fifty four.

1.5K 74 84
                                    

Ilang linggo nalang at matatapos na ang klase. Sabado ngayon, syempre dahil nakakapagod ang mga activities sa school ang mga estudyante ay nagpapahinga sa kani kanilang bahay. Sila Jihoon at Seungcheol naman ay nasa bahay din.









"Jihoonie, anong balak mo this weekends?" tanong ni Seungcheol habang kumakain ng Almusal kasabay si Jihoon. Sa totoo lang masayang masaya si Seungcheol dahil nakakasabay na nyang mag almusal, tanghalian at hapunan ang nakababata.











It's one of his wish that actually came true.









"Hmm hindi ko alam hyung eh, siguro pahinga muna." sambit ni Jihoon bago isubo ang pagkain nya. Napangiti naman si Seungcheol dahil walang gala si Jihoon.










Masosolo nanaman nya ito sa pag gala, wala kasi si Mr. & Mrs. Choi dahil nag out of town sila at sa lunes pa ang balik.










"Ah. Ganun ba? Sige magbihis ka pagtapos kumain at aalis tayo." sambit ni Seungcheol. Napakunot naman ng noo si Jihoon sabay tinignan sya. Mukhang na gets naman ni Seungcheol kaya bago pa magtanong si Jihoon ay dinugtungan na nya ang kanyang sasabihin. "Labas tayo, samahan mo ko mag grocery. Lunch narin tayo dun sa bagong bukas na resto sa harap ng mall."









"Hmm. Sige hyung." napangiti naman si Seungcheol ng tago. Sa totoo lang, marami pa talaga silang stock sa bahay. Pero wala na syang maisip na dahilan kaya yun nalang ang dinahilan nya.









Pagtapos kumain ay naghugas na ng plato si Seungcheol, si Jihoon dapat ang maghuhugas kaya lang hindi naman sya pinayagan ng nakatatanda na gawin ito. Kaya naligo nalang si Jihoon pagtapos ay nagbihis na.









Ilang oras lang ang nakalipas, natapos narin si Seungcheol sa paglilinis, nakapag ligo at nakabihis nalang sya at hinihintay sa sofa si Jihoon na nasa taas pa.









Napangiti nanaman si Seungcheol dahil naiisip nya. Balang araw, hihintayin nalang nya si Jihoon bilang asawa nya, gagala sila sa labas ng hindi na nya iniiba pa ang dahilan. Balang araw makakatabi na nyang matulog si Jihoon ng hindi na pinipilit ang nakababata, yung tipong hindi na nya kailangan pang magtulog-tulugan pa. Balang araw, magiging masayang pamilya sila ni Jihoon.









At umaasa talaga sya na mangyayari ang mga ito.










Napatingin si Seungcheol sa relo nya at inakyat na si Jihoon. Kakatok na sana si Seungcheol kaya lang agad na nagbukas ang pinto dahilan para magulat silang dalawa.









"O-oh hyung? Bakit ka pa umakyat? Tara na."










Natahimik naman si Seungcheol ng makita si Jihoon. Naka furry sweater ito at ripped jeans. Hindi namamalayan ni Seungcheol na napangiti na pala sya sa harap ni Jihoon. I'm so damn inlove with this man. Kahit ano pala talaga ang isuot nya babagay at babagay sakanya. Ako kaya? Bagay din sakanya?










Nang mabalik sa ulirat si Seungcheol. Hinawakan na nya ang kamay ni Jihoon at sabay na silang bumaba. Nang makalabas sila ay nagulat si Jihoon ng lagpasan lang nila ang kotse nito.










Mukhang napansin naman ni Seungcheol ang pagtataka ni Jihoon. "Magb-bus tayo ngayon Ji. Antagal ko na kasing di nakakasakay ng bus." sambit nito. Napatango naman si Jihoon.









fuck buddies • soonhoonحيث تعيش القصص. اكتشف الآن