seventy one.

1.1K 63 38
                                    

"Wow. Jihoon. You came." rinig kong sambit ng tatay ni Soonyoung ng buksan ko ang pinto ng meeting room.







I was 30 minutes late, pero mukhang hinintay pa talaga nila ako. Hah! I knew it. Hindi naman sa pa VIP ako, nalate lang ako nagising dahil nasira yung pisteng yawa'ng alarm clock ko.







"I told you, Dad." ngumiti naman si Soonyoung sa tatay nya at tinignan ako. Agad narin naman akong umupo sa tabi ni Soonyoung kasi yun nalang ang upuan na hindi pa okupado.







"Sorry, I'm late." sambit ko bago ayusin ang pag kakaupo ko. Binuklat ko ang folder na nasa harap ko, binuksan ko lang di ko binasa. Nakakalula sa dami ang mga nakasulat. Tinatamad akong magbasa. Pero buti nalang at may picture naman.







"It's okay, Mr. Oh and by the way, shall we start?" tanong ni Mr. Kwon na ikinatango naman ng lahat.






Tahimik lang akong nakikinig sa pwesto ko, andami nilang plano, nakakaantok dito. Dapat pala ay di na ako pumunta at pinarecord nalang kay Soonyoung ang sinasabi.






"Ah Mr. Lee, sya nga pala si Lucas. Sya yung ipinadalang temporary manager mo dito." nag bow naman ang isang lalaki na sa tingin ko ay mas bata kaysa saakin.







Nag bow rin naman ako at umupo na. "So ang type ng gagawin natin is mix, may musical, blahblahblah." i rolled my eyes, grabe nakakabored dito.







Ramdam kong nakatingin sakin si Soonyoung, kaya naman tinignan ko rin sya at kinunutan ng noo. "Tinitingin tingin mo dyan?" Ngumuso naman sya na parang bata. "Wala? Bawal tumingin?" di ko na sya pinansin, nang aasar lang naman yun. Walang magawang matino.






Mahigit isang oras bago natapos ang meeting. Pagkalabas na pagkalabas ko sa kwartong yun ay dumiretso na ako sa elevator. May usapan kasi kami ni Seungcheol ngayong lunch. Di yun date ha!






Sige na nga date na nga, pero as a friend lang.







"ELEVATOR STOP!" halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang sumulpot sa harap ko at sumigaw. Nakita ko si Soonyoung na hingal na hingal nakataas pa ang kamay na animo'y may pinipigilan talaga.







"KWON SOONYOUNG! papatayin mo ba ko sa gulat?!" saad ko habang nakahawak sa dibdib ko. Pakshet na 'to, kung may sakit lang ako sa puso malamang kanina pa ko inatake!







"Pinipigilan ko kasi yung elevator para makasabay sayo hehehehe."







"Anong feeling mo sa sarili mo? Si Quiboloy? Tsk." pinindot ko na ang ground floor ng makapasok na sya ng tuluyan sa elevator.






"Eh! Aayain lang sana kitang mag lunch hehehe."







"Hindi ako pwede ngayon, Soonyoung. Busy ako." sambit ko. Buti nalang at tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Pagkabukas na pagkabukas ng elevator agad na akong lumabas.








"Minsan lang naman ako magyaya eh." sambit nya, ramdam kong naka nguso sya ngayon. Hindi ko alam kung parehas lang ba ang daan namin pero nasa tabi ko lang sya habang naglalakad.








"Minsan daw."









"hOY AH! BAKA NAMAN IBANG YAYA YANG INIISIP MO?!" aba kapal naman talaga ng mukha nitong haup na 'to. ako pa talaga nag iisip ng ganun eh hindi ko nga naisip yun.







Hindi na ko umimik. Dahil alam kong kung patuloy akong sasagot sakanya. Hindi matatapos ang usapan. Napakadaldal ng lalaking 'to. Kung pwede lang sanang tapalan ng duck tape ang bunganga nito matagal ko ng ginawa.







