CHAPTER 38- "LOVE OR HATE (2)"

27.8K 763 22
                                    

YURI's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makarecover sa nangyari kanina sa dining hall. Pakiramdam ko nga, punong puno ng hangin ang tiyan ko. Oh, alam na mamaya kapag may umamoy. It's either Clyd or me. Hehehehe!

"Guys, just inform me kung gusto nyo pa ng chocolate ha. Made to order lang kasi yun. Pero kung para sa inyo naman, I am very much willing na gawin agad." tatawa tawa pa rin ako habang sinasabi ko iyan. But I just received a load of death glares from them. Akala naman nila matatakot nila ako ng ganun lang. Pero dahil nga may hidden agenda ako, kunwari akong natakot at yumapos sa braso ni Clark.

"Oh no! I'm scared Clark baby~"

"Don't worry, nandito lang ako Yuri baby~"

Ayan na! Ayan na! Sasabog na si Clyd! Let's do the countdown,

3...

2...

1...

"Dammit!" sabay sipa nya sa bote ng mineral na nakaharang sa daan nya.

I knew it! Hahahaha! Nasa akin pa din ang huling halakhak! Buti na lang talaga at si Clark ang kasama ko.

Kasalukuyan na kaming naglalakad dito sa Madison City. Ngayon ko lang nalaman na yun pala ang pangalan ng lugar na ito. Tulad dati, hindi ko pa din mapigilan ang paghanga ko. Napaka enchanted talaga ng lugar na ito. Para ka talagang nasa fairy tale. Ilang minuto lang ang lumipas at narating na din namin ang lugar na pakay namin.

Nandito na kami sa Amusement park! At dahil weekdays ngayon, walang gaanong tao dito.

"Okay guys, let's rock and roll!!!" masayang sabi ko habang naka stretch pa ang dalawa kong kamay. Pero ilang minuto na din ang lumilipas at wala pa din akong marinig na reaction nila kaya naman hindi ko na napigilan at nilingon ko sila.

Eh? Nasaan na yung iba? Bakit wala na dito yung anim na baliw? Pag sinuswerte ka nga naman, makakasama ko pa yata sila pokemon.

"Masyado ka kasing engrossed na engrossed kaya hindi mo na namamalayan ang nangyayari sa paligid mo." taas kilay at crossed arms na sabi sa akin ni pokemon. Hindi pa ako nakakapag react sa sinabi nya, hinila na nya sa braso si Clyd at nauna na silang maglakad sa amin. Hindi pa sila gaanong nakakalayo ng lumingon ulit sya sa akin sabay sabi...

"Malay mo, magising ka na lang isang araw nasa akin na pala lahat ng bagay na meron ka." at tumawa pa talaga ang gaga!

"Pigilan mo ako Clark! Pigilan mo ko! Malilintikan na talaga sa akin yung babae na yan! Ilusyunada! Atrimitida! Bubunutin ko talaga ng mano mano lahat ng buhok mo sa ilong! Bwisit ka sa buhay! Peste!" kulang na lang yata bumuga ako ng apoy sa sobrang inis na nararamdaman ko ngayon.

"Hahaha! You know what? You're so cute when you're jealous! Naiinggit tuloy ako kay kuya." sabay pinch sa pisngi ko.

"You know what? I'm cuter when I'm angry." tinabig ko ang kamay nya at nagmamartsang naglakad na papasok. Humabol naman sa akin si Clark at umakbay ng maabutan nya ako.

"Ikaw naman! Kung alam mo lang talaga!"

"Kung alam ang alin?"

"Secret! It's for you to find out!"

"TSEH!" nakakainis! Secret secret pang nalalaman! Bwisit talaga!

Mula sa kinatatayuan ko, tanaw na tanaw ko yung dalawang lamang lupa na masayang nagbubulungan. Tignan nyo na! Napakataksil talagang tae! Pero hindi ako magpapatalo! Tama tama!

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon