thirty one.

2.9K 114 40
                                    

"H-hyung.." hindi alam ang gagawin ni Jihoon. Sobrang kaba ang nararamdaman nya ngayon. Magkahalong kaba at takot ang bumabalot sakanya.




Aamimin nya ba? May karapatan din naman itong malaman ng mga kaibigan nya. Pero natatakot sya. Natatakot syang bak layuan sya ng mga ito.




"Sumagot ka Lee Jihoon. Kinakausap kita ng maayos."




"H-hyung.. w-wala kaming ginagawa b-baka iba yung narinig mo." pagsisinungaling ni Jihoon at umiwas ng tingin upang mawala ang kaba. Pero hindi, nandun parin ang kaba na nararamdaman nya. Hindi maalis alis. Ramdam na ramdam nya ang galit ni Jeonghan sa tingin palang nito at sa diin ng pananalita nito.




"So ako pa ang may mali ngayon? HAHAHAHA! Grabe!"




Napayuko nalang si Jihoon. Wala na syang masabi. Gusto nya mang aminin wala ng salita ang rumerehistro sa utak nya. Wala ng lumalabas na salita mula sa bibig nya.




Ito na siguro yung pinakakinatatakutan nyang araw. Yung malaman ng isa sa mga kaibigan nya yung tungkol sakanilang dalawa ni Soonyoung.




"Grabe Jihoon. Pinagkatiwala ko sayo si Seungcheol."




"H-hyung h-hindi sa gan—"




"May nanliligaw na sayo lumalandi ka pa? HAHAHA tindi mo naman! At dun ka pa nakikipag eut-an sa may shota?" di na napigilan ni Jeonghan ang sarili nya at nasampal na nya si Jihoon. Wala syang inaalala ngayon kundi ang sarili nya, basta ang alam nya galit sya. Galit na galit.




"Tangina Jihoon. Nagparaya ako, para sa ikaliligaya ni Seungcheol. Nagparaya ako kasi akala ko yun yung tama. Nagparaya ako kasi yun yung alam kong mas makakabuti."




"Hindi na sana ako nagparaya kung alam ko lang na gaganituhin mo si Seungcheol." madiin na sambit ni Jeonghan habang naka kuyom ang mga kamao't halatang nagpipigil na sumabog.




"Bakit mo tinago samin?"




"H-hyung h-hayaan mo muna akong magpaliwanag.." naiiyak na sambit ni Jihoon ngunit inirapan lang sya ni Jeonghan. Nag iba na. Nag iba na talaga ang tingin ni Jeonghan kay Jihoon. Ibang iba ang Jihoon na nakilala nya kesa sa Jihoon na nalaman nya kani-kanina lang.




Hindi nya alam kung mandidiri ba sya o magagalit, o parehas.




"Tinuring ka naming kaibigan Jihoon. Pero bakit mo tinago samin? Bakit ni hindi mo sinabi yung tungkol doon? Bakit si Soonyoung pa?"




"Nagbago ka Jihoon. Big time."




"I hate you. I hate you. Ginagawa mo lang tanga si Seungcheol. Tangina. Hindi ko na alam gagawin ko. Tinuring kitang kaibigan. Tinuring ka naming kapamilya namin. Pero bakit ganito sinukli mo samin? HAHAHA! traydor kang kupal ka"




"Nililigawan ka na ng isa sa tropa namin tapos tinitira ka pa ng isa? Tindi naman ng kalandian mo Jihoon." hindi na napigilan ni Jeonghan ang sarili nya't nagsipatakan na ang mga luha nya.




Oo galit sya. Galit sya kay Jihoon dahil sa ginawa nito. Galit din sya sa sarili nya dahil sa mga sinasabi nya kay Jihoon. Ayaw nya man pero hindi nya mapigilan.




"Ito lang tatandaan mo Jihoon. Sa oras na malaman nilang lahat yang panggagago mo kay Seungcheol. Ewan ko nalang hahaha! Goodluck." tumayo na si Jeonghan at nagpahid ng luha bago tumalikod para maglakad paalis.




At doon naiwang mag isang umiiyak si Jihoon. Mag isa, walang masandalan. Sobrang sakit lahat ng sinabi ni Jeonghan, tagos sa puso nya. Para bang sinaksak sya ng milyong milyong kutsilyo sa mga pinagsasabi ni Jeonghan.




Hindi na nya napigilan at napahagulgol na.




"Jihoon?"




Bigla nalang nyang niyakap ang lalaking nasa harap nya ngayon. Hinang hina si Jihoon, nanginginig ang tuhod nya, nanlalamig ang kamay at pulang pula ang ilong at labi sa matinding pag iyak.




"Soonyoung.."




"J-ji what happened? Why are you crying?" tanong ni Soonyoung habang nakayakap pabalik kay Jihoon at hinahagod ang likod nito.




"S-soons.."




"A-alam na ni Jeonghan hyung.." kumunot ang noo ni Soonyoung pero hindi na sya nakapagsalita upang magtanong ng dugtungan agad ni Jihoon ang sasabihin nya "alam na ni Jeonghan hyung yung g-ginagawa n-natin."




Shit.




━━━━━━━━━

hellooooo~ namiss q
kayueee hihi sorry pala sa
mga words sa taas huhu

fuck buddies • soonhoonOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz