Twenty Three - (Commute)

3.6K 232 26
                                    


[ Eden. ]

Napapayag ni Selena na pumasok na sa school si Jiro, kaya ito naman kaming dalawa, nasa labas ng bahay at hinihintay si Selena na may kinuha lang saglit sa taas. Hindi kami nagpansinan ni Jiro. Nakatingin lang siya sa cellphone niya, may kung anong kinakalikot dun, habang ako naman ay tumitingin-tingin lang sa wild flowers na tumubo sa gilid ng daan.

I squatted down to pluck one saka iyon pinaglaruan.

Narinig ko ang pagsara ng pinto at tunog ng susi kaya tumayo ako at tumingin kay Selena na kakatapos lang i-lock ang pinto. Lumabas siya ng gate at sinara yun saka tinago sa bag ang susi.

"Tara na." aya niya at nagsimula nang maglakad. Tinapon ko na ang hawak kong bulaklak at naglakad na din.

"Maglalakad lang tayo?" tanong ko. Hindi naman sa nagrereklamo ako, pero medyo malayo mula dito yung school, eh!

"Bakit? Di kaya ng malamya mong katawan, ha, fairy?" mapang-asar na komento ng asungot.

Maiinis ba 'ko? Syempre, hinde 'no! Over my dead gorgeous body.

"Nah, nag-aalala lang ako sa'yo. Hindi ba isa kang hari? Makakapayag ka ba na maglakad kasama ng mga katulad naming commoner?" sarkastiko kong tanong. Ngumisi siya, pero yung ngisi niya ay may halong pagkainis. Pikon!

"Buti alam mong mas mababa ka sa'kin? Bakit hindi ka lumuhod at magmakaawa sa'king patawarin ka? Diba, expertise naman ng mga katulad mo ang lumuhod sa harapan ng mga lalaki at sambahin kami?" napakarumi talaga ng bibig ng asungot na 'to. Ayan na naman siya sa mga homophobic remarks niya!

Ngumiti ako sa kanya ng matamis, yung kitang-kita ang malalim kong dimples saka malambing na nagsalita, "Bakit? Ganyan ka ba kadesperadong sambahin kita?"

Sinamaan niya ako ng tingin at hindi naman ako nagpatinag. Tinatapatan ko rin yun ng matatalas na tingin. Hmp. Kagatin ko sya, eh!

"Tama na nga 'yan, kaninang umaga pa kayo. Hindi na 'ko magtataka kung magkatuluyan kayo."

Naputol ang pagpapalitan namin ni Jiro ng masasamang tingin at sabay na napatingin kay Selena na ilang hakbang na pala ang layo sa'min. Teka, kelan kami tumigil sa paglalakad?

Agad naman akong naglakad papalapit kay Selena na nagpatuloy naman sa paglalakad, syempre humabol ang hari ng mga asungot gamit ang mahahaba niyang biyas.

"Magco-commute tayo." sagot ni Selena sa kaninang tanong ko na hindi niya nasagot kasi epal si Jiro.

Nakarating kami sa kanto at naghantay ng masasakyang jeep. Excited naman ako kasi ngayon na lang ulit ako makakasakay ng jeep~ Kapag umaalis ako ng bahay lagi lang akong sumasakay sa tricycle kasi malapit lang naman yung grocery store dun at saka wala naman akong ibang pinupuntahan kundi doon. Hindi rin ako nagcocommute tuwing pumapasok at umuuwi galing school kasi may sasakyan naman si ate.

Excited na 'kong magsabi ng 'para'! Hehehehe.

"Ito na." kumaway si Selena at huminto naman ang jeep sa harapan namin. Syempre, pinauna namin makaupo si Selena. Pero parang wala nang upuan? Siksikan na sila, oh!

"Isa pa! Sakay pa yung isa!" sigaw nung lalaki sa tabi ng driver, konduktor ata tawag dun.

"Tara na, Eden. Si Jiro na lang ang sasabit, hindi mo kaya dyan at baka mahulog ka."

The School's Fairy | BxBHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin