sixty four.

1.4K 63 26
                                    

"Ano sure ka na ba talagang sasama ka, Ji? Like— pwede pa naman mag back out kung gusto mo." pang ilang beses na atang tinanong ni Mingyu 'yan. Hindi na nga mabilang ni Jihoon, at konting konti nalang masasapak na nya ang nakababata.


"Gyu, sasama nga ako. Wag kang mag alala. Gusto ko lang makita nila kung sino na ako ngayon. At No. Hindi ako masasaktan. Moved on na ko. Gusto ko lang ipakita sakanila kung ano yung resulta ng pang aapi nila saakin noon."


"OoOooOh revenge." napangisi si Jeonghan pagtapos sabihin yun.



Sa totoo lang wala naman talagang balak mag higanti si Jihoon, pang teleserye lang naman yun. Pang drama lang naman ang mga ganun.


Ang gusto lang naman talaga ni Jihoon ay ang makita nila kung sino na sya ngayon. Na makita nyang hindi na nila gugustuhing banggain pa sya.


Kasalukuyan silanh namimili ng damit na susuotin nila sa Mall. May isusuot na si Jihoon, pero tutulungan nyang maghanap ang tatlo nyang kaibigan. Wala naman talaga syang balak sumama dahil inaantok sya pero binulabog sya ng mga ito at wala naman syang choice kundi sumama. Isa pa't wala naman talaga syang gagawin sa bahay nila. Sadyang tinatamad lang sya.



"Nagugutom na ko hyung." simangot na sambit ni Seungkwan.



"Wala pa nga tayong nahahanap tas nagugutom ka na agad."



"You do note! Wag mo na kong pigilan, Margaret!"



"Oo Cassie! Oo Margaret! Hindi ako dragon."


Napatigil nalang si Jeonghan at Jihoon ng biglang magsalita ang dalawa ng kung ano ano. "Ayos lang ba sila?"


"Sa tingin ko hindi." bulong ni Jihoon kay Jeonghan.



"Seungkwan, hindi ka muna papasok sa eskul."



"pero tita..."



"No don't, wag mo na kong pigilan Seungkwan!"



"you do note is the liar is mah peyk is the cassie in peyk!"


"Ayos lang kayo? Tara na kumain na tayo. Baka naman nagugutom na kayo kaya kayo ganyan." tanong ni Jeonghan sa dalawa.


"You do note ims talking abowt."



"Ayus ayusin mo ang pananagot mo kay, Margaret."



Napailing nalang ang dalawang nakatatanda sa dalawang nakababata. Nababaliw nanaman sila. Ako din nababaliw na. Nababaliw sayo. Ayieeeee :>



***

"Hyuuuuuuung. Ito ba ayos lang?" tanong ni Seungkwan kay Jihoon habang ipinapakita ang black tuxedo na may silver lining.


"Pwede naman tapos mag black ang silver neck tie ka nalang." sambit nito. Nasa loob na sila ng "Caratland" kung saan makakakita ka ng mga iba't ibang eleganteng mga damit.


Pagtapos nilang mamili ay agad narin silang nag si-uwian sa bahay nila. Si Jihoon naman ay hindi na pumunta kila Seungcheol dahil wala lang. Ano namang gagawin nya doon.



At tsaka isa pa. . . parang nahihiya pa sya magpa hanggang ngayon na ginawa nila ni Seungcheol noong isang araw. Pagtapos nga nilang aksidenteng naghalikan.  Ay umalis na agad si Jihoon.




Si Seungcheol din naman ay nahihiya kaya hindi rin sya nagpapakita dito.




*ringggggg ringggggg*




"Takte naman." inis na sambit ni Jihoon bago kunin sa side table nya ang cellphone nya habang pino-pause ang pinapanood nya.




"Hello? Sino to?"





"Hello is this the haesung hospital hotl—"




"Hindi to number ng hospital! Bye." pinatay agad ni Jihoon ang tawag. Ngunit ibababa nya palang sana ang cellphone nya ng biglang tumawag itong muli.




"Hello? ito po ba yung h—"





"hINDI TO HOTLINE NG HOSPITAL PONYETA. ISA PANG TAWAG MO IKAW MAHOHOSPITAL!" ipinlay na agad ni Jihoon ang pinanonood nya at itinabi nalang ang cellphone nya.



Ngunit ilang minuto lang ay may tumatawag nanaman sakanyang number. Hindi na nya sana sasagutin ito ngunit napag isip isipan nyang sabihan ito.




"Ano hindi ka ba talaga titigil? Sinabi na ngang hindi ito yung Hotline ng Haesung Hospital. Mukha ba kong doctor?! mukha ba kong nurse?! Mukha ba kong nag ttrabaho don?!"



". . ."




"Tigilan mo na ko pwede? Pota istorbo ka nanonood ako."





". . ."




"Aba't anong tinatawa tawa mo dyan? Humahagikgik ka pa."




"Bugnutin ka parin hanggang ngayon..."




"ha?"




"Di ka parin nagbabago. Pero marami ng nagbago."





"Prank call prank call. tigilan mo ko." pinatay muli ni Jihoon ang tawag at naisipan ng iturn off nalang ang cellphone nya.




Pero sino nga kaya yung tumawag sakin—?




Tsk. Wag ka na mag isip ng kung ano ano, Jihoon. Prank call lang yon ng mga taong walang magawang matino sa buhay nila.




—————

hElLoooOoOO sorry for the late update hehez.
filler chap munaaaaa.

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now