CHAPTER 2-"HEAD MASTER"

57.3K 1.5K 143
                                    

" WOOOOWWWWW!!!!!!!"

Ang ganda dito sa loob! Ngayon lang ako nakakita ng Academy na mayroong sariling hospital, amusement park, mall at bayan sa loob. Kaya siguro may pader na nakapalibot dito, para di na lumabas yung mga estudyante kasi kumpleto na dito. Mas malaki pa yata ito sa bayan namin eh.

"School pa ba to? Grabe, napakaganda!" bulong ko sa sarili ko.

"HAHAHAHA! Ganyan din ang reaction ng lahat ng estudyante nung unang pasok nila dito. Wag ka mag alala, masasanay ka din." sabi ni Sir Cristoff. Narinig pala nya ako.

"Ah, eh, Sir, matanong ko lang po, ano pong position nyo sa Academy? Sabi kasi ni Papa, malaki daw po maitutulong nyo sa akin?" tanong ko sa kanya habang naglalakad kami.

"Professor ako sa Academy, ako din ang may hawak ng training ng mga students. Kasama din ako sa Council." sabi nya.

"Council?" takang tanong ko.

"Malalaman mo din yan." sabi nya sabay pat sa ulo ko. Hindi na ako nagtanong kahit na madami akong gustong malaman.

Madaming puno sa gilid ng daan papuntang Academy. Madilim na sa paligid kayat di ko maiwasang kilabutan. Feeling ko kasi may nanunuod sa amin habang naglalakad kami. Naramdaman din siguro yun ni Sir, kanina pa sya palinga linga eh. Pagtingin ko sa kanan ko, halos mapalundag ako sa kinatatayuan ko ng may makita akong malaking ibon na itim ba may mapupula at nanlilisik na matang nakatingin sa akin.

"S-s-s-sir, m-m-may a-a-a-ano....." ampupu! bakit ba nabubulol ako? di naman ako duwag ah!

"Wag mo na lang pansinin Yuri, hindi yan makakalapit sa iyo kasi may barrier na pumipigil sa kanila kayat di ka nila magagalaw. Bago ka lang kasi dito kaya nagkakagulo sila." ok, sabi mo yan eh.

Nandito na kami ngayon sa harap ng Academy. ANG GONDOOO!!!!!   (^Q^)

Pagpasok mo, sasalubong agad sa iyo ang isang napakalaking fountain na may ibat ibang kulay ng ilaw na nakapaligid. May malaki ring garden na may giant maze. Ibat ibang bulaklak na nakakalat, malalaking pine trees, mga bench na may lamp post at ang mismong school na parang kastilyo sa ganda at laki. In short, PARADISE! Madami ding students ang nagkalat kahit pa araw ng Linggo ngayon. Hindi kaya sila umuuwi sa kanila?

"Yuri, sumunod ka lang sa akin, baka maligaw ka. Pupunta muna tayo sa Headmaster bago sa dorm room mo."

"Ok po!" (^O^)7

Mas maganda pala dito sa loob ng school building. Mataas ang kisame nito at may magagarbong chandelier. Matataas din ang pintuan ng mga classroom na nadadaanan namin.

Huminto kami sa paglalakad pagtapat namin sa isang kwarto. Headmaster Clifford Hanes Office, ano kaya itsura nito sa loob? At ano kaya itsura ng headmaster? Siguro matandang lalaki na panot, mataba, pandak, malaki tyan, kulubot na ang balat at baku bako ang mukha? Pffffttt. Naalala ko tuloy yung principal namin sa dati kong school.

*Tok tok tok!*

"Headmaster, nandito na po kami ni Ms. Yuri Raven."

"Pasok..." teka, bakit hindi matanda yung boses? Siguro may secretary sya dito.

Pagpasok namin, agad umupo si Sir sa couch na katapat ng table ng Headmaster. Yung Headmaster naman, nakatalikod pa sa amin kaya di ko pa sya nakikita. Teka, asan yung secretary nya?

"Ahm, Headmaster, ito na po si Ms. Yuri Raven, anak ni Yesha at Allen Raven."

Unti unting humarap samin yung HM na tinawag ni Sir. Literal na napa nganga ako. Muntik tuloy akong mahulog sa kinauupuan ko. Ginagago ba ako ng mga tao dito? Paano magiging HM yung sa tingin ko e, 8 yrs old na batang lalaki? Hindi ko na napigilang matawa ng may maisip ako.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon