Twenty One - (Sepanx)

4K 251 29
                                    

[ Eden. ]

"What the fuck are you doing here?!"


Ang nakakunot na noo at nakabusangot na mukha ni Jiro asungot ang sumalubong sa'kin pagkapasok ko ng bahay nila Selena. Naiwan sila ng ate niya at ate ko sa labas, may pinag-uusapan sila kaya nauna na akong pumasok habang dala ang maleta kong kulay dilaw at may mukha ni spongebob~  Napatayo pa si Jiro mula sa pagkakaupo niya sa sofa at rumehistro sa mukha niya ang gulat nang makita akong pumasok. At dahil nasa good mood ako, binigyan ko siya ng naaaapakalaking ngiti, yung abot sa magkabilang tenga ko!

"Makikituloy rin ako dito~!" tumatalon-talon pa ko sa bawat hakbang ko. Hindi naman halatang sobrang saya ko, diba? Hihihihi, hindi nga ako mapakali kanina habang nasa byahe kami papunta dito, eh!

Inasar pa nga ako ni ate, may bulate raw ba ko sa brip at di mapakali ang pwet ko sa upuan. Yuck si ate. Very wrong. Masaya lang ako at sobrang excited kasi makakasama ko sa iisang bahay ang bebe ko!

Tee-heeee~

Pero kabaliktaran naman si Jiro.

"What?!" halatang hindi siya masaya sa balita ko. Halos magyakapan na ang dalawang makakapal niyang kilay dahil sa pagkakakunot nun.

Pero may pake ba 'ko? Syempre wala!

Gusto kong makitang umuusok ang ilong niya sa galit kaya mas lalo kong pinatamis ang ngiti ko.

He gritted his teeth, "Bakit ba lagi ka na lang umeepal?" inis na tanong niya at sumingal. "Tsk. Akala ko makakai-score na 'ko. Bwisit." bulong niya na narinig ko naman. Pinaningkitan ko siya ng mga mata.

Sinabi ko na nga ba, may masamang motibo ang bakulaw na 'to, eh!

"Nandito talaga ako para hindi ka makai-score sa kaibigan ko! Aalis sila ate Sendy, tingin mo papayag rin sila na kayong dalawa lang ang matira dito sa bahay? Syempre hindi! At hindi rin ako makakapayag!" pinagkrus ko ang dalawang braso ko at nilabas ang dila ko para belatan siya.

At success! Mas lalo siyang nainis!

Nakita ko ang pagdilim ng mukha niya at habang nagiigting ang panga ay nagmarcha siya papalapit sa'kin na ikinalaki naman ng mga mata ko. Takte, baka sapakin niya ang gwapo kong peys!

I unconsciously let out a whimper nang dakmain niya ang damit ko saka ako hinigit papalapit sa kanya. Pumikit ako dahil talaga namang nakakamatay ang tingin niya at nararamdaman ko rin ang mainit at mabilis niyang paghinga sa mukha ko.

"Ikaw..."

"Jiro? Anong ginagawa mo kay Eden?"

Napadilat ako at napahinto naman si Jiro sa dapat na sasabihin niya saka kami sabay na napalingon kay Selena na kakapasok lang ng bahay. Nakakunot ang noo ng babe ko habang nakatingin sa'min.

Binitawan ako ng asungot at nakangiting pinagpagan pa kunware ang nagusot kong damit. Naningkit ang mga mata ko sa inasal niya.

"Nothing. We were just greeting each other. Diba, fairy?" itinunon sakin ni Jiro ang tingin niya, bahagya pa akong pinanlakihan ng mata na parang nagbabanta.

Tsk. Mama mo fairy!

Inalis ko ang pagkakahawak niya sa'kin, lumayo sa kanya at saka tumingin sa bebe kong maganda. Hehehe.

"Sila ate?" tanong ko.

"Ah, nandun sa labas. Tinatawag ka nga pala ng ate mo, may ibibilin yata sayo."

Iniwan ko ang maleta ko sa isang gilid saka patakbong lumabas. Nakita ko si ate at ate Sendy sa tabi ng sasakyan ni ate. Mukhang nakapag-ayos na sila at handa ng umalis.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now