhu. Hindi ko naman kasalanan, eh. Sino bang makakapigil na gawin yung mga bagay na nakasanayan nila? Wala naman diba? Old habits never die kaya!

Ugh- okay, Eden, kalma.

Wala naman siguro siyang nahalata na kung ano. Ikalma mo ang sarili mo!

Kinagat ko ang ibabang labi ko at pinaglaruan yun habang pinapakalma ang sarili ko. Kinukumbinsi ko rin ang sarili ko na wala akong nasabi o nagawang kung ano na ikabubuking ng pagpapanggap ko.

Huminga ako ng malalim at napatingin sa pinto nang may kumatok doon.

"Eden? Lumabas ka na dyan, ihahanda ko na yung almusal." narinig ko ang boses ni Selena sa labas.

Napakurap ako at napabangon.

Nasara ko pala yung pinto, buti na lang at umaga na. Maliwanag at bukas pa ang bintana kaya wala akong anumang naramdaman.

Kundi ang kilig.

Haaaay. Kung papalitan lang sana ni Selena babe yung 'Eden' at tinawag niya akong 'Honey', makakalimutan ko agad ang pinoproblema ko at magiging buo na ang araw ko.

Diba, diba? Para siyang isang mabait at magandang housewife. Wifey ko! Hihihihi~ Kinilig naman agad ako sa naisip ko, naimagine ko kasi na kapag kasal na kami, bago ako pumasok sa trabaho ay aayusin niya ang tie ko, hahalikan ako sa pisngi tapos sasabihan ako ng i love you at mag-ingat. Tapos pag-uwi ko tutulungan niya ko magtanggal ng suit, hahalikan ulit ako tapos tatanungin kung pagod ako tapos mamasahiin niya yung balikat ko.

Gwaaaaa!

Napahawak ako sa mukha ko dahil ramdam ko ang pagiinit niyon.

Kinikilig talaga ako, eh!

"Eden?"

Ay, oo nga pala. Naghihintay ang wifey ko sa labas!

"Sige, babe. Susunod ako!" sabi ko at madaliang inayos ang kama na ginulo ko. Pumunta ako sa banyo at naghilamos bago ako bumaba.

Nakita ko sa dining area si Jiro, nakaupo na kaya napahinto ako sa paglalakad. May nakahain ng kanin, tinapay, juice at may mga plato na, hindi ko nakita si Selena, mukhang nasa kusina pa. Mukhang naramdaman naman ni Jiro ang presensya ko kaya inangat niya ang tingin papunta sa'kin.

Uh... "Bakit ganyan ka makatingin?" kunot ang noong tanong ko. Hindi ko gusto kung paano siya tumingin, nanunuot at parang he can see through me.

Hindi siya sumagot at pinatili lang niya ang matiim niyang pagtitig kaya hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. A-Ano bang... bakit ba ganyan siya kung tumingin?!

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now