seventy

1.4K 50 14
                                    

"Wow, tinanggap mo talaga ang offer ni Soonyoung, Ji?"











Kita ko ang inis na mukha ni Seungcheol ng tumango ako. Alam kong kanina pa nag pipigil yan manuntok ng pader, kilalang kilala ko na si Seungcheol pag nagagalit yan nanununtok, pero saakin hindi nya magagawa yun kaya sa pader nya binubuhos ang galit nya.











Napahilamos nalang sya ng mukha. Wala naman na syang magagawa dahil tinanggap ko na.











"Bawiin mo, Ji. This can't be! Gagamitin ka lang ni Soonyoung!" sambit ni Seungcheol at hinawakan ang kamay ko.











"Hindi pwede, may plano ako. May plano kami ni Seokmin." sambit ko na ikinagulat naman nya.











"Seokmin? Bakit nasali si Seokmin dito?"











"Kinausap nya ko nung isang gabi."











"Ji naman, bakit di mo muna ako tanungin bago ka gumawa ng mga desisyon? Ayokong nag papadalos dalos ka lang sa mga desisyon mo, lalo na kung involve yang mga taong yan." alam ko naman ang pinopoint out ni Seungcheol, aware naman ako sa ginawa nila saakin.











Alam ko rin namang concern at nag aalala lang sya saakin. Kaya sya napaparanoid ng ganito. Naiintindihan ko naman sya. "Sila ang dahilan kung bakit naging miserable ng sobra ang buhay mo."











"Alam ko. Pero kasi, pinakiusapan ako ni Se—" naputol ang sasabihin ko ng sumabat sya. Aba't bastos. Di man lang ako pinatapos.












"Pinakiusapan? Bakit nung pinakiusapan mo ba syang tumigil na sa ginagawa nya nakinig sya? Hindi diba."












"Shh. Nagbago na si Seokmin! Nakipag hiwalay sakanya si Soonyoung. Tinakbuhan sya ng mga tinuring nyang kaibigan."











"Kaya sayo sya lumapit? Bakit? Kaibigan ka ba nya?"











Hindi ko pinansin ang sinabi ni Seungcheol at nag patuloy sa pag eexplain. "Nung pumunta sya sa bahay ng gabi, puno ng pasa yung katawan nya, lasing na lasing sya. Naiintindihan ko na sya, Cheol. Sa sobrang pag mamahal nya kay Soonyoung nagkaganun sya."












"Pinakain ko sya, tapos pinaliguan k—"












"pINALIGUAN MO SYA!? JI NAMAN!"












"bALIW KA BA?! HINAYAAN KO SYANG MALIGO SA BAHAY!" pagkklaro ko pagtapos kurutin ang tagiliran nya.












"Ah okay. Linawin mo kasi. Ako lang pwede mong paliguan." inirapan ko nalang si Seungcheol at itinuloy ang kwento ko.












"Ayun na nga. Alam mo ba sobrang naaawa ako kay Seokmin non. Yung lungkot sa mata nya, tapos yung mga pasa nya. Habang kumakain sya nag kkwentuhan kami, minsan tumatawa sya pero kita mo parin yung lungkot na bumabalot sakanya. Nung kinekwento nya saakin yung nakaraan nila ni Soonyoung parang ang saya nya na malungkot. Nung nag kkwento sya sa present nila naiyak sya."












"Bakit ka ba ganyan, Ji?" tanong ni Seungcheol na kanina pa nakatitig sakin habang nag kkwento ako. Tinaasan ko naman sya ng kilay.












"What do you mean ganito?"












"Kahit gaano kalaki ang naging kasalanan nila sayo, bakit kahit gaano kasakit yung dinulot 'non sayo naawa ka parin sa kalagayan ni Seokmin?"











"Ewan ko, siguro ganun talaga. Tsaka sinabbi na sakin ni Seokmin yung dahilan. Actually kahit hindi nya sabihin alam ko naman eh. Ang akala nya inaagaw ko lahat ng sakanya kaya nagagawa nya yung mga bagay na yun."











"Sobrang takot syang mawala si Soonyoung ng dahil saakin. Kaya imbis na si Soonyoung ang balaan o ilayo nya, ako ang pilit nya inaalis."












"Sabi na eh. Naiinggit lang sayo si Seokmin. Kahit wala ka naman talagang ginagawa sakanya." sambit nya. "Oh pagkatapos nun? Ano pang sinabi nya?"









"Pinilit nya kong tanggapin ang offer ni Soonyoung. Pero hindi ako sisipot sa araw ng mismong event. Yun yung gusto ni Seokmin, para sa huli sakanya parin ang takbo ni Soonyoung." pag papaliwanag ko. Medyo kumalma na si Seungcheol base sa mukha nya.












"Baliw na ata yang si Seokmin? Ginagamit ka lang nya."












"Okay lang. Atlis makakaganti rin ako sa ginawa ni Soonyoung saakin. Kulang pa nga yun." tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo ng hilain nya ko dahilan ng pag bagsak ko sa hita nya, ipinalupot nya ang bisig nya sa bewang ko.











Ito nanaman yung kakaibang pakiramdam tuwing ginagawa ito ni Seungcheol.











"Ji, sorry. Nag aalala lang ako sayo. Baka kasi mapahamak ka nanaman. Baka kung ano nanaman ang gawin nila sayo." nakangusong sambit nya saakin.












Natawa nalang ako sa inakto nya. Kahit sya ang pinakamatanda saaming mag babarkada, sya naman ang pinaka childish. Akala siguro ng isang 'to ay teenager parin kami.












"Walang mangyayaring masama saakin. Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari 'yon?" hawak ko ang dalawang pisngi nya habang nakatingin ng diresto sakanya.












Umiling naman sya, "hmm siguraduhin mo lang ah. may tiwala ako sayo, ji." sambit nya bago ako hinalikan sa ilong.











Nang nose crunch naman ako kaya tumawa sya. "Tawa ka, dyan ka masaya?"












"Sayo ako masaya." sambit nya habang tinataas baba ang kanyang kilay.











Umayos naman ako ng upo nang marealize na nakaupo parin pala ako sa hita nya. "Ugh shit." napatingin ako kay Seungcheol ng marinig kong umungol sya.












Gago?¿ Sya ba yung narinig ko?













Naramdaman kong may tumutusok sa ibaba ko habang tinitignan ko sya, nakatingin rin sya saakin. Sobrang pula ng mukha nya habang nanlalaki ang mga mata nya. Ramdam ko ring namumula narin ang mukha ko dahil ramdam kong nag iinit rin ang pisngi ko.












Agad akong napatayo, ganun din naman sya. "A-ahh, u-uwi na ko may kailangan pa pala akong gawin!" sambit ko, hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at dali dali akong lumabas ng bahay at tumakbo papunta saamin.












Buti nalang at malapit lang ang bahay namin sakanila. Nakita ko pa si Hyung na tinatawag ako pero di ko na sya pinansin, agad akong nagkulong sa kwarto ko.












Bwisit! Ano ba yung tumutusok na 'yon?












--
hi hehe update muna since wala naman kaming pasok :>

fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now