CHAPTER 43- "MEMORIES"

23.3K 670 12
                                    

SARAH's POV

Ngayon ko lang nakita na nagbago ang ekspresyon ng mukha nya. Mukha syang nasasaktan bagama't naguguluhan sya sa mga nangyayari. At hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya. Ilang sandali din ang lumipas bago ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya. Nagtataka nga ako kung bakit hindi sya nagalit sa akin.

Nang tignan ko naman sya, bumalik na naman ang blangkong ekspresyon ng kanyang mukha. Nagbalik na din sa pagiging kulay itim ang kanyang mga mata ngunit hindi nya inaalis ang kanyang paningin sa kawalan.

"What the hell are you doing?!" halos mapalundag ako sa gulat dahil sa biglaang pagbabago ng timbre ng boses nya. Halatang nagpipigil sya ng galit kaya't alanganin akong sumagot sa kanya.

"Shit!" she's fuming in anger now pero hindi pa din sya tumitingin sa akin. And before I realized it, naglalabas na sya ng dark aura.

"I-I'm ju-just h-hugging you. I j-just want t-to comfort y-you." unti unting naglaho ang dark aura na nakapalibot sa kanya bago pa man sya lumingon sa akin. Nakaramdam pa ako ng kilabot ng magtama ang paningin namin.

"Tch!" nakahinga ako ng maluwag nang magsimula syang humakbang palabas ng silid nya. Phew! Akala ko katapusan ko na.

Agad akong sumunod sa kanya at sakto namang nabungaran namin si Faust sa labas ng silid nya.
(A/N: for info about Faust, pls refer to chap 41. Sya po yung matandang lalaki na may hawak na bolang salamin. Nakalimutan ko po kasing i-mention ang name nya. ;) )

Yumukod sya sa harap ni Yuri tanda ng paggalang. Kahit kailan talaga, napakabait ng taong ito. Nagtataka nga ako kung bakit sya nandito. Pero sa pagkakaalam ko, ginagawa nya ito dahil sa anak nya.

"Lady Yuri, nakahanda na po ang hapag kainan." saglit lang syang tinignan ni Yuri bago sya nito nilagpasan.

"Nandoon na ba si Aldrin?" full of authority na tanong nya kay Faust.

"Opo. Kayo na lang po ang hinihintay nya."

Sumunod na kami sa kanya nang magsimula syang humakbang palayo. We walked down the elegant staircase and after a few minutes, narating na din namin ang pintuan ng dining room. Unti unti itong bumukas at agad na bumungad sa amin sila Zed, Bryan at Dark na nakaupo na sa kani kanilang pwesto.

Agad naupo si Yuri sa tabi ni Dark at ako naman ay naupo na sa tapat ni Yuri.

"Let's start to eat." walang imik na sinimulan na naming kumain. Ugh! Eating with these people is just like having a nightmare at the same time. Wala man lang umiimik sa kanila na tila ba wala man lang silang pakialam sa paligid. I wanted to start a conversation pero pinili ko ang manahimik na lamang.

Paminsan minsan ay napapasulyap ako kay Yuri. Hindi ko maiwasan ang titigan sya dahil sa napaka eleganteng paghiwa nya ng karneng kanyang kinakain. Pero katulad ng dati, wala pa ding bahid ng kahit na anong emosyon ang mukha nya. Para ngang walang nangyari kanina.

"Pizza and chocolate cake." labis kong ikinagulat ang pagbasag ni Yuri sa katahimikan. Pabulong nya lang itong sinabi ngunit hindi ito nakalampas sa pandinig namin. Sabay sabay pa kaming napalingon sa kanya na may halong pagtataka.

"Yuri, what did you say?" dahan dahan syang lumingon kay Dark ngunit blanko pa din ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"Why? Did I say something?"

Weird. Parang kanina lang, kung ano ano ang sinasabi nya out of the blue.

"Nothing. Just forget it." nagpatuloy na lang kami sa pagkain pero hindi ko pa din maiwasan ang mapaisip. There's something weird that's happening on Yuri. Tahimik na sana ulit ang paligid ng bigla ulit magsalita si Yuri.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now