thirty four.

2.6K 107 105
                                    

"Jihoon hyung. May meeting daw tayo mamaya sa gymnasium." saad ni Seungkwan habang nakatingin kay Jihoon na kasalukuyang nagbabasa.


Tumingin rin naman sakanya ito at tumango. "Sige. Punta nalang ako. Salamat sa pagsabi." sambit ni Jihoon.


Ilang araw na rin simula ang lumipas, simula nung malaman ni Mingyu. Alam narin ni Seungkwan. Hindi parin maiwasang mahiya ni Jihoon sa tatlo. Hindi parin nya maiwasan na manibago dahil alam na nila ang pinakatatagong lihim nya.


Parati nalang tumatakbo sa isip nya kung ano kaya tingin sakanya nung tatlo.


Kaibigan pa kaya turing nila sakin?


Hindi ba nila ako lalayuan?


Nandidiri ba sila sakin?


Natapos ang klase ng walang pumapasok sa utak ni Jihoon. Natapos ang klase ng wala syang ibang ginawa kundi ang tumulala sa whiteboard.


Sa ngayon. Hindi alam ni Jihoon ang mararamdaman nya. Basta hindi sya masaya, pero hindi rin sya malungkot. Nakakabored ang araw na ito para sakanya.


Nang matapos ang klase ay agad ng pumunta sa gymnasium si Jihoon. Walang Seungcheol na nanggugulo sakanya ngayon dahil busy ito sa pag aayos ng booth nila. Ganun din naman si Soonyoung sa office nya busy magayos ng papeles kaya tahimik ang buhay ngayon ni Jihoon.


to: Seungkwan
Andito na ko. Nasan na kayo?





Nilibot ni Jihoon ang paningin nya sa buong gymnasium kaya lang ay wala talaga syang makita sa tropa nya. Ni isa, wala.




Little do you know, how I breaking while you fall asleep.
Little do you know, I'm still haunted by the memories.
Little do you know, I'm tryin'a pick myself up piece by piece.
Little do you know I need a little more time~ 🎶🎵





Napatigil si Jihoon ng mahagip ng mata nya ang isang lalaki na nakaupo sa bleacher medyo malayo na kinatatayuan nya. Hindi nya makita ang mukha nung lalaki, dahil madilim ngunit nasisigurado nyang nakapikit ito.




I love you like I've never felt the pain~





Lumapit sya rito at nagulat sya ng tumayo ang lalaki at nilapitan rin sya. Ginapangan ng kaba si Jihoon. Nasa harap na nya ngayon ang kaibigan nya. Yung kaibigan nyang nagalit ng sobra sakanya.




Pagagalitan nanaman ba nya ko?




Sasabihan nanaman ba nya ko ng masasakit na salita?




Kahit na madilim sa buong gymnasium kita ni Jihoon ang mga mata ni Jeonghan na nakatingin ng diretso sakanya. Gusto nyang mag iwas, ngunit di nya magawa. Gusto nyang magsalita, ngunit di nya rin magawa.




"Sorry," napasinghap si Jihoon ng maramdaman nya ang init ng yakap ni Jeonghan palibot sa katawan nya.




"Jihoon, sorry sa mga nasabi ko sayo ha? Nabigla lang naman ako.." hindi parin makapaniwala si Jihoon sa nangyayari kaya hindi nya magawang yakapin pabalik si Jeonghan.




Tulala parin sya at tila inaabsorb pa ang ganap.




"H-hyung.." a tear scaped from his left eye as he hugged Jeonghan back. Napangiti si Jihoon habang niyayakap ng mahigpit ang hyung nya. "H-hyung.. s-sorry din."




"Shhh. Don't be sorry. Ako dapat ang nagsosorry. Hindi kita inintindi. Sorry it's my fault, Baby." sambit ni Jeonghan, yakap yakap parin nya si Jihoon habang hinihimas nito ang buhok ng nakababata.




"H-hyung.. bati na tayo? Hindi ka na galit?" tanong ni Jihoon bago kumalas sa yakap. Hinawakan naman ni Jeonghan ang mga kamay ni Jihoon bago nakangiting umiling.




"Hindi na. Though sige aaminin ko medyo naiinis parin ako dahil yun nga masasaktan si Seungcheol."




"Pero ayos na yun. Hindi naman sa kinakampihan kita, at hindi rin sa kinukunsinti kita. Pero sana kung gusto mo si Seungcheol tigilan nyo na ni Soonyoung yang ginagawa nyo ha?" tumango naman si Jihoon.




Matagal narin nyang pinag iisipan ito. Gusto na nyang itigil kung ano man ang namamagitan sakanilang dalawa ni Soonyoung. Mali, sobrang mali. At naiinis sya sa sarili nya dahil ngayon nya lang narealize na mali ang ginagawa nya. Na mali silang dalawa.




"Oo hyung. Titigilan k-ko na. Salamat kasi natauhan ako ng dahil sayo." sambit ni Jihoon bago yakapin muli si Jeonghan.




"JIHOON HYUNG! JIHOON HYUNG!" napatingin silang pareho sa entrance ng gymnasium ng may sumigaw.




"bakit ba sumisigaw ka Mingyu?" kunot noong tanong ni Jihoon bago nila lapitan si Mingyu na ngayoy hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod.




"S-si Seokmin! S-si Seokmin nagwawala sa labas! Hinahanap ka! Galit na galit!" nanlaki ang mga mata ni Jihoon.





Puno ng kaba at takot ang namayani sa buong sistema nya. Puno ng tanong ang isip nya.




"WALANGHIYA KANG MALANDI KA!"




━━━━━━━━━ 

hi sorry kung ang tagal
ko ng di nag uupdate!
ngayon lang kasi ako nagkadrafts
nahihirapan na kong umisip ng
plot ngayon. sorry :(
sobrang hirap talaga promise
hindi ko alam kung anong
nangyayari sakin :(

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now