CHAPTER 9- "FIRST MISSION"

37.7K 1.1K 32
                                    

YURI'S POV

Si Akira....

Basang basa na naman yung uniform nya. Namumula ang isa nyang pisngi. Putok ang labi at may bahid pa ng dugo. May lamat din ang isang lense ng makapal nyang salamin. Nakatayo lang sya at bahagyang nakatungo kaya di nya kami nakikita. Teka, sila Chelsea ulit yan ah, may kasama pa silang 5 lalaki.

Boy1: "Yan ang dapat sayo! Mataas kasi masyado ang pangarap mo. Akala mo ba porket nakipag kaibigan ka kay Yuri, makakaligtas ka na sa amin?"

Chelsea: "Bagay naman silang magsama ni Yuri, pareho silang basura!"

Aba! Ano daw basura? Uminit agad ang ulo ko pagkarinig ko noon. Susugurin ko na sana sila kaso nabigla ako sa ginawa ni Akira.

Akira: "Wag na wag mong idadamay dito si Yuri!"

Bigla nyang sinuntok yung lalaking pinakamalapit sa kanya. Sa isang iglap lang, napatumba na nya agad yung limang lalaki.

Me: "Sa likod mo Akira!"

Napasigaw ako kasi nakita kong hahampasin nung isang babae ng kahoy si Akira. Naiwasan nya naman yun at sinipa sa mukha ang babae.

Me: "Ayan tama yan! Sa kaliwa naman!"

*Boooggshhh*

Me: "Sa likod mo ulit!"

*BLAAAGGGG*

Me: "Wooohhh! Kaibigan ko yan! Galing galing!" *clap clap clap*

(⊙o⊙)?- mukha nilang lahat

Akira: "Pano ba yan, nag iisa ka na lang Chelsea."

Me: "Wait lang Akira! Ibalato mo na sya sa akin!"

Lalapit na sana ako pero pinigilan ako ni Clyd.

Clyd: "Teka Yuri, baka mapahamak ka na naman."

Me: "Wag kayong mag alala, suking suki na ako sa Disciplinary Office. Tsaka wala naman akong gagawing masama. Trust me."

Nang makalapit na ako kay Chelsea, nginitian ko sya ng ubod ng tamis. Ako? Walang gagawing masama? syempre joke lang yun.

Me: "Kamusta Chelsea, kaninang umaga lang tayo nagkita diba? Naaalala mo pa ba yung sinabi ko?"

Sinubukan kong palambingin ang boses ko habang sinasabi ko iyon.

Chelsea: "Wala akong pakialam sa iyo Yuri! Kung ang ibang estudyante, natatakot sa iyo, pwes ibahin mo ako!"

Aba, nagtatapang tapangan ang lola mo! E bakit nanginginig yung tuhod? Inikot ko ang paningin ko habang naka ngiti pa rin. At pagkatapos, huminto ang paningin ko kayla Lira.

Me: "Guys, WALANG. MAKIKIALAM. SA AKIN. NAIINTINDIHAN NYO?!!!"

Bigla namang sumeryoso ang mukha ko at nag umpisa na akong maglakad palapit kay Chelsea.

Me: "Don't worry my dear, It will not last long, I promise."

Sinampal ko sya ng ubod ng lakas sa kaliwang pisngi nya. Sa sobrang lakas, napa subsob pa sya sa sahig.

Me: "Para yan sa kasalanan mo sa akin KAHAPON."

Hinatak ko sya patayo at sinampal ko ulit sya. This time, sa kanang pisngi naman.

*PAAAKKKK*

Sa sobrang lakas, nag e-echo pa ito sa buong hallway.

Me: "Iyan naman, para sa pagsisinungaling mo KAHAPON."

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now