fifty.

1.8K 89 62
                                    

Nang mabasa ni Jihoon ang text ni Jun dali dali syang pumunta sa covered court. Nasa labas palang sya ay kitang kita na nya ang kumpulan ng mga tao na nadoon. Rinig na nya ang mga bulungan. Dali dali namang pumasok si Jihoon sa loob. At nakita nya si Seungcheol at Soonyoung na hawak hawak ng dalawang guard. May dugo sa gilid ng labi ni Seungcheol habang si Soonyoung naman ay sa ilong. Gulong gulo din ang pagmumukha ng dalawa at ang talim ng tinginan.












"Bitiwan nyo nga ako!" sambit ni Soonyoung. Agad naman syang binitawan ng Guard na humahawak sakanya dahil takot ito na baka mawalan ito ng trabaho.













"Alam kong galit ka sakin Seungcheol! Alam kong nagkamali ako! Inaamin ko pero bakit ba hanggang ngayon di ka parin tapos dyan?! Diba nag usap na tayo tungkol dyan! Kotang kota ka na sakin ah!" inis na sambit ni Soonyoung at tinulak ang noo ni Seungcheol gamit ang daliri nya.












"Eh anong bang pakielam mo? Ipapamukha ko saㅡ"











"Bitawan mo nga sya." sambit ni Jihoon, tinginan sakanya ang mga estudyante na litong lito kung ano ba ang nangyayari. Hindi nila alam kung anong meron pero nandun sila para maki chismis.










"Hyung. Buti dumating ka. Ayaw na nilang tumigil." sambit ni Minghao.












"Seungcheol hyung? Anong nangyari? Masakit ba" tanong ni Jihoon habang alalang alalang tinatanong si Seungcheol. Binitiwan na sya ng Guard na hinahawakan sya. Tumango lang si Seungcheol.












"Tabi ka muna, Ji. Hindi ko na kaya ginagawa nitong Kwon na to eh. Nawawalan narin ng respeto." hinawakan ni Jihoon sa balikat si Seungcheol. Sila Wonwoo naman ay nasa likod nya.











"Hyung. Tama na. Hayaan na natin yan. Wala namang ambag yan sa buhay natin. Wag ka ng makipag away." mahinahon na sambit ni Jihoon ngunit bigla namang sumabat si Soonyoung.











"Umalis ka dyan Jihoon nag tutuos pa kaㅡ" naputol bigla ang sasabihin ni Soonyoung ng biglang magsalita si Jihoon.











Habang kuyom ang kamao nya buong lakas na nyang hinarap si Soonyoung "pWEDE BANG TUMIGIL KA NA? ANONG MAG TUTUOS? TANGINA DI PA BA SAPAT YUNG GINAWA MO SAKIN? HINDI PA BA SAPAT YUNG PANG GAGAGO MO SAKIN? AYOS NA DIBA? TAPOS NA? TINANGGAP KO NG DI MO MAGAGAWA YUNG RESPONSIBILIDAD MO!" natahimik bigla si Soonyoung. Seryoso lang syang nakatingin kay Jihoon. Medyo nagulat din sya dito.












"ANO PA BA YUNG KWENTA NG PAKIKIPAG AWAY MO KAY SEUNGCHEOL HYUNG? KAMI NA YUNG LUMALAYO DIBA? PERO KAYO YUNG LUMALAPIT! MAKICOOPERATE NAMAN KAYO PWEDE BA? IKAW NAMAN SEOKMIN. BAKIT BA HINDI MO MAN LANG INAAWAT TONG DALAWA? MUKHANG PABOR KA PANG NAG AAWAY SILA AH! TANGINA NAMAN ANO BAMG PINAG GAGAWA NYO?"












"ALAM MO NAMAN PALANG MALI KA SOONYOUNG! ALAM MO NAMAN PALANG HINDI MO NAGAWA YUNG DAPAT MONG GAWIN BAKIT NAPATOL KA? TAPANG TAPANG MO AKALA MO NAMAN INOSENTE KA."











"TAPANG TAPANG MONG MAKIPAG SUNTUKAN PERO TINAKBUHAN MO YUNG RESPONSIBILIDAD? WOW"












Pinigilan naman na nila Jeonghan si Jihoon, binubulungan na nila ito na tama na dahil naiiyak na sya. Kitang kita na ang nangingilid na luha sa mga mata nya.












"Bakit Jihoon? Ano bang pakielam mo? Bakit ba nakikielam ka sa away nila? Kasali ka ba?"











