sexty.

1.9K 72 36
                                    

"Sorry but we lost the baby. Ginawa na po namin ang lahat ng aming makakaya. Ang pasyente naman ay naoperahan na namin. As of now, hinihintay pa po namin kung magigising sya. Kapag nagising sya within 24 hours, maayos ang lagay nya pero pag hindi. . . it can lead to comatose. Excuse me." pagkaalis ng doctor ay sumunod narin ang iba pang nurse na tumulong rin sa pag oopera kay Jihoon.









Natahimik silang lahat sa sinabi ng doctor. Lahat ay di makapaniwala sa sinabi nito. "T-teka kayo muna pumasok bibili lang kami ng makakain. Sino sasama sakin?" tanong ni Jeonghan.









Nagtaas naman ng kamay si Mingyu, Minghao at Wonwoo. Halatang hindi pa nila kayang iabsorb ang sinabi ng doctor. Sa katunayan, excuse lang nila Jeonghan na bibili sila. Hindi pa talaga nila kaya na makita si Jihoon.








Hindi nila kayang masaktan ang kaibigan nila, masyado silang mahina para masaksihan ito. Baka mamaya ay gumising si Jihoon at hanapin ang anak nya. Hindi nila kayanh umiiyak ito.









Nang makaalis ang apat. Agad na pumasok si Yoongi at umupo sa upuan na nasa tabi ng kama. "J-jihoon. S-salamat at ligtas ka." sambit nya, hawak hawal ang kamay ng nakababatang kapatid ay hinalikan nya ito.










"K-kakabati lang natin tapos nangyari 'to sayo." malungkot nyang saad. Tahimik lang silang lahat pinapanood si Yoongi. Kitang kita nila si Jihoon, kitang kita nila kung gaano karaming galos ang natamo nito, kitang kita nila ang benda sa noo nito, sa ulo at ang mga malalaking bandages sa iba pang katawan nito.










Hindi naman deserve ni Jihoon ang mga bagay na yun. Pero bakit sya ang nagdurusa? Hindi naman sya dapat masaktan. Walang ibang ginawa si Jihoon kundi mahalin ang mga tao sa paligid nya, pero bakit ganito ang sukli sakanya?












"Hyung." hinagod naman ni Seungcheol ang likod ni Yoongi. Nakaupo ang iba sa sofa. Habang ang iba naman ay nakatayo at binabantayan si Jihoon.












"Pano yan. . . pag hinanap ni Jihoon hyung ang baby nya? Ano nalang sasabihin natin?" tanong ni Chan na halatang takot na takot.











Niyakap lang sya Jisoo. "Siguro mabuting wag muna nating sabihin agad. Baka kasi makasama sakanya eh. Pero ipag dasal nalang natin na sana maging ayos na sya." sambit ni Jisoo.











"Sure akong malulungkot si Hyung. . . e-excited si Hyung sa baby nya t-tuwing kinekwento nya samin *sniffs*" naiiyak na kwento ni Seungkwan. Niyakap naman sya ni Vernon at sinusubukan nya itong patahanin.












"Magbabayad talaga yung gumawa nito kay Jihoon." madiin na sambit ni Seungcheol.












"Wala namang pwedeng gumawa nito sakanya kundi yung mga haters nya, o si Seokmin."












"Si Soonyoung? Lol. Alam kong gusto nyang ipalaglag rin ang bata." sambit ni Yoongi.











"Sa susunod na natin problemahin yan. Ang problemahin natin si Jihoon, kung magigising ba sya within 24 hours." sambit ni Junhui. Ang lahat naman ay sumangayon sakanya.












fuck buddies • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon