Eight - (Homophobic bullies)

4.4K 300 31
                                    


[ Eden. ]

Ito talaga yung isa sa mga panahon kung saan kekwestyunin mo yung mga desisyon mo sa buhay.

Bakit yun ang daan na tinahak ko?

Bakit ganun ang mga ginawa ko?

Bakit ganun ang mga sinabi ko?

Bakit kailangan ko pang gawin ang mga bagay na nagawa ko? Kahit na alam ko naman na ikapapahamak ko. Na maliit lang ang porsyento na makatakas ako sa mga consequences ng mga nagawa ko.

Bakit?

Para sa taong kumuha ng tanging pag-asa ko para makatakas.

Bakit?

Anong nagawa kong kasalanan?

Bakit kinuha mo yung mga kahon eh alam mo namang may nagtatago!

Sino rin bang naglagay ng platform cart dun?!

At sino ring nagbulong sakin para doon tumuntong at magtago?!

Huhuhu.

Welp!

I don't wanna die!

I'm too young to die!

I wanna survive!

I'm a survivor!

Pero makakatakas ka pa kaya kung isa ka lang namang kuneho na napalilibutan ng mga naglalakihan at gutom na leon?

Siguro nga hindi ito ang panahon para gumamit ng metaphors.

Pero hindi ko matiis.

Ang pogi ko kasi :'3

"We caught a kitten." sinamaan ko ng tingin ang gunggong na nagsabi nun. Si Calvin! Yung brand ng brip!

"A feisty one." Nakangising dagdag nung lalaking may hawak sa hoodie ko.

Sinamaan ko rin sya ng tingin!

Nanay nyo pusa! Buong pamilya nyo ang pusa!

"Hindi ako pusa!" Sigaw ko.

Nagtawanan sila.

"Yeah, your jacket says so too." sabi ng nakasalamin na hindi ko kilala. Feeling close! Kilala kita, kuya? Kilala ba kita? Feeling kilala ko, eh.

Wag mo kong kausapin! Hindi tayo friends! I don't talk to strangers!

"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko dun sa nakahawak sa hoodie ko. Nginisian niya lang ako.

"Pasensya na, hindi ko yun magagawa nang walang permiso ni captain." sabi nya saka tumingin kay asungot.

Sinamaan ko ng tingin ang sinasabi nyang captain nila.

"Pakawalan nyo na 'ko! Hindi ko naman ipopost yun, eh! Wala naman akong facebook account atsaka... nagbibiro lang naman ako! Hindi naman kayo mabiro, eh. Mga wala pala kayong sense of humor!" hindi ko talaga mapigil ang bibig ko. Kung nandito lang si ate baka kanina nya pa sinampal ang nguso ko.

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon