Three - (Welcome to EIS, Eden!)

5.9K 305 15
                                    

A/N: Selena Rivera at the top! ♡

[ Eden. ]

[Basta mag-iingat ka, Eden, ha? Isumbong mo sa ate mo kapag may nang-away sayo. Magpatulong ka rin sa kanya sa mga assignments at projects mo. Wag kang magpapagabi ng uwi at pipiliin mo ang mga kakaibiganin mo. Wag kang makikipagbarkada sa nga bata na maraming bisyo! Nako, napakarami ko pa namang nakikitang mga kabataan ngayon na panay ang sigarilyo at inuman! Sasabihin ko na lang sa ate mo na sunduin ka at sabay na kayong umuwi para hindi ka na kung saan-saan pumunta. Baka matuto kang maglakwatsa. Kapag aral, aral lang! Wag kang magcucutting at wag kang sasagot sa mga teachers mo. Naiintindihan mo? Dapat nandyan ako para gabayan ka, eh. Pagpasensyahan mo na ko, baby, ha? Busy kasi Mommy mo, eh. Nawawalan na tuloy ako ng oras sa inyo--]

"Mom.." pigil ko sa pagrarant ni Mom. Napabuntong hininga ako at napangiti. "It's okay. I know you're busy saka wala namang problema sakin yun eh. I know you're working hard for us ni Ate. And yes, Mom, mag-iingat ako. Hindi ko kailangang magsumbong kay ate pag may nang-away sakin, kaya ko ang sarili ko. At matalino ang anak nyo! Kaya kong gawin ang sarili kong school works. Pero kung mahirapan man ako, kay ate naman talaga ako tatakbo para magpatulong. Kaya kong kumilala ng tao sa isang tingin lang kaya hindi ako makikipagkaibigan sa mga bad influence. Mom, hindi nyo kailangang mag-alala sa'kin. Dahil bukod sa plano kong mapalapit sakin si Selena, balak ko rin pong mag-aral ng mabuti at makapagtapos. Asahan nyo po yan." pangungumbinsi ko sa kanya.

Totoo ang sinasabi ko. Mag-aaral talaga ako ng mabuti! Isa pa, matagal na rin mula nang makapasok ako sa isang school. May mga nangyari kasi na nagtulak sakin at kay Mom na pagpasyahan na sa bahay na lang ako mag-aaral. Isa rin iyon sa mga rason kung bakit over-protective sila sa'kin.

I'm getting tired of it. Being treated as if I'm an infant or a toddler that needs to be checked from time to time. Na parang any time, masasaktan ko ang sarili ko.

Hindi ako babae o bata, at hindi rin ako ganon kahina para palagi na lang mapahamak 'no! Pero iniintindi ko na lang sila dahil nag-aalala lang naman sila sakin. Alam ko naman na natatakot rin sila. Ako rin naman. Pero minsan kasi, sumosobra na. Nakakasakal na.

Hays.

[I'm just worried, you know. Lalo na at malayo ako dyan para gabayan kayo. Hays. Papasok na ang anak ko sa eskwela, wala man lang ako dyan para masaksihan ang unang araw ng pagpasok mo sa klase!]

Natawa naman ako sa tinuran niya.

"Mom, it's okay. I'll just take a picture of myself habang nasa tapat ng gate ng Eastern High tapos isesend ko sa inyo. Isasama ko pa yung guard para masaya!" Biro ko na ikinatawa ni Mom. Kung nandito lang siya, baka mabatukan nya pa ko habang tumatawa. Sa kanya kasi nagmana si Ate sa pagiging sadista.

Oh my poor good-looking self.

[Basta mag-iingat ka, ah? Wala pa naman ako dyan para asikasuhin ka.]

Pang-isang daang beses nya na yan. I sighed, once again.

"I will, Mom. Mag-iingat ako. Magdadala pa ko ng weapons para sure na ligtas akong makakauwi ng bahay!"

[Tama! Gawin mo 'yan. Magdala ka ng pepper spray, taser at baston! Nako sasabihan ko ang ate mo na bilhan ka ng mga 'yan.]

Oh, sweet baby Jesus.

Napaikot ang mga mata ko sa reaksyon ni Mom. Hindi niya ba nagets ang biro ko? I was being sarcastic! But damn, sige, sumang-ayon ka na lang Eden dahil ang Mom mo, parang si Mike Enriquez, hindi ka nya tatantanan!

HAHAHAHAHA.

Geez, pogi na nga may sense of humor pa. Ano pang hindi magugustuhan sakin ni Selena my love of my life? Wala na siyang hahanapin pa. Total package yata 'to.

The School's Fairy | BxBрдЬрд╣рд╛рдБ рдХрд╣рд╛рдирд┐рдпрд╛рдБ рд░рд╣рддреА рд╣реИрдВред рдЕрднреА рдЦреЛрдЬреЗрдВ