Fourty - (Friends)

3.7K 280 76
                                    

[ Eden. ]

Ilang araw na ganon ang set-up namin ni Jiro. Magkikita kami sa rooftop tuwing lunch break at tuturuan ko siya kung paano ang tamang panliligaw kay Selena. Unti-unti na ngang nasasanay sila Francy na hindi ako sumasabay sa kanila mag-tanghalian, although, nandoon parin ang tampo. Syempre, hindi mawawala 'yon. Mahal na mahal nila ako, eh. Hehehe. Pero hindi naman sila makapalag dahil si Ate Edelle ang ginagamit kong excuse. Saka sa ibang time naman, sila lagi ang kasa-kasama ko. Kaya alam kong hindi ko sila nane-neglect. Pero alam ko na minsan hindi maiiwasang maramdaman nila 'yon, kaya nga nitong mga nakaraang araw ay napadalas na rin ang pagyakap at paglalambing ko sa kanila.

Ang sweet ko 'di ba?

Natural na 'yan at dumadaloy sa dugo ko ang pagiging sweet. Pero wala akong diabetes, ah!

Ngayong araw ay sumapit na naman ang oras ng lunch break. Kasalukuyan kong pinapanhik ang hagdan patungo sa rooftop. Tinulak ko ang bakal na pinto at inaasahan ko nang nandoon si Jiro sa usual niyang pwesto at naninigarilyo, pero wala siya. Ni anino niya ay hindi ko nakita.

Huh? Nasaan na 'yon?

Palagi kasi siyang nauuna sa'kin dahil mas maaga natatapos ang klase niya. Kaya nakapagtataka na hindi ko siya nakita pagkarating ko rito. Hindi kaya may exam sila today or something?

Uupo na sana ako sa lapag at maghihintay na lang nang biglang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nag-send ng message. Kinuha ko yun mula sa bulsa ko at tiningnan.

Oh, si Asungot. Oo, nagpalitan na kami ng number para mas madali kaming makapag-communicate.

From: Asungot 💩

Nasa parking lot ako. Get your ass over here.

Napasimangot ako. Kahit sa text napaka-overbearing at demanding niya pa rin. Kung maka-utos akala mo isa siyang hari at ako ay tagasunod niya! Bagay lang sa kanya yung tae sa contact name niya, buset sya. Isa siyang malaki at matangkad na tae! Baka nakakalimutan niya na ako ang teacher dito at siya ang tinuturuan ko? Kaya kung iisipin, ako ang mas mataas sa kanya at dapat na mas nasusunod.

Hmp. Pero dahil good boy ako ay nag-reply na lang ako ng okay saka bumaba na.

Bwisit, pinagod ko pa tuloy ang sarili ko sa pag-akyat ng hagdan. Limang palapag ang building na 'to, 'no! Bakit ba kasi hindi na lang niya sinend 'to bago mag-lunch break? Feeling ko tuloy sinasadya niya! Oo, ganun siya ka-walanghiya.

Nang makarating sa first floor ay hinihingal pa ako. Ikaw ba naman umakyat-baba sa building na limang palapag, hindi ka ba mapapagod? Kung hindi, edi wow! Ikaw na ang may super stamina. Tsh. Pinunasan ko ang noo ko'ng basa na ng pawis at sinuklay patalikod ang buhok ko para hindi ito dumikit sa noo ko. Nang mahimasmasan ay tumungo ako sa daan na iba sa usual naming dinadaanan ng mga kaibigan ko. Doon kasi madadaanan ko ang lockers area at cafeteria, ayokong maispatan ng mga friends ko kasi ang alam nga nila nasa building ako nila Ate, di ba? Kaya dito nalang ako dadaan kung saan medyo walang estudyante kahit na mapapalayo ako sa parking area.

Hays. Ang kapal ng mukha ni Jiro na pahirapan ako ng ganito. Hmp!

Pero bago ako tuluyang makalisan sa building ay nagkasalubong kami ni Nicky. Nakita ko ang pagliwanag ng mga mata niya, napansin ko pang tumingin siya sa likuran ko, tapos ay tumingin ulit sa'kin at ngumiti.

"E-Eden."

"Uy, Nicky! S'an ka galing?" Nakangiting pagbati ko.

Gamit ang isang kamay ay inayos niya ang salamin niya at may munting ngiting tumungo ng konti. "U-Uhm... W-Wala, dyan lang."

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now