sixty six.

1.4K 73 53
                                    

"Dessert lang kakainin ko."









"Ako rin."









"Gaya gaya ka teh? HAHAHAHAHAHA" kasalukuyang kumakain ang mag ttropa sa table nila. Lahat ay may kanya kanyang business. Ngunit syempre ang iilan sakanila'y nag aasaran parin.









"Nag iikot ikot si Mr. Kwon." sambit ni Junhui habang nag cecellphone dahilan para mapatingin sila sakanya.









"hMmmMmmMm sa tingin mo ba lalagpasan nya 'tong table natin?"









"Ako feeling ko, Oo."










"Feeling ko hindi, alam nyo naman kung gaano kakapal mukha nyan tsk." inis na sambit ni Minghao at inirapan si Soonyoung sa di kalayuan.









"Wala naman kaming pake kung pumunta pa sya dito sa table natin." sambit ni Seungcheol habang kumakain. Nakikita na kasi nya ang pagkainis sa mukha ni Jihoon.









Ilang sandali pa pagtapos ng pustahan nila, ay biglang may nagsalita. "Uhm, hello? Thank you for coming." isang pamilyar na boses ang nagpatahimik sa mag babarkada.









"WoOoooW HYUNG, long time no see. Kamusta ka naman HYUNG?" tanong ni Mingyu, dinidiinan ang bawat  pagsabi nya ng "hyung".









"Okay lang ako, kayo kamusta na kayo? Lalo na ikaw Seungcheol hyung tsaka Jihoon." sambit ni Soonyoung, he tried his best para magmukhang presentable sa harap nila, para hindi maging awkward habang kinakausap nila ito.










"Buti pa ngayon nangangamusta sya pero nung iniwan ka nya dahil sa sarili nyang kapabayaan di sya nangamusta." pabulong at naiinis na sambit ni Jeonghan sa sarili nya, na narinig naman ni Joshua kaya pasimple nyang kinurot ang braso nito.









"Okay lang naman kami." malamig na sambit ni Wonwoo. Wala naring nagsalita. Ang buong akala nila'y aalis na si Soonyoung pero ang kamay nya ang tumambad sakanila.









"Nice to meet you again, Jihoon and Seungcheol—" di pa tapos si Soonyoung sa sinasabi nya ngunit agad ng kinuha ni Seungcheol ang kamay nya't nakipag shake hands sya rito.









"Nice to meet you too." sambit ni Seungcheol. Natulala naman si Soonyoung ng abutin ni Seungcheol ang kamay nya. Parang ang bigat, hindi nya maramdaman yung galak, yung saya, na makita sya ulit ng mga ito.









Bakit nga naman sila sasaya makita ako?









"I hope you are all doing fine. Sige, puntahan ko muna kabilang table. Balik lang kayo kung gusto nyo pa kumain." sambit ni Soonyoung bago umalis.








"Ang plastic ni hyung." pabulong na sambit ni Chan sapat lang para marinig ng mga katabi nya.









"Shh hayaan nyo na sya." suway ni Jihoon na agad namang nakapag patigil sakanila. Ilang minuto lang ay natapos narin silang kumain, namayani ang malakas na tugtog sa buong lugar, kumonti nalang rin ang mga tao dahil ang iba'y nag si akyat na sa kani kanilang mga floor.










Ang iba'y sumasayaw, sa kabilang banda naman ay may nag iinuman, syempre di mawawala ang mga nag pipicture-an.









fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now