Liliko na ko papunta doon sa dapat kong puntahan ng hindi nya parin ako nilulubayan. "Sinusundan mo ba ko?"







"Ako?" turo nya sa sarili nya. "h-hindi ah! bakit naman kita susundan?!" pinanliitan ko naman sya ng mata. "pupunta tayo sa dapat nating puntahan." dagdag nya sabay hinila ako.








Hindi na ko nakapag pumiglas dahil kasalukuyan na kaming tumatakbo. "what do you think you are doing, you punk!" sigaw ko habang pinagpapalo palo ang brado nya gamit ang kabila kong kamay. Hindi ako makatigil dahil baka parehas kaming masubsob, baka masubsob ako sa dibdib nya magkakatinginan kami biglang bibilis tibok ng puso ko, maiinlove nanaman ako sakanya, magiging close ulit kami, mahuhulog loob ko sakanya, habang sya pinaglalaruan lang pala ako tapos iiwan nanaman nya ko.







Napailing nalang ako sa naisip ko. Tangina, ang layo naman ng narating ko.







Hindi sya sumagot. Hinila nya ko papunta sa isang restau na sa tingin ko ang italian restau. Pinaupo nya ko sa isang upuan na nasa tabi ng malaking salamin.








"Wag ka mag alala, Ji! Treat ko yan!"








"Tch. Kaya kong bumili ng sarili kong pagkain." sambit ko at kinuha na ang menu. Inorder ko lahat ng pinakamahal na pasta at inumin. Treat pala ha. Sige treat mo ko.








"Hehehehe pota mahal naman. hehehehehe." napangisi nalang ako sa expression nya ng makita ang mga presyo ng pinagoorder ko. Tutal minsan lang naman yan.








"pero mas mahal kita."








Narinig ko 'yon. Hindi ko na ikakaila sainyo na narinig ko 'yon. Pero umakto nalang ako sa harapan nya na parang walang narinig. Tumawag ng waiter si Soonyoung. At agad naman nyang sinabi ang mga order namin.








Siguro kung hindi nya ginawa yung mga bagay na nagawa nya noon, hindi ako naririto ngayon. Siguro kung hindi nya ako niloko, hindi ako magbabago, hindi ako magiging matapang. Kaya may kakaunting pasasalamat din ako sakanya, dahil sakanya namulat ako.








Pero naiisip ko rin kung hindi nya ako niloko, siguro masaya kami ngayon. Paano kung masayang pamilya na kami ngayon? Siguro sobra sobra yung pagmamahal  namin sa isa't isa. Only if . . .







Hays. Totoo nga. Everything happens for a reason. Baka nga hindi kami talaga ang para sa isa't isa. Pilit kong iwinawaksi ang mga naiisip ko pero hindi ko mapigilan, hindi ko mapigilan na isipin kung ano ang dapat na kinalalagyan namin ngayon.









Tahimik lang akong kumakain, habang si Soonyoung daldal ng daldal. Sinasabi nya sakin ang mga nakaraang achivements nya noong nawala ako, yung mga bagay na nangyari sa mundo nung nawala ako. Sobrang saya nya habang nagkkwento. Para syang isang bata na nagkkwento sa magulang kung ano ang nilaro nila ng mga kalaro nya.







"Ji? Nakikinig ka ba? Kanina ka pa nakatitig sakin eh, napopogian ka lang ata sakin." natawa ako ng bahagya sa sinabi nya.







Kaya nga siguro ako nahulog sakanya. Kaya nga siguro ako nabaliw sakanya noon, dahil dito, dahil sa mga mata nya, nakakalunod. Kaya nga siguro ako nahirapang kalimutan sya, kasi sya si Kwon Soonyoung.








---

hELOOOOOO MISS Q NA KAU HUHU
SORRY NGAYON LANG NAKA PAG UD?!?!
BZ KASI!!1! ENIWEYS.

PAKYU K MNET.

fuck buddies • soonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon