Fourty One - (Two lost souls)

4.1K 302 99
                                    

Favor naman mga ka-saging. Paki-point out yung mga errors hahahaha. Lutang kasi ako, napuyat sa pag-pack ng mga medical masks kagabi kasi ngayong araw na dadalhin yun sa mga hospitals. Na-proofread ko naman, pero siguradong may mga nakaligtaan pa rin ako. Okay? Be good, Daddy loves you all. ^3^

PS. Isa akong malaking bano pagdating sa medical field, kaya puspusang research ang ginawa ko para sa chapter na 'to HAHAHA. Pagpasensyahan nyo na kung may mga inaccuracy 😟

♡♡♡

[ Third Person. ]

Tuwing biyernes ng hapon ang schedule ng session ni Eden with Doktora Valdez. Konti lang ang subjects ni Eden tuwing biyernes kaya maaga siyang nakakauwi ng bahay nila. Samantalang may limang oras naman na vacant si Edelle bago ang klase niya ng 7 pm kaya may time ito para samahan ang nakababatang kapatid.

Alas tres pa lang ay nagbihis na si Eden, na ikinailing na lang ni Edelle dahil halatang excited ang kaniyang kapatid. Hindi niya rin maiwasang mapangiti dahil ang laki ng improvement nito mula noong unang dalhin niya si Eden sa Psychiatric Clinic. Naalala niya pa kung paano siya nito takbuhan at gabi na nang masundo niya sa isang kalye di rin kalayuan sa lugar.

Katakot-takot na sermon ang natanggap ni Eden n'on mula sa Ate niya at maging sa Mom niya via facetime. Hindi rin naman kasi sila masisisi kung sobrang protective nila sa kanilang mahal na bunso. Napaka-carefree rin kasi ni Eden to the point of recklessness. In short, takaw-gulo.

Pagdating sa Clinic ay isang maliwanag at napaka-tamis na ngiti ang bati ni Eden sa doktora na hindi naman napigilan ang sariling hawakan ang maliliit na kamay ng binata habang malaki rin ang ngiti sa labi.

"Palagi ka na lang punong-puno ng enerhiya. Kaya siguro napakabata mong tingnan, ano? Mukhang kang nasa kinse anyong lang."

Napabungisngis si Eden sa papuri na 'yon ng ginang. Litaw na litaw ang malalim niyang dimples sa magkabilang pisngi, mukha itong masarap kagatin. Bukod dito, isa rin sa mga asset ni Eden ang kanyang mga mata na itim na itim, parang sa manika, at may iba itong kinang dahilan para makaramdam din ng tuwa ang napapatitig dito.

"Nakaka-bata talaga ang pagiging laging masiyahin, Doktora! Kagaya nyo, palagi kayong nakangiti kaya mukha po kayong twenty years old lang!"

Natawa naman ang Doktora habang si Edelle na nasa likod ay hindi rin maiwasang mapailing sa pagkapilyo ng kapatid. Ngumiti siya sa Doktora at nag-abot ng isang di gaano kalakihang kahon.

"Para sa inyo po, Doktora. Cupcakes po, kami mismo ni Eden ang nag-bake." Sabi ni Edelle matapos iabot ang kahon. Masayang tumango naman si Eden.

"Masarap po 'yan!"

Ngumiti naman ang ginang sa kanila. "Naku, maraming salamat. Lagi niyo na lang akong nireregaluhan tuwing pumupunta kayo rito." Bakas ang tuwa sa mukha ng ginang, maingat na itinabi ang kahon sa gilid ng kaniyang desk.

Hindi na rin sila nag-aksaya pa ng oras at nagsimula na.

Pinaupo ni Doktora Valdez si Eden sofa, may living room set kasi ang kaniyang clinic para mas mukha itong home-y at komportable. Umupo si Doktora Valdez sa tabi ng binata habang si Edelle ay naupo rin naman sa isang single-seater na sofa.

"Susubukan natin ngayon ang exposure theraphy. 'Wag kang mag-alala, hijo, magsisimula tayo sa basic." Mahinahon ang boses ni Doktora Valdez, hindi rin mabilis o mabagal ang pagsasalita niya, tama lang para makapag-pakalma ng puso.

Ilang beses na rin ni Eden nakasalamuha si Doktora Valdez at napakagaan na ng loob niya rito. Sa katunayan nga ay malaki na rin ang tiwala niya sa ginang. Pero kahit ganoon, hindi niya pa rin maiwasang gapangan ng kaunting takot sa dibdib. Ngunit pinilit niyang 'wag 'yon pansinin at patatagin na lamang ang kaniyang loob.

The School's Fairy | BxBDonde viven las historias. Descúbrelo ahora