sixty nine :>

1.3K 52 53
                                    

"Good Morning, Mr. Lee."









"Good Morning, Mr. Jihoon."










Hindi ko na napag tutuunan ng pansin ang mga taong bumabati at yumuyuko pag dumadaan ako. Bwisit na Soonyoung 'to! Ako ang guest pero ako ang nag hahabol!









Tumakbo na ko dahil sa tingin ko'y hindi sapat ang bilis ng lakad ko para maabutan ko sya. Sinabi kasi saakin ng secretary nya na aalis sila ngayong umaga para pumunta sa London. 9 daw ang flight nya 8:50 na. Hindi ko alam kung nasa airport na sya. Pero ng tinawagan ako ng Secretary nya ay nasa office pa sila.









Paikot ikot ako sa elevator habang tinitignan ang mabagal na pag akyat ng numero sa taas. Hindi ako mapakali, baka hindi ko sya maabutan. Ayaw nya kasing makipag usap sa telepono, sa personal daw.









Kung hindi lang para kay Seokmin, di ko naman itotolerate ang kaartehan ng punyetang 'to.










"Yes, Mr. Sanchez I need to g—"










"SOONYOUNG!" hindi ko alam kung anong irereact ko sa ekspresyon ni Soonyoung ng sumigaw ako sa harap nya't hawakan ang balikat nya.










Pag bukas kasi ng elevator saktong sya ang nasa labas kasama ang secretary nya. Nanlalaki ang malilinggit nyang mga mata, habang nakanganga naman ang kanyang bibig. Napaatras din sya dahil sa gulat.










"Oh Jihoon, bakit ka nandito? Bat mo ko ginugulat? Ikaw ah ang wild mo talaga." inalis ko na ang pag kakahawak ko sa balikat nya at inirapan sya.









"Tsk. Whatever. Tinata—"










"Hep hep!" itinapat ni Soonyoung ang hintuturo nya sa labi ko. "Mamaya mo na sabihin yan. Tara na." hinawakan nya ang kamay ko at maglalakad na sana ng pigilan ko sya.









Tatanga tanga talaga 'to. Pupunta pa sila sa london eh.










"Paano ang flight nyo papunta sa Lond—"










"Ms. Reyes, Cancel my flight and all my appointments today. Importanteng tao ang kasama ko ngayon." sambit nya bago ako hilain papunta sa kung saan. Hindi na ko nag patinag at hinayaan ko nalang syang hilain nya ako.










Hindi ko nga alam kung anong irereact ko sa sinabi nya, baliw talaga ang isang 'to. Pinacancel nya pa ang flight at ang mga appointments nya para lang saakin? When in fact it just takes seconds para masabi ko yung sinasabi ko?








O baka ginagawa nya lang akong dahilan paramakatakas sya sa gabundok na gagawin nya ngayon? Tss. Wala namang bago kay Soonyoung, manggagamit naman talaga sya.









"Ano nga ulit yung sasabihin mo?" tanong ni Soonyoung. Di ko namalayan na nasa rooftop na pala kaming dalawa ni Soonyoung. Pinagmamasdan nya ang magandang view mula rito. Kahit pala umaga ay maganda parin.









Tumingin nalang din ako sa view para kahit papaano ay mawala ang pag ka ilang ko na sya lang ang kasama ko.









"Tinatanggap ko na yung offer mo." ramdam ko naman na napatingin saakin si Soonyoung.









"Talaga?! Hala! Salamat Ji!" ng tignan ko si Soonyoung, nakakahawa ang ngiti nya, di ko alam bakit nangiti rin ako ng makita syang halos mag tatalon sa tuwa.










Nagulat ako ng bigla nya kong hilain, akala ko ay matutumba ako, kaya napapikit ako, nang bigla akong madikit sa dibdib nya. I can feel his warm body. I can feel his warm arms that he wrapped around me.









Natigilan ako sa ginawa ni Soonyoung, tila nabato ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong ibang marinig kundi ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko sya niyakap pabalik, pero bakit hindi ko sya magawang itulak? Anong nangyayari sa sistema ko?










Hindi ko gusto ng ganito, gusto ko pero slight lang.










"Salamat talaga, Ji. Hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya ngayon." sambit nya habang yakap yakap parin ako.









Hindi ko alam, hindi ko alam kung anong ginagawa ko! Pero pinalupot ko ang braso ko sa bewang nya ng dahan dahan. I-I just feel like doing this.









Nanatili lang kaming ganon, naaalala ko pa ang sinabi ng sekretarya nya kanina nung katawagan ko sya. Siguro kaya masaya si Soonyoung ay iniisip nyang masesave ko na ang kompanya nilang pabagsak na.










Sorry, Soonyoung.










"Sorry." rinig kong sambit nya bago hawakan ang magkabila kong pisngi. Medyo nagulat ako ng makita kong nag tutubig ang kanyang mga mata.










Ganito ba talaga ka importante ang kompanya nila? Diba madami naman silang kompanya. May kompanya rin naman ang kuya nya at ang tatay nya.









Hindi ako nakapag salita, tinitignan ko lang si Soonyoung habang hinihintay ang susunod nyang gagawin. Hindi ako nag eexpect. Tinitignan ko lang kung gaano kakapal ang mukha nya.









"Salamat Jihoon." sambit nya bago ilapit ang labi nya sa labi ko.









You need to stop him, Ji.










His lips nearly touch mine, pero tumagilid ako. Kaya hindi natuloy ang pag halik nya saakin. Sinampal ko sya na ikinagulat naman nya.










"Bitch. How dare you to kiss me. Ang kapal ng mukha mo ha. Hindi ibig sabihin na pumayag ako ay makukuha mo na ko!" sambit ko.









Napanguso naman si Soonyoung habang hawak hawak ang parte ng kanyang pisngi na sinampal ko. "Thank you kiss lang 'yon! Tsaka gusto mo rin naman sa yakap ko diba? Niyakap mo din ako e— aray!" napangiwi sya ng kurutin ko ang tagiliran nya.









"Masyadong makapal ang libag mo sa katawan, Kwon. Hindi kita niyakap pabalik. Baka hangin lang 'yon."










"Heh! Niyakap mo ko pabalik eh! Naramdaman ko yun, Ji! Hindi ako manhid!"









"Bahala ka sa buhay mo!" inis na sambit ko bago tumalikod at nag lakad na papalayo.









"Bahala ako sayo? Ikaw ang buhay ko eh!" sigaw nya hindi ko man sya nilingon pero pinakyuhan ko lang sa.









Damn, Man. Bakit ako ngumingiti?











Hindi na ko marupok! Okay?











---

hi! sorry sa late update hehe kamusta?
anyways may bago akong story! hindi sya
fanfiction! but i hope you could give it a shot!

"Ghost Of Him"

you can check it on my profile! thank you!

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now