forty nine.

1.6K 84 110
                                    

Wala ng nagawa si Seungcheol kundi umupo nalang rin. Isang mahabang table ang inooccupy nila Jihoon. Kaya naman nagkasya silang lahat. Kumpleto sila maging sila Wonwoo ay nandoon. Bali ang pwesto nila ay ;














JH | SC | WZ | SM | SY | JUN | WW |
MG | SK | HS | LC | MH | JS |












"Yeheeey! Kumpleto tayo ngayon." nakangiting sambit ni Seokmin. Napatingin naman sya sa mga ngiti ng nasa harap nya, alam nyang awkward ang atmosphere sakanila. Yun nga ang nais nyang mangyari.











"Aww. Wag naman kayong maging awkward saakin! Ayos na tayo diba? Yung ginawa nyong pag down saakin? Wala na ngayon yun."










"Nakalimutan na nga namin eh pinaalala mo lang hehehehe ay joke!" nginitian lang ni Seokmin si Jun sa sinabi nya.









"Hmm kamusta na nga pala kayo? Ilang araw din akong nawala." tanong ni Seokmin habang sila ay kumakain. Si Jihoon naman ay nanatiling nananahimik.









Wala kasi syang masabi mga mamsh. It's so awkward. Kung hindi nga lang nag sstart ng convo si Seokmin walang mag sasalita sakanila. Sa una palang naman ay ayaw ng makiupo ni Soonyoung, ang totoo nyan may available naman na upuan or they can eat inside the office pero mapilit itong si Seokmin, wala namang magawa si Soonyoung kundi sundin ang kasintahan.










"Ayos naman kami nung wala ka." dirediretsong sambit ni Wonwoo. Tinignan naman sya ng masama ni Jisoo kaya tinignan nya rin ito na parang nagtataka. Umirap muna si Wonwoo bago magsalita ulit. "I mean, ayos lang naman kami nung panahong wala ka. Pero ngayon mas ayos." natuwa naman si Seokmin sa sinabi ni Wonwoo.










"Eh kayong dalawa ni Seungcheol hyung, Jihoon hyung? Ayos lang ba kayo? Ano ng meron sainyo?" tanong naman ni Seokmin.









"Ayo-"












"Samin sya nakatira." napatingin naman silang lahat kay Seungcheol habang si Jihoon ay hiyang hiya. Napayuko sya habang kumakain.











"Siraulo ka talaga, Seungcheol hyung, bat mo sinabi?" pabulong na tanong ni Jihoon. Napatawa naman si Seungcheol at proud na hinarap yung mga kaibigan nila.










"Bakit mo naman ikakahiya yun? Yaw mo non wala pang tayo live in na agad tayo." nakangising sambit ni Seungcheol. Sari-saring pang aasar naman yung mga barkada nila.










"yUN NAMAN PALA EH!"










"NAKS LIVE IN!"









"YIEEEE EUT EUT!"













"hYUNG ANO YUNG EUT?"











"WAG MO SILANG PAKINGGAN CHAN"











"EH TAYO BA MINGHAO KELAN?!"










"KELAN MO MUKHA MO ULOL"











"bOoOooOoOoOoOooM!"












"Siraulo kayo. Tumigil nga kayo. Ang ingay nyo eh." sambit ni Jihoon tuwang tuwa naman silang lahat kasama si Seokmin na nakikitawa narin, pero totoo naman na masaya sya, pwera nalang kay Soonyoung na tahimik lang kumakain.










Awkward talaga para sakanya. Isang oras yung lunch nila, ito na ata ang pinaka mahabang isang oras sa buhay nya.










"Ang wild mo naman pala hyung. HAHAHAHA live in agad." natatawang sambit ni Seokmin wala man lang kaalam alam na si Soonyoung ang dahilan kung bakit walang matirhan si Jihoon.










"Ayos nga yun eh. Inaalagaan ko si Jihoon kesa naman yung iba diba? Nakabuntis pero di pinapanagutan parang walang bayag." sambit ni Seungcheol. Sumangayon naman sila ng walang kaalam alam na nasa harap lang nila yung pinatatamaan ni Seungcheol.










"Totoo yan hyung. May napanood nga ako eh tinakasan nya lang yung nabuntis nya, parang tanga lang." sambit ni Seungkwan na pinatatamaan din si Soonyoung.










"Sus. Gago lang yung mga gagawa ng ganun. Kaya tayo ha, walang gagawa ng ganun satin ha? Matitino tayong lahat." sambit ni Jisoo nasamid naman si Jihoon kaya agad na iniabot ni Seungcheol ang tubig sakanya.











"Hindi ka naman makakasigurado kung wala talagang tarantado dito satin." napakunot noo naman si Jisoo sa sinabi ni Jeonghan.









"What do you mean, hon?"










"I mean, wala naman tayong magagawa kung isa satin tarantado. Wala namang may alam." pagkasubo ni Jeonghan sa kinakain nya ay napatingin sya sa kanilang lahat. "Oh? bakit ang seryoso nyo? siraulo kayo! HAHAHAHAHAHAHAHAHA hinula hula ko lang yon!"










"Siraulo ka talaga." Pinagpatuloy nalang nila ang pag uusap, patango tango at pangiti ngiti lang si Soonyoung sakanila. Walang kaalam alam yung iba sa kung anong nangyayari kay Soonyoung at Jihoon, wala silang kaalam alam na hindi na sila nagpapansinan at may naganap na buntisan.









Pagtapos ng lunch agad na silang bumalik sa kani kanilang room. Salamat naman ay natapos na yung oh-so-awkward-lunch-party nilang lahat.










N O T I F I C A T I O N :

From: Junhui Pogi

Hyung! Si Seungcheol hyung tsaka Soonyoung hyung! Nagsusuntukan! Hindi namin mapigilan!








Tsk. Nagsisimula nanaman sila.








ㅡㅡㅡㅡㅡㅡ

hi eto na po. since maraming nagrereq
HAHAHAHA! magrereveal na po ako.
matagal narin kayong nagtatanong
may mga nag hunting narin sakin
noon, kaya ito na po yung
roleplay account ko.

( edited: deleted )

yes po opo. ako po yung cute na ljh rp.


fuck buddies • soonhoonKde žijí příběhy. Začni objevovat