CHAPTER 41- "TRUTH AND LIES"

25.3K 685 25
                                    

YURI's POV

Sobrang pagkailang ang nararamdaman ko ngayon habang naglalakad sa pasilyo ng malakastilyong lugar na ito. Lahat ng taong madaanan ko, nakatingin sa akin na tila nanggaling ako sa kabilang planeta. Ang ilan nga sa kanila ay nakikilala ko. Sila yung mga messenger na hindi na nakakabalik sa Academy. And they're under this dark spell. They look like a robot na handang sumunod sa utos ng kanilang master.

"Diretso lang ng lakad." utos sa akin ng lalaking nasa tabi ko. Bagama't hindi nila ako nilagyan ng posas, sobra naman ang pagbabantay sa akin na kahit yata ang bawat paghinga ko ay binibilang nila.

"Tss! I know!" nagpatuloy kami sa paglalakad kung nasaan ang magaling kong kapatid.

Habang tumatagal, mas lalong dumadagdag ang kaba ko. Hindi katulad ng sa Academy, iba ang pakiramdan ko sa lugar na ito. Napakadilim ng buong paligid na ito na tila ba hindi man lang ito nasisinagan ng araw. Kahit nga ang mga bulaklak na nadaan ko kanina, hindi magawang mamukadkad dahil sa masamang hangin sa paligid.

Ilang sandali lang ang lumipas, huminto kami sa tapat ng isang mataas na pinto at agad kong nakilala ang lalaking nakatayo sa labas nito. Si Zed.

"So, you're finally here." nakangising bati nya sa akin.

"Yeah. At kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, kukuhanin ko ang buhay mo."

"That's impossible. The moment you stepped in, you're already one of us." nagtatagis ang bagang ko dahil sa sobrang inis. Ngunit kahit anong galit pa ang gawin ko, wala na din akong magagawa. Nakapag desisyon na ako at kailangan ko itong panindigan.

Pumasok si Zed sa loob ng silid na iyon at sinundan ko lang siya. Napakadilim sa loob nito na tanging liwanag lang ng kidlat na tumatagos sa bintana ang makikita mo. Sa dulo ng silid na iyon, may naaaninag akong isang trono. At sigurado akong si Dark ang nakaupo doon. Sa magkabilang gilid nya, may nakatayong tatlong nilalang.

"You finally came huh? Kahit kailan, napaka masunurin mo." unti unting sumindi ang mga kandilang nakapalibot sa amin at malaya kong napagmasdan ang kanyang mukha.

"Nandito na ako. Tuparin mo na ang napag kasunduan natin." Clyd, maintindihan mo sana kung bakit ko ito nagawa. Huwag mo sanang isipin na tinalikuran ko kayo dahil hinding hindi iyon mangyayari.

"Huwag kang mag alala, ng sandaling lumabas ka ng Academy, tinanggal ko na ang sumpa."

"Paano naman ako makakasigurado na totoo ang sinasabi mo?" sa halip na sagutin ako, lumapit sa akin ang isang lalaki na nasa tabi nya na may bitbit na isang bolang gawa sa salamin.

"Tignan mo." unti unting nagkaroon ng imahe ang bola. Mula dito, lumabas ang imahe ni Clyd pati na din ng iba. Hindi ko na nga makita ang marka sa katawan nila pero ayaw ko pa ding maniwala.

"Kapag hinawakan mo ang bola, mararamdaman mo ang presensya ng taong nakikita mo dito. Matutukoy mo kung nagsasabi kami ng totoo." ginawa ko ang sinabi nya at pinigilan ko ang mapaluha. Mabuti naman at ayos na silang lahat. Ngayon, hindi na ako mangangamba na gawin ang plano ko.

"Kung ganon, ano na ang plano mo sa akin? Bakit mo pa ako pinapunta dito?" diretso ang tingin na tanong ko kay Dark.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ni Zed? Isa ka na sa amin." seryoso ba sya? Sa tingin ba talaga nila, ganon lang nila ako kadaling mapapapayag?

"At sa tingin nyo, papayag ako sa gusto nyo?" in just a second ay napapalibutan na kami ng naglalagablab na apoy. I was about to attack them ng bigla na lang magkaroon ng kadena ang tinatapakan ko at agad na pumulupot ito sa akin. Dahil dito, napaluhod na lang ako.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now