Special Chapter- "Behind the Past"

27.1K 788 14
                                    

12 years ago....

"Lalalalalala...." tuwang tuwang pumasok sa loob ng kanilang bahay ang batang si Yuri (na noo'y 6 y/o pa lang) habang kumakanta at lumulukso lukso pa. Galing kasi sya sa pakikipaglaro sa kanyang kaibigan na si Ace.

Agad syang dumiretso sa kanilang kusina at naabutan doon ang kanyang mga magulang na naghahanda ng kanilang pagkain. Samantalang ang kanyang kakambal naman na si Dark ay nakaupo lang at pinapanuod sila. Lumapit sya sa kanyang mga magulang at humalik sa pisngi. Araw ngayon ng Sabado kaya maghapon nila itong makakasama. Mga professor kasi ito sa kalapit na Academy kaya naman kapag may pasok, tuwing gabi lang nila ito nakakasama.

Pagkatapos humalik sa magulang ay lumapit naman sya sa kakambal at niyakap ito ng napakahigpit.

"Tama na Yuri. Ang baho mo kaya! Amoy kang pawis!" reklamo nito sa kanya.

"Ang sama mo naman Dark! Hindi mo na ba ako love?" sabi naman nya at nagkunwaring umiiyak.

"Hahahaha! Syempre joke lang yun! Love na love kaya kita!" niyakap nya ulit ito para hindi magtampo sa kanya.

"Alam ko! Behlat! Naloko na naman kita! Hehehe!" ngumiti pa sya ng pang asar sa kanyang kapatid.

"Hahaha! Ang kulit mo talaga."

"Kayong dalawa, tama na muna yan. Kakain na tayo." sabi naman ng kanilang ama at nagsimula nang ayusin ang lamesa.

Tumigil na sila sa kanilang paghaharutan at nagsimula nang kumain. Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain ng may maalala ang kanilang ama.

"Yuri, totoo ba yung nabalitaan ko na inaway mo na naman daw yung kalaro mo?" bigla namang napatingin si Yuri sa kanyang ama dahil sa sinabi nito. Titig na titig ito sa kanya at alam nya ang ibig sabihin nito. Gusto nyang magsabi sya ng totoo.

"Pero kasi Papa, inaaway nila kami ni Ace. Gusto lang naman namin na sumali sa kanila tapos inaway na nila kami tapos hinagisan pa nila ako ng bulate! Eh ayaw ko nga ng bulate diba? Kaya ayun..." pangangatwiran nya sa ama.

"Itinulak mo daw sila sa putikan-" hindi na pinatapos pa ni Yuri sa pagsasalita ang kanyang ama.

"Hindi ah! Hindi ko naman sila sinuntok at sinipa! Hindi ko din naman sila itinali sa puno tapos pinakagat sa langgam! At hindi ko sila tinakot na kapag nagsumbong sila, mas malala pa dun ang gagawin ko! Hindi po talaga Papa! Promise!" napahilamos na lang sa mukha ang ama nya dahil sa sagot nyang iyon. Alam na alam nya talaga kung paano ito paaminin sa kanyang kasalanan. Samantalang ang kanyang ina at kapatid naman ay nagpipigil na lang ng tawa.

"Okay, sabihin na nating hindi mo iyon ginawa. Pero bakit mo naman pinagtripan si Ace at pinaliyab mo ang buhok nya?" nanlalaki ang mga matang napatingin si Yuri sa kanyang ama. Iniisip nya kung paano nya ito nalaman.

"Wag mo nang itanggi, nakita kita kanina." dugtong pa nito.

"Pano kasi, may caterpillar po sa buhok nya. Natakot ako kasi baka tumalon sa akin kaya ayun... Pero maniwala po kayo, hindi nya nakita na ako may gawa non. Promise po!" *taas kaliwang kamay*

"Anong sinabi mo sa kanya?"

"Sabi ko yung alitaptap may gawa. May dalang apoy tapos nahulog sa buhok nya. Pero saglit lang naman po yun Papa. Pinatay ko din naman agad." paliwanag ulit nya.

"Naniwala naman ba?"

"Naniwala naman po. Sabi nga po nya kapag nakita ko ulit, ituro ko sa kanya. Uto uto din po si Ace noh, Papa? Hehehe!"

Napakamot na lang silang lahat sa ulo dahil sa kakulitan ni Yuri. Halos araw araw kung makatanggap sila ng reklamo galing sa ibang magulang. Pero hindi naman sya nakikipag away ng walang dahilan. Kadalasan, pinagtatanggol lang nya ang kanyang sarili dahil ayaw na ayaw nyang nadedehado sya.

"Dark, may ibibigay nga pala ako sa iyo. Nakuha ko ito kanina!" tuwang tuwa nyang sabi sabay abot ng pulang rosas kay Dark.

"Oo nga! Ang ganda!" tuwang sabi nya. Pero nang mahawakan nya ito ay agad itong natupok ng kanyang itim na apoy. Agad napalitan ng lungkot ang kanina'y masaya nyang mukha. Kahit kailan kasi ay hindi pa sya nakakalabas ng kanilang bahay. Tanging ang mga magulang at ang kakambal na si Yuri pa lang ang kanyang nakikilala.

