forty three.

2K 91 105
                                    

Calling Soons. . .

Ringing. . .

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call again later. The number yoi have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call again later."

*toot toot toot*










Inis na ibinalibag ni Jihoon ang cellphone nya sa inis. Kanina nya pa kasi tinatawagan si Soonyoung pero walang sumasagot. Kasalukuyan syang nasa school garden ngayon. May lakad sana sila ng barkada nya kaya lang hindi nya ito sinipot.








Madalang nalang kung makipag usap si Jihoon sa mga ito, madalang nalang rin kung sya'y ngumiti. Ngingiti man sya, yung peke pa.








Ang dahilan? Wala lang. Kasi wala naman atang dahilan para ngumiti sya. Nalulunod na sya sa problema nya, at yung taong dapat na tutulong sakanya? yung taong ipinangakong di sya pababayaan? ayun at tinakbuhan yung responsibilidad nya.








Clichè right? Pero wala eh. Ganyan talaga.









"Tangina Soonyoung, sabihin mo lang talaga-" napasabunot si Jihoon sa kanyang buhok ng dahil sa inis. Hindi na nya kasi alam pa ang gagawin nya.








Galit sakanya si Seungcheol, di naman sya pinapansin ng maayos ni Soonyoung. Hindi rin nga nya alam kung bakit ganun bigla si Soonyoung pagtapos nilang mahuling dalawa.







Ilang sandali pa'y napag pasyahan na nyang puntahan nalang si Soonyoung sa office. Hindi naman sa naghahabol sya kay Soonyoung sa pera o kung sa ano man. Ang gusto nya lang ay mailinaw yung sa kanilang dalawa ni Soonyoung, na tapusin na, na malaman kung aalis na ba sila sa bahay o kung ano man.









Andami daming emosyon ang nararamdaman ngayon ni Jihoon, madaming tanong sa utak nya na gusto nyang masagot, ngunit papaano kung pinanghihinaan rin sya ng loob?









Ayaw nya magmukhang tanga. Ayaw nya magmukhang naghahabol kay Soonyoung. Nirerespeto nya yung relasyon nilang dalawa ni Seokmin, hindi naman sya makikigulo. Gusto lang nya ng assurance.








Assurance sa lahat.









"Soonyoung? Soonyoung buksan mo to, kailangan nating mag usap." mahinahong sambit ni Jihoon habang kumakatok sa office ni Soonyoung.










Pero gaya ng inaasahan. Walang sumagot, naghintay sya ng limang minuto para magbukas ang pinto. Hindi na muli syang kumatok at pinihit ang door knob- na bukas naman pala.









"S-soons hmmm" napatakip nalang si Jihoon sa kanyang bibig ng masaksihan ang nangyayari sa loob. Nakapatong si Soonyoung kay Seokmin habang hinahalikan nito ang leeg nya tanging ang boxer nalang ni Soonyoung ang natitirang saplot.









Tila nabato si Jihoon sa kinatatayuan nya. Hindi nya alam kung ano yung mararamdaman nya, hindi nya alam kung anong masasabi nya, hindi nya alam kung anong gagawin nya.









Isinarado ni Jihoon ang pinto at napaupo nalang sya sa upuan sa labas ng office. Napatulala sya, di namamalayan ang luha sa kanyang mga mata.







"L-laban lang Ji." nakangiting sambit nya bago punasan ang mga luhang walang sawa sa pag ragasa sa kanyang pisngi. "Hindi ka dapat masaktan. . . n-natural gagawin nila y-yon. M-magjowa sila eh haha."









Di man aminin ni Jihoon sa sarili nya pero sobrang bigat ng pakiramdam nya. Tipong parang pinagbagsakan sya ng langit at lupa. Madami syang kaibigan pero ni isa wala syang maramdaman, gusto nya mapag isa, pero gusto nyang may karamay. Gusto nyang magwala, pero mas gusto nyang magkulong sa kwarto at iiyak lang lahat ng nararamdaman nya.









"S-sa susunod nalang." huminga muna ng malalim si Jihoon bago ngumiting muli at tumayo na, hindi na sya dumiretso pa sa classroom nila kahit may klase sa halip lumabas sya para pumunta sa park.









Sa napakatahimik na park. Sya lang yung tao roon, siguro magpapaalis muna sya ng sama ng loob mag isa.









Umupo sya sa bench, dala dala ang bigat na kanyang nararamdaman. charot :< taena mo, Daegul. kitang drama yung scene mag chacharot ka. hayop k talaga.









Tumingala si Jihoon habang nakatakip ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha. "Hindi ka pwedeng umiyak o. . . okay? A-ayos lang yun. Tanggap mo naman na m-magjowa sila eh d-diba?" pag kausap ni Jihoon sa sarili nya.








Hindi ko na alam kung ano pa ba yung dapat kong maramdaman. . .








Hindi ko na alam kung tama pa ba lahat ng ginagawa ko. . .








Hindi ko na alam kung may kwenta pa ba ko sa mundo. . .









Hindi ko narin alam kung sinong matatakbuhan ko. . .









Pagod na pagod na ko. . .










"Yan ang hirap sayo eh. Hindi mo nilalabas, paano ka giginhawa?," ramdam ni Jihoon ang malalaking bisig na yumakap sa kanyang maliit na katawan. "Akala ko kaya ko, pero hindi pala. Akala ko magiging ayos ako kahit makita kitang nasasaktan ng ganyan. Hindi pala talaga." at alam nya kung sino yun.









Alam nya kung sino yung nag iisang tao na kahit hindi nya tinatawag ay nandyan parati para sakanya. Yung isang tao na kahit di sya humihingi ng tulong ay handa syang tulungan.







"H-hyung. . ." don na ibinuhos lahat ni Jihoon ang kanyang mga luha, hindi na nya napigilan pang mapahagulgol sa lungkot at sakit.









Akala nya wala na syang matatakbuhan. . .










"H-hyung sobrang s-sakit." mas lalong hinigpitan ng lalaki ang yakap sakanya.









"Alam ko Ji, kaya nga andito ako diba?" hinimas himas ni Seungcheol ang ulo ni Jihoon trying to calm him down kahit na konti lang.










"H-hyung b-bakit ganon? B-bakit nasasaktan ako? B-bakit nag kakaganito ako? A-ang bigat sa pakiramdam. . . a-ang sakit sa puso. . ." muntik ng hindi maintindihan ni Seungcheol ang mga rant sakanya ni Jihoon. Hinahayaan nya lang itong mag rant ng mag rant. At kahit papaano naiintindihan naman nya ito, all those times iniintindi nya na si Jihoon ngayon pa ba hindi?








Andami pang sinabi ni Jihoon, tungkol sa nararamdaman nya habang humahagulgol sya. Hindi rin naman maiwasan ni Seungcheol na mapaluha rin ngunit di sya nagsasalita, basta kayakap nya lang si Jihoon at pinapakinggan nya lahat ng sinasabi ng nakababata.










"H-hyung. . ." tila nanibago si Jihoon dahil para bang nasusuka sya at the same time umiikot ang paningin nya.









Napakapit ng mahigpit si Jihoon kay Seungcheol. Wala syang sinasabi kung ano yung nararamdaman nya ngayon, i mean yung pag kahilo nya.








"Jihoon. . .?"






---------

yezzz hello sa mga nag CSD sa UZ'19! ang cucute nyoooo shet sana ol : ( nag CSD din ako dun kung alam nyo rpa q HAHAHA pota mukha akong patatas.

fuck buddies • soonhoonOnde as histórias ganham vida. Descobre agora