"Wala kang alam, Seokmin. Eh bakit ka nga ba sumasabat dito? Imbis na patigilin mo yung mga nag aaway nakikisawsaw ka. Eh wala ka namang alam sa problema namin. Hindi ba? May sinabi ba yang si Soonyoung? Syempre wala! Ayaw nyang madungisan pangalan nyan eh!"













"Jihoon tama na." bulong ni Joshua.












"Hindi hyung. Nakakagago na kasi."













"Jihoon. Titigil na kami sa pag aaway. Tara na umuwi na tayo." sambit ni Seungcheol at hinawakan ang kamay ni Jihoon ngunit ayaw umalis ni Jihoon. Gusto nyang malaman ni Soonyoung lahat.











Gusto nyang malaman ni Soonyoung kung gaano kasakit yung pinaramdam nya. Gusto nyang malaman kung gaano kasakit yung nararamdaman nya ngayon.












Sinubukan namang paalisin ng iba yung ibang estudyante. "Bakit Jihoon ano ba yung problema nyo? Siguro ikaw pinag aagawan nila no? Hmm. Di malabo. Malandi ka naman kasi eh. Kahit kanino pumapatos ka. Kahit nga may jowa diba? Hahahaha!"












"SEOKMIN!"













"Pumapatos? Haha! Wow ah! Wala akong pinatos na dalawa! Sige kung yan gusto mong isipin isipin mo! Palibhasa wala ka namang alam! Alam mo Seokmin hindi mo pa nalalaman yung buong storya ang kitid kitid na ng utak mo!"












"Eh bakit di nyo kasi sabihin yung problema saakin?"













"Bakit ko naman ipapaliwanag sa gaya mong di naman kayang intindihin? Wala ring kwenta."











"Oo nga walang kwenta gaya mo." Nakangiting sambit ni Seokmin habang mapang asar na nakatingin kay Jihoon. 













"Hindi naman ako ikaw."












"Jihoon hyung. Tara na umalis na tayo." sambit ni Seungkwan at pilit na inilalayo na si Jihoon ngunit pilit itong nagmamatigas doon sa pwesto nya.












"Siguro nga tuluyan ka ng tatakas Soonyoung. Hindi na ko nag eexpect sayo. Pero yan, yang attitude mong ganyan, na ikaw na nga may kasalanan, ikaw pa may ganang makipag away? Grabe ah. Lakas mo naman ata no? Sobrang lakas mo. Pano ka kaya nakakatulog sa gabi  dahil sa ginagawa mo? Hm? Sobrang sakit Soons. S-sobra! Ang bigat b-bigat sa pakiramdam ko. . ." Jihoon voice cracked as he spoke.











"Hindi mo ramdam. . . h-hinding hindi mo malalaman kasi hindi ikaw yung iniwanan. Alam mong hindi ko rin t-to ginusto. Pero parehas tayong may kasalanan dito. Pero bakit iniwan mo sakin?" nagjintay ng sagot si Jihoon ngunit nanatili lang tahimik si Soonyoung. Hindi sya nagsalita. Kaya mapait na napatawa ng bahagya si Jihoon.











Ano pa nga ba ang aasahan nya?













"Bakit pa nga pala ako nagatanong eh hindi ka nga naman sasagot. HAHAHAHAHA! Soons. Darating yung karma. Sana maging masaya ka. Lumalayo na kami, sana kayo din. Pero kahit g-ganon kaibigan parin namin kayo. Kahit na ginago nyo ko. Wag kang mag alala Soonyoung, Seokmin. Makakalimot din ako. Darating yung araw na mawawala din tong bigat ng pakiramdam ko. Sana kayo rin makamove on na. Goodluck nalang." walang sabi sabi ay tumakbo na palabas si Jihoon. Hindi na nya nilingon pa sila Jeonghan na tinatawag sya ngunit ramdam nyang sinusundan sya ng mga ito.











Pinunasan ni Jihoon ang luhang tumutulo sa mga mata nya ngunit minsan pati luha ttraydorin ka. Kung kailan mo sila ayaw palabasin saka naman hindi titigil sa pag agos.












Sobrang sakit ng pakiramdam ni Jihoon, sobrang bigat. Sobrang hirap dinaramdam nya. Gusto na nyang sumuko pero alam nyang hindi pwede.











Darating din 'yung araw na titignan nalang kita sa kadahilanang kilala kita hindi na sa dahilang mahal kita ng sobra.











ㅡㅡㅡㅡㅡ 
ayan na ho Matthew Kim
HAHAHAHAHAHA.

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now