"Ma, bakit si Dark, isa lang ang apoy, tapos sa akin tatlo? Tapos iba din yung pagkaitim ng apoy nya kumpara sa itim na apoy ko." naguguluhan na tanong ni Yuri sa kanyang ina. Ngumiti lang ito sa kanila at hindi sinagot ang tanong nya. Pero sadyang makulit si Yuri kaya nagpatuloy sya sa pagtatanong.

"Eh bakit nga po pala hindi pwedeng lumabas si Dark? Hindi ko din sya pwedeng ikwento kay Ace. Hindi nila pwedeng malaman na may kambal ako. At hindi din pwedeng malaman ng ibang tao na kaya kong magpalabas ng apoy. Bakit po Mama?" ilang sandali ang lumipas bago sya sagutin ng Ina.

"Espesyal kasi kayong dalawa anak. Hangga't maaari, ayaw naming malaman ng ibang tao na apoy ang kapangyarihan nyo. Ginagawa namin ito para protektahan kayo. Ayaw naming magkahiwalay kayong dalawa." bakas sa mukha ng kanilang ina ang pangamba habang sinasabi nya ito.

"Eh bakit nga po hindi pwedeng lumabas si Dark?" pangungulit ulit nya. Pero sa pagkakataong ito, ang ama na nila ang sumagot sa tanong nya.

"Alam mo namang mahina ang pangangatawan ng kapatid mo hindi ba? Bukod pa doon, hindi pa nya kayang kontrolin ng maayos ang apoy nya. Ayaw lang naming mapahamak sya anak." ngunit hindi iyon ang totoong dahilan.

"Pero kasi, gusto ko lang namang makita nya kung ano ang nakikita ko sa labas. Gusto ko ding makita nya kung gaano kaganda ang paligid-" pinigilan na ni Dark si Yuri kung ano man ang sasabihin nito.

"Okay lang Yuri. Naiintindihan ko naman sila Mama. Ang mahalaga lang naman sa akin, kasama ko kayo." nakangiti nyang sabi sa kakambal.

Pero hindi sumuko si Yuri. Sa kagustuhan nyang makita ni Dark ang ganda ng mundo, isang gabi ay pumuslit sila. Dinala nya si Dark sa kaloob looban ng gubat. Sa dulo nito ay matatagpuan ang isang mataas na bahagi ng lupa kung saan kitang kita ang napakalawak na dagat at kalangitan.

Sa sobrang tuwa ni Dark ay pumunta sya sa pinakadulo ng bangin upang mas makita pa lalo ang paligid. Sinubukan ni Yuri na pigilan sya ngunit hindi sya nakinig. At isang trahedya ang hindi nila inaasahan na magaganap. Gumuho ang lupang inaapakan ni Dark at nahulog sya sa dagat. Nang mga panahon na iyon ay malakas ang alon sa dagat kaya naman hindi nagawa ni Yuri na iligtas si Dark.

Hinanap nila si Dark ngunit bigo sila. Tanging punit punit na damit na lang nito ang nakita nila. Labis na sinisi ni Yuri ang kanyang sarili dahil sa nangyari. Ngunit kahit isang sumbat, wala syang narinig sa kanyang magulang. Inakala nila na patay na si Dark. Dahil doon, pinili nilang manirahan sa ibang lugar para na din makalimot sila sa nangyari. Pero sa puso ni Yuri, naniniwala sya na buhay pa ang kambal. At hihintayin nya ito kahit ano man ang mangyari.

Samantala, hindi nila alam na nakaligtas pala si Dark. Si Zed ang nakakuha sa kanya, inalagaan sya nito at ginamot. At doon nila nalaman ang kapangyarihan ni Dark. Ang kapangyarihan ng dilim. Paniwala nila ay ito ang tinutukoy ng propesiya. Siya ang magiging daan ng muling pagbangon ng Dark Knights.

Noong una, ayaw itong paniwalaan ni Dark. Ayaw niyang yakapin ang buhay sa kadiliman dahil sa kanyang pamilya. Makalipas ang isang buwan, tuluyan na syang gumaling at nagpasya nang bumalik sa mga magulang. Tuwang tuwa sya noon dahil sa wakas, makakauwi na din sya. Pero laking gulat nya ng wala syang maabutan sa kanilang bahay.

Inisip nya na kinalimutan na sya ng kanyang pamilya. Dahil doon, nabuhay ang galit sa puso nya. Ang tanging gusto nya ay makapaghiganti lalo na sa taong labis nyang pinagkatiwalaan. Ang kakambal nyang si Yuri.

Nagbanta sila kay Headmaster Clifford na sa oras na matagpuan nila si Yuri ay papatayin nila ito. Kaya naman hindi na sila nag aksaya pa ng oras at pinuntahan sila Yuri na noo'y sa Greenland na naninirahan. Sinelyuhan nila ang kapangyarihan ni Yuri. Pero may kapalit ito.

Mawawala ang ilang alaala ni Yuri liban sa alaala ng kanyang pamilya at nang taong nag selyo sa kanya. Sa tindi ng seal na dapat gamitin, pati si Headmaster ay naapektuhan. Bumalik ang kanyang anyo sa pagkabata. Ginawa nila ito kay Yuri dahil sya ang nasa propesiya. Ang taong tatapos sa kasamaan.

Ngunit may hangganan ang lahat. Darating din ang oras na kailangan nilang magharap. Ang dalawang tao na kahit magkadugo ay magiging mortal na magkaaway.....

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang