six.

5.5K 166 64
                                    

"Ma'am baka pwedeng humingi ng palugit?" paliwanag ni Yoongi kay Aling Auring. Naniningil na kasi ito ng upa sa bahay, at dahil wala pang sweldo si Yoongi at nagastos dahil sa pang araw araw na kailangan wala syang natira.




"HAY NAKO?! HINDI NA PWEDE! DALIAN MO YOONGI! KAPAG DI PA KAYO NAKAPAG BAYAD NGAYON PALALAYASIN KO NA KAYO SA BAHAY NA 'TO!" nagising si Jihoon sa ingay na nilikha ng matandang babae. Kaya dali dali syang napabangon.



Paglabas nya ng kwarto'y nanlumo sya sa nakita nya. Nakaluhod ang hyung nya sa harap ni Aling Auring habang nag mamakaawa na bigyan sila hanggang sa linggo.




"S...sige na po, hanggang linggo lang"





Hindi nakatiis ang matanda at sa iilang pag mamakaawa ni Yoongi ay napapayag ito. "Sige! Basta sa linggo ha?! Kundi palalayasin ko na talaga kayo! Kung di lang ako naaawa!" bumuntong hininga si Auring at lumabas ng bahay "Mga bwiset!"




Tinulungan naman ni Jihoon na tumayo ang hyung nya. "Hyung, ano ba? Hindi mo naman kailangang mag makaawa ng ganun eh!"




"Pfft! Wag kang mag alala, effective naman eh, tsaka syempre loko loko lang paawa effect ganun!" imbis na malungkot ay natawa nalang silang pareho.




"Hyung, kung kailangan mag part time job ako. Gagawin ko, basta makabayad tayo"




"Ano ka ba Ji, hindi na" sa totoo lang nahihiya si Yoongi sa kapatid nya "Dapat ako yung naghihirap para makabayad tay—"



Tinakpan naman ni Jihoon ang bibig ng hyung nya. "Shush Hyung! Syempre magkapatid tayo! Kaya dapat nagtutulungan tayo," nakangiting sambit ni Jihoon.



"Oo na! Drama mo pandak!"




"Okay lang pandak, pandak ka din naman. Atlis ikaw magilagid ako hindi"




Sinamaan lang sya ng tingin ng hyung nya. Natawa nalang silang pareho sa kaasaran.



*ringggggg ringgggggg*





"Uy may tumatawag!" sigaw ni Yoongi.





"Di ba obvius ba hyung? Duuh"




Agad na pumunta sa Jihoon sa kwarto nya at kinuha ang cellphone nya. Nagtataka naman nya itong tinignan dahil unregistered number ang nakalagay. Tinapat nya ito sa tenga nya.




"Hello?"




"Hi baby"




"Sino 'to?"




"Ako ang daddy mo"





"Daddy?"





"Ugh fuck Ji! You're so sexy when you said Daddy. Ulitin mo pa nga!"




"Da— ble ano ako uto uto?! Gago ka ba?! At saan mo nakuha ang number ko?!"





"Hmm secret. Hindi na mahalaga, pero yung nangyari kanina. Hindi ka ba naaawa sa hyung mo? sa sarili mo? kailangan nyo ng magbayad at baon na kayo sa utang, paano ba yan?"




"Eh ano bang pake mo?! Gagawa kami ng paraan!"




"Gusto mo bang mag trabaho sakin?"





Napakunot ang noo ni Jihoon, iniisip nya na baka nagloloko lang si Soonyoung. Nagdalwang isip pa sya kung anong gagawin nya eh pero sa huli tinanong nya parin. "At ano namang trabaho yan?"




"300,000 ang bayad, per day"





"Th-three?! Three hundred t-thousand kada araw?!" gulat na tanong ni Jihoon habang napatakip pa sa bibig nya.





"Yep 300,000 pero day."





"Teka- baka naman droga yan o pagbebenta ng katawan?!"




"Hmmm hindi sya droga. Pero katawan oo"




"Huh?! GAGO KA BA?! SAYO NA YANG PERA MO!"



"Makakatulong na yun sa gastusin nyo Ji, plus saamin kayo titira sa isang bahay na pinauupahan malapit sa bahay namin, want more? ako na gagastos sa pagkain at kuryente"




". . ." nabato si Jihoon sa kinatatayuan nya ng marinig ang mga salitang yun. Gusto nya, gustong gusto nyang tanggapin ang offer pero ayaw nyang sirain ang dignidad nya.




"And don't worry, hindi naman natin ibebenta yang katawan mo. . . sakin lang yan. Ako ang gagamit dyan"




"Huh? Anong ibig mong sabihin?"





"Be my fuck buddy"

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now