sixty three.

1.3K 63 32
                                    

"Mr. Lee!" sigaw ng isang lalaki sa labas ng bahay nila Jihoon. Nagtaka naman ng noo si Jihoon, kaya naman sumilip sya sa bintana at nakita ang isang lalaki na nakasilip sa may gate nila.








"hYUUUUUNG!"









"Bakit?" tanong ng kababa lang na si Yoongi. Gulo gulo pa ang buhok nya at may hawak pa syang remote.








"Nag order ka ba online?" tanong ni Jihoon. Umiling naman si Yoongi kaya mas lalong nagtaka si Jihoon.









"Mr. Lee! Tao po?"









"Nanonood ako! Ikaw nalang lumabas!" mabilis na sambit ni Yoongi at umakyat na. Naiwan namang nagtataka si Jihoon.








Maya maya lang ay lumabas narin sya at binuksan ang gate. Paglabas nya nakita nya agad ang isang pamilyar na lalaki na may hawak na sobre. Naka shoulder bag ito na black.









"Mr. Lee, para sainyo."










"Para saan to? At sino nagpadala nito?" nagtatakang tanong ni Jihoon bago kunin ang sobre.









"Hehe basahin nyo nalang po. Ang laki ng pinagbago nyo. Pero yung height nyo ganun parin hehe joke lang." tinignan naman ng masama ni Jihoon ang pamilyar na lalaki.








"Hindi nyo na ba ko nakikilala? Isa ako sa nagttrabaho noon sa Pledis U hehe."









"Hala sorry kuya pero di ko na talaga natatandaan." sambit ni Jihoon.








Pamilyar lang ang lalaki pero kahit anong isip nya di nya talaga matandaan kung sino ang lalaki.









"Sige hehehe pwede pa- autograph nalang? hehehehe." nahihiyang tanong mg lalaki. Tumango naman si Jihoon at pumirma sa gilid ng damit nito.








"Salamat Mr. Lee!" sambit ng lalaki bago umalis. Sinarado naman ni Jihoon ang gate at pumasok na sa loob.








Doon nya lang napansin na silver pala ang sobre at may gold sealed ito. Nang binuksan nya ito, tumambad ang class picture nila noong college sila.








Biglang naalala ni Jihoon ang mga masasaya at mapapait na alaala nya noon sa Pledis U. Kung paano sya pumasok doon, at kung paano sya gumraduate kasama ang mga barkada nya.








Napatingin si Jihoon sa isang gawi, at nakita nya si Soonyoung. Mga bata pa sila dito. Sa kanang bahagi ng photo paper ay may nakasulat.








"Reunion?" sambit ni Jihoon sa sarili bago isilid muli ang photo paper sa sobre. Hindi lang ito isang Reunion sa section nila, kundi ang buong mag aaral na nag aaral sa Pledis U noong taon na graduating na sila.












Kung pupunta ako, ibig sabihin ba nun makikita ko sya? Makikita ko sila? Handa ba ko?









***









"Jihoonie. Oh bakit napadalaw ka?" ang bungad na tanong ni Mrs. Choi kay Jihoon. Meron kasing duplicate na susi si Jihoon sa bahay nila kaya agad syang nakakapasok.









fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now