fifty nine.

1.5K 78 139
                                    

[ ⚠️ ] Trigger Warning! Some scene are not suitable for young readers. If you are not into fight, foul words, please skip this part. I warned you! Kapag nagbasa ka hindi ko na kasalanan yun. Winarningan kita. Thank you!

----

Pagsapit ng alas 9 ng gabi, agad na nagbihis si Jihoon. Nag aalangan man, ay pupunta parin ito. Sinubukan nyang tanungin kung sino ito, pero hindi na ito nag reply pa.








"Hyung aalis muna ako." sambit ni Jihoon kay Yoongi na kasamang nanonood si Seungcheol. Nakatira sila sa bahay nila Seungcheol, pinilit na kasi ni Mrs. Choi na dito na tumira si Yoongi. Nahihiya man ay pumayag si Yoongi since wala pa silang matitirhan. Pero pinangako naman nya rito na once na makahanap na sila ng uupahan, lilipat na agad sila ni Jihoon.









"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Yoongi.









"Ah may bibilhin lang ako hyung. babalik din ako kaagad. Malapit lang naman." pagsisinungaling nito. Medyo malapit nga lang ang hotel, pero hindi nama sya sigurado kung agad agad syang makakabalik at wala naman talaga syang bibilhin.








"Teka ihahatid na kita, Jihoo-"









"Wag na Hyung. Kaya ko naman. Kailangan ko ring maglakad lakad." paliwanag ni Jihoon. Wala sila Mrs. At Mr. Choi dahil maaga silang natulog kaya nasa taas na sila.








"Hindi Ji, sasamahan kita baka mapano ka pa, ats-" iniharang ni Jihoon ang hintuturo nya sa labi ni Seungcheol dahilan para matigil ito sa pagsasalita.









"Hyungs, ayos lang talaga ako. May bibilhin lang ako."










"But-"









"No buts. Saglit lang ako." sambit ni Jihoon at hinalikan na sa pisngi si Yoongi. Hindi na nakaangal ang dalawa dahil alam nilang kapag sinabi ni Jihoon na hindi sya papasama, hindi talaga ito magpapasama.








"Be safe okay?" tumango lang si Jihoon kay Seungcheol. Napanguso naman si Seungcheol. "Wala akong kish?" nakangusong tanong nito.








Natawa naman si Jihoon. "Wala hyung. Sige na aalis na ko." sambit nito. Nang makalabas sya rinig nya pa ang sinabi ni Yoongi na maghunos dili ito at sabay silang tumawa.








Nagsimula ng maglakad si Jihoon. Nakasuot sya ng malaking jacket at naka face mask din. Nang makakita ng taxi si Jihoon, ay agad nya itong pinara at sumakay.








"San po kayo Sir?"









"Sa tapat po ng hangyeol hotel. Salamat po." sambit nya at tumingin sa bintana. Hindi alam ni Jihoon ang ginagawa nya, hindi nya alam kung bakit pupunta sya.








May inaasahan sya na makita, kinukutuban na sya kaya kinakabahan sya. Wala pang isang oras ay nakarating na sila sa pupuntahan ni Jihoon. Nagbayad muna sya at nagpasalamat bago bumaba. Nang makababa sya, napansin nyang madaming tao ang nandito. Ang nasa tapat kasi ng Hotel ay isang store.








fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now