sexty (part 2)

1.6K 53 14
                                    

"Jihoon kumain ka muna, hindi ka pa kumakain simula kagabi." pilit ni Yoongi kay Jihoon. Inilapit nya ang kutsara pero hindi naman ngumanga si Jihoon at nanatili paring tulala.


Kanina pang umaga tulala yan, dahil hindi parin nya matanggap na wala na ang baby nya. Wala syang kinakausap na kung sino, nakatulala lang sya at maya maya'y iiyak at titigil.


"Jihoon please kumain ka na."



"Ayoko." sa wakas at nagsalita narin si Jihoon. Pero nagpumilit si Jihoon at inilapit pa lalo ang kutsara na may lugaw. Ngunit umiling lang si Jihoon.


Nang subukang ilapit ni Yoongi ulit ang kutsara ay tinabig lang ni Jihoon ang kutsara at tinapon ang mangkok na hawak nito. "aYOKO SABING KUMAIN!" sigaw ni Jihoon.


Mabuti't styro lang ang bowl na hawak ni Yoongi at hindi ito nabasag. Ngunit natapon naman ang lugaw. "Hays. Bahala ka nga." pagsuko ni Yoongi at pinunasan ang natapon. Mabuti't hindi natapunan ang uniform nya. Nagttrabaho na kasi si Yoongi, nagpapart time job sya sa isang café. 



"Papasok na ko sa trabaho. May mga prutas dyan kung sakaling magutom ka. Si Seungcheol na muna ang bahal sayo at babalik rin ako mamayang gabi." sambit nito at hinalikan na sa noo si Jihoon na nakatulala.



Tinignan nya muna si Jihoon bago lumabas ng kwarto. Ang bigat pala sa pakiramdam na makita yung kapatid mo na ganito. Ang bigat sa pakiramdam na naghihirap sya at hindi mo man lang sya matulungan.


"Ah Cheol, ikaw na muna bahala kay Jihoon ah. Hindi parin pala sya kumakain. Ikaw tapos ka na ba kumain?"



"Oo hyung kakatapos lang. Sige hyung mag iingat ka sa work. Ako na bahala." pagkaalis ni Yoongi ay pumasok na ng kwarto si Seungcheol at naupo sya sa upuan na nasa tabi ng kama ni Jihoon.


"Ji, gusto mo bang ipagbalat kita ng mansanas? Or orange?" tanong ni Seungcheol. Umiling lang si Jihoon habang nakatingin sa kawalan.




"Hindi pwedeng hindi ka kumain. Iinom ka pa ng gamot." sambit ni Seungcheol "Please kumain ka na. Kailangan mong maging malakas. Sa tingin mo ba natutuwa ang anak mo na nagkakaganyan ka?" dugtong ni Seungcheol. Tinignan naman sya ni Jihoon.


Kinilabutan sya sa pagtitig nito. Ang lamig, walang emosyon, hindi katulad ng dating Jihoon.



"Yun na nga, wala na sya. Kaya wag nyo na kong pakainin , wag nyo na kong painumin ng mga lecheng gamot na yan, gusto ko ng sumama sa anak ko!" muli ay umiyak nanaman si Jihoon. Niyakap lang sya ni Seungcheol at pinatahan.


"Ji, wag ka namang ganyan. Hindi sya matutuwa kapag sumama ka sakanya. Alam kong gusto nya lang is yung maging maayos ka." sambit ni Seungcheol.



"G-gusto ko ng sumama sa b-baby ko. . . h-hayaan mo na ko Hyung. . . p-para matigil na tong sakit na nararamdaman k-ko." iyak na sambit ni Jihoon habang tinutulak si Seungcheol. Ngunit mas malakas ang nakatatanda kaya naman hindi sya naitulak ng tuluyan ni Jihoon. Sa halip, ay napatigil narin sa pagtulak si Jihoon. Nakapalupot lang sya sa mga bisig ni Seungcheol habang umiiyak dahil sa sakit ng nararamdaman.





Sinisisi ni Jihoon ang sarili nya, pakiramdam nya naging pabaya sya. Na sana hindi nalang sya pumunta, kahit naman na nabuo lang dahil sa pagkakamali ang bata ay mahal ni Jihoon ito kahit na hindi pa ito lumalabas.





Naalala nya pa nga na parang dati lang naisip nyang ipalaglag ito, pero natutunan nya ring mahalin ang bata. Simula non naging dahilan narin ang bata sa pag gising nya, noong mga panahong iniwan na sya ng lahat, noong panahong pakiramdam nya ay tinalikuran na sya ng mundo, ang anak nya lang ang naging dahilan kung bakit hindi nya tinangkang tapusin na ang magulong buhay nya, ang anak nya ang naging sandalan nya.




fuck buddies • soonhoonWhere stories live. Discover now