Thirty Six - (Catching the Culprit)

3.8K 264 75
                                    

[ Eden. ]

"Anong sabi ni Selena?" Puno ng antisipasyon ang tono ng pagtatanong ko at kumikinang ang mga mata na tumingin kay Jiro.

Pagkatapos naming mag-usap kaninang umaga ay napagkasunduan naming magkita during lunch time sa harap ng janitor's room para gawin ang planong paglilinis sa pangalan ni Jiro. Kailangan ko pa ulit takasan ang mga kaibigan ko at gawing excuse ang ate ko para lang makapunta. Natututo na talaga akong magsinungaling! Awu.

"Ano? Anong sabi niya? Daliiii." Sabik akong malaman ang resulta ng pag-uusap nila Jiro at Selena kaya muli kong siyang tinanong. Kahit na alam ko na ang kalalabasan ng usapan nila ay hindi ko parin maiwasang makaramdam ng curiousity.

Nasampal kaya siya ni Selena? Hehehe.

Napamulsa si Jiro at halatang bad mood na sumagot, "Ano pa nga ba? Its just as what you told me. She didn't believe everything I said. Sinabihan niya pa 'ko na tigilan ko na ang pagsisinungaling at layuan ko na raw siya ng tuluyan. Ang mas lalong nakakainis ay yung baklang kasa-kasama niya. Tsk, bwisit." Malalim ang boses niya pero ramdam ko parin ang gigil. Alam kong si Francy ang tinutukoy niya. Magkakaklase kasi silang tatlo sa isang subject, doon yata naisipan ni Jiro kausapin si Selena. Pero napansin kong may diin ang pagkakasabi niya ng 'bakla' kaya napakunot ang noo ko.

"Akala ko ba nag-change of heart ka na? Ba't parang ayaw mo parin sa kanila?" Di ko maiwasang matanong.

Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang isang kamay saka tumingin sa'kin, bakas parin ang inis sa mukha. Aniya, "Hindi ako galit dahil bakla siya. Naiinis ako dahil gatong siya nang gatong, mas lalo tuloy nagalit sa'kin si Selena." Tapos ay pumalatak siya.

Napatango ako, naiintindihan ko na. Ngumiti ako at inihilig ang ulo ko patagilid saka ako kumurap at sinabing, "Gets ko na. Napikon ka siguro kanina 'no? Para ka pa namang ticking time bomb, anytime pwede ka na lang sumabog bigla. At dahil nga napikon ka, nakasabi ka na naman ng masakit na salita dahilan para mas lalong magalit si Selena sa'yo. Tama ba?" Pahayag ko ng analyzation ko.

Hindi naman kasi dapat 'to magiging bad mood ng ganito dahil nga pareho na naming inaasahan ang magiging reaksyon ni Selena. Kaso nga lang, may naging isang variable na nagpabago sa dapat ay simple lang na resulta, si Francy. Sabagay, kanina pa sya galit kay Jiro at kahit pinakalma na sila ni Oreo, hindi parin nawawala iyon. Malaman mo ba namang pinagpustahan ang kaibigan mo, 'di ba? Hindi ka ba magagalit?

Hay, gusto kong palakpakan ang sarili ko. Gwapo na nga, matalino pa!

Natutuwa ako sa sarili ko pero kabaligtaran naman nun si Jiro. Matalas niya akong tiningnan at inangilan, "Naghahanap ka ba ng sakit ng katawan, ha?"

Tingnan mo 'to! Pikunin talaga.

"Totoo naman yung sinabi ko." Nakangusong bulong ko na mas ikinatalas pa ng tingin niya. Tumikhim ako at nag-iba ng topic, "Ano, mag-uusap na lang ba tayo dito?"

Asar na pumalatak naman siya, "Ano ba kasing ginagawa natin dito?"

"Hehe. Magtiwala ka lang sa'kin." Ngumiti ako ng nakakaloko at kinindatan siya tapos ay binuksan ko ang pinto ng janitor's room. Walang tao, gaya ng inaasahan ko. Kinawayan ko si Jiro para sundan ako bago ako tuluyang pumasok sa loob. Binuksan ko ang ilaw at agad naman kumalat ang liwanag sa paligid.

Naramdaman ko naman si Jiro sa likod ko kaya nilingon ko siya at binulungan, "Isarado mo 'yang pinto."

Isinara naman niya iyon.

"This place stinks."

Napairap ako sa ere sa kaartehan niya. Sino bang nagpapanggap samin ditong bakla, ha? Bakit parang mas in character siya kaysa sa'kin?

The School's Fairy | BxBWhere stories live. Discover now