seventy three.

1.2K 44 29
                                    

Nagkaayos na kami ni Hyung. At ito, back to normal na ang lahat. May trabaho sya, may trabaho din ako. Kaya kasalukuyan akong nandito sa office ni Soonyoung kasama ko si Lucas.





"hyung, kila—"






"sURPRISE MADERFAKER!" agad akong napatayo sa kinauupuan ko ng makita ko si Mingyu na nasa pinto. Lintek. Balak pa ata akong patayin sa gulat.






"MINGYU SUNBAENIM!" kita ko namang yumuko si Lucas ng makita si Mingyu. Napatakip nalang ako sa bibig upang mapigilan ang tawa ko.





Kita ko sila Jeonghan hyung na nasa likod ni Mingyu na halata rin namang nagpipigil ng tawa. Halata ang hiya kay Mingyu kaya tumakbo sya upang ikulong si Lucas sa braso nya at kutusin ito.





Si Jeonghan Hyung, Mingyu, Seungkwan, Minghao at Chan lang ang nandito. May mga trabaho siguro ang iba.






"Namiss kita Jihooniieeeeee~" ngayon ako naman ang tinamaan ng hiya dahil sa sinabing pangalan ni Jeonghan hyung. Napapikit nalang ako at yumakap din pabalik sakanya.






"Bakit nga pala kayo napadalaw hyung? Anong meron?" tanong ko habang nakatayo sila naman ay nakaupo sa mini sofa ni Soonyoung.





"Wala lang. Namiss ka lang namin. Kaya balak ka naming ilabas hehehe kung okay lang."






"Eh diba boss mo si Soonyoung hyung?"






"Oo nga hyung."






"Magsitigil kayo. Hindi ko boss si Soonyoung. Ako ang boss ny—" napatigil ako sa pagsasalita ng biglang magbukas ang pinto at iniluwa nito si Soonyoung na may hawak pang folder. Halatang katatapos lang ng meeting nila.






Nakangiti ito na parang asong ulol, "Oo ikaw boss ko."






"Yiiiieeeeeeeeee! aRAY MINGYU HYUNG NAMAN!"






Biglang tumahimik ang paligid. Wala ni isa ang nagsalita kasi ang awkward. Pumunta na sa upuan si Soonyoung at umupo sa swivel chair nya. Tinignan nya kami na para bang naglilitis.






"Yayain sana namin sa labas si Jihoon, kaya pwede bang mag day off muna sya ngayon?" tanong ni Jeonghan hyung.





"Sorry hyung. Pero hindi pwede, may gagawin kami about d—"





"Minsan na nga lang namin makasama si Jihoon hyung ipagdadamot mo pa." nag cross arms si Seungkwan habang nakanguso.





"Oo nga hyung. Makapaghihintay naman yang plano nyo hmp. Tsaka isa pa diba sabi mo si Jihoon hyung ang boss mo?! Oh edi sya dapat mag iisip kung kailan ang day off nya't hindi!" mautak talaga 'tong si Chan. Tama nga naman.




Binabayaran nila ako dito pero mas malaking bayad ang makukuha nila sa pagkuha nila saakin as a guest.





"Mautak kang kupal ka." sambit ko kay Chan at nag thumbs up.






"Hyung anong kupal?"







Ngumiti nalang ako kay Chan at hindi sinagot ang tanong nya. Mabilis na napapayag si Soonyoung dahil wala naman syang magawa. Kaya sumama nalang sya saamin.







Puro sya turo kung saan kami pupunta eh ang mamahal nama  mg restau na gusto nya. Di porket afford namin ang restau na mamahalin ay doon na kami kakain. Aanhin mo ang mahal kung parehas lang naman na pagkain ang hinahanda nila gaya doon sa mas mura? Nagsasayang lang ng pera to.







fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now