Thirty Five - (Operation: Capture Selena's Heart)

4.3K 289 116
                                    

[ Eden. ]

Ang bilis ng araw. Hindi ko namalayan na mahigit isang buwan na pala mula nang una akong tumapak sa eskwelehan na 'to. Magda-dalawang buwan na nga, eh.

Yun ang pumasok sa isip ko pagkababa ko ng sasakyan ni ate, saka napatingala sa mataas na building sa 'di kalayuan.

Akala ko talaga hindi ko na mararanasan ang maging isang ordinaryong estudyante na ang tangi lang pinoproblema ay mga assignments, activities, exams at projects-- isama mo na rin ang mga terror na professors. Nung una ang tangi ko lang naman talagang goal ay ang makuha ang loob ni Selena, pero nang tumagal ay minahal ko na rin ang pagbabagong 'to sa buhay ko. Ang saya pala kasi, eh. Hindi na rin ako binabangungot tuwing gabi dahil ang dami nang bagay na dumidistract sa isip ko. Kaya nga hindi ako nagsisisi sa desisyon ko, kahit na napaka-immature ng naging dahilan ko.

"Ano pang tinutunganga mo dyan? Lumakad ka na, aba!"

Napanguso naman ako nang marinig ko ang nanenermong boses ni ate kaya tiningnan ko siya nang nakabusangot. "Ate naman! Nagmomonologue ako dito, eh!"

"Bahala ka dyan. Male-late na 'ko kaya mauuna na 'ko ah! Wag ka nang tumunganga pa ng matagal dyan at lumakad ka na rin! Bye!" Ang paalam niya saka mabilis na naglakad sa direksyon papuntang building ng mga 5th year students. Hindi ko na pinanood pa ang pag-alis niya at nagsimula na rin akong maglakad.

Tinahak ko ang hallway patungo sa una kong klase. Marami pa ang nagkalat na estudyante dahil may ilang minuto pa bago magsimula ang klase. Hinanap naman ng mga magaganda kong mata ang mga kaibigan ko at nang naispatan ko sila ay agad akong lumapit.

Habang papalapit ay di ko maiwasang marinig ang pinag-uusapan nila.

"Sinabi ko na kasi na mga ganong klase ng tao, hindi marunong magseryoso! Kung sakaling in-entertain mo sya--! Nako, tangina nya ng sagad!" As usual, tuwing magsasalita si Mello ay hindi pwedeng walang kasamang malutong na mura. Agad namang hinagod ni Oreo ang balikat ng naghihimutok na kasintahan.

Sobrang absorbed yata nila sa pinaguusapan nila at hindi nila napansin ang pagdating ko.

Sumagot si France na masama rin ang timpla ng madalas ay maaliwalas nitong mukha. "Alam kong gago sila, but I didn't expect na aabot sa ganon ang kasamaan ng ugali nila. And to think na I was starting to believe it too na seryoso talaga sya sa'yo! My God, nakakaloka siya, ha."

"Hayaan niyo na. At least ngayon, alam na natin ang totoo 'di ba?" Nakangiting saad ng magandang si Selena habang nakayakap ang mga braso sa mga librong dala niya. "Kaya kahit kailan talaga ayokong maniwala sa mga lalaki at sa mabubulaklak nilang mga salita." Dagdag niya pa nang may kasamang iling.

Napapitik ng daliri si France. "True! Buti na lang at di mo talaga betsung ang mga guys! Kung pumatol ka na lang kaya sa kapwa mong pechay, 'no?"

"Gaga!" Natatawang reaksyon ni Selena bago dumapo sa'kin ang tingin niya. Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. "Eden! Kanina ka pa ba nandyan?"

Selenaaa, 'wag ka namang ngumiti sa'kin ng ganyan please! Baka talikuran ko ang sinabi ko at i-pursue kita ulit!

Sa pagtawag naman na yun ni Selena ay sa wakas napansin na rin ng tatlo ang presensya ko.

"Bebe cheese!" Hinila ako ni Francy at pinulupot ang mga braso niya sa kanang braso ko.

I flashed a bright smile, showing off my dimples. "Good morning!" Bati ko sa kanila tapos ay bumaling ako kay Selena. "Kararating ko lang. Anong pinaguusapan nyo?"

The School's Fairy | BxBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon