Seven - (Patay kang bata ka!)

5.1K 297 27
                                    

Yung suot na hoodie ni Eden~

♡♡♡

[ Eden. ]

Nakasalampak ako ngayon sa sofa habang kumakain ng hawaiian pizza na inuwi ni Ate pagkagaling niyang school. Hinatid niya muna kasi ako tas bumalik siya ng school dahil may isang subject pa siyang papasukan. Sabi ko nga masyadong inconvenient para sa kanya na ihatid ako sa bahay tapos bumalik sa school, lalo na at marami silang ginagawa ngayon. Mamaya nga mag-oovernight sila at maiiwan ako dito mag-isa. Huhuhuhuhu.

Pero okay lang. Big boy na naman ako and sabi nga nila, 'Big boys don't cry' dibaaa? Astig pa naman ako. Tapos ako iiyak? No way! Paano ako magugustuhan ni Selena kung iyakin ako?

Pshhhhhh.

Busy kasi si Ate these days kasi nga graduating na siya. 5th year na niya sa kursong engineering~ Hoho. Ang galing ng ate ko no? Syempre, kami pa. Pamilya kaya kami ng magagandang lahi, talented, masisipag at matatalino. Kaya swerte mo kung maging part ka ng pamilya namin. Kasooooo, mga chosen ones lang ang nagkakaroon ng pribilehiyo na maging parte ng pamilyang Carillo. At isa sa mga chosen ones na yun si Selena! Kaya wala ka ng chance. Kawawa naman kayo. Bleeeeeh.

Ay teka, alam nyo ba na yung school namin ay nahahati sa tatlo? Primary --yung elementary, secondary --yung highschool, at tertiary --yung kami na, college. May kanya-kanyang gate yun syempre para hindi magkakagulo o magka-stampede kapag uwian na. Ekta-ektarya kaya ang laki ng buong school. Mga isang baranggay, ganon. Kailangan mo pa ng mapa para di ka maligaw kung sakaling gusto mong pumunta sa elementary school mula sa tertiary. Hahahahaha. Pero bakit naman pupunta ng elementary school? Ah ewan. Basta ang elementary at highschool, may uniform samantalang ang college, wala. Karamihan din sa college students sa Eastern ay dun din nag-aral. Gaya nila Selena babe ko, France, Mello at Oreo. Classmates sila nung highschool kaya naman hanggang ngayon matatag parin sila kahit na iba-iba ang course na kinukuha nila.

Ang saya siguro mag-highschool, 'no? Hindi ko kasi naranasan dahil ginugol ko ang pag-aaral ko sa loob ng apat na sulok ng bahay na 'to. Hindi ko naranasan yung sinasabi nilang Highschool days. Sabi pa naman nila, mas masaya ang highschool at mas memorable.

Hay.

Kasalukuyan akong masayang nanununod ng secret life of pets--- oo! Isang cartoon movie! May problema ba?! Hindi naman nakakabawas sa manliness ng isang lalaki ang panunuod ng cartoons diba? Syempre hindi! Wag kayong mapanghusga! Mahilig ako sa cartoon movies pero hindi ibig-sabihin nun mahina ang pagkalalaki ko! Sa katunayan nga nyan, lalaking-lalaki ako eh.

Tanong nyo pa kay Mom!

Sige sabihin nyong hinde! Sumbong ko kayo dyan.

Sa kwarto ko nga marami akong collections ng CDs ng mga cartoon movies na talaga naman favorite na favorite ko. Sabi kaya ni Mom ang mga lalaki mahilig sa collections. Kung yung iba nga nagcocollect ng action figures o kotse, ako ba hindi pwedeng magcollect ng CDs ng cartoon movies?! Kung hindi, wala kayong pinagkaiba kay Asungot and friends! Mga prejudice!

"Bakit nakanguso ka dyan?"

Naramdaman ko ang paglundo ng katabi kong bahagi ng sofa kaya tiningnan ko ang sadistang umupo don.

"Wala lang." sagot ko at saka muling bumaling sa TV.

Naramdaman ko naman na pinulupot niya ang braso sa balikat ko para akbayan ako saka nya ako nilapit sa kanya.

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now