CHAPTER 15- "HATRED"

33.7K 1K 25
                                    


RIN'S POV

"Sino naman ang nagsabi sa inyo na pwede na kayong umalis? Nag uumpisa pa lang ang laro natin..."

Hell! Sino naman ang isang ito? Hindi pa nga kami nakaka recover may bago na naman.

Sabay kaming napalingon ni Akira upang makita ang bagong dating na ito. Base sa boses nya, isa syang lalaki. Nakasuot sya ng itim na cloak at may maskara ang kanyang mukha. Kung ganon, myembro sya ng Dark Knights.

Akira: "Who the hell are you?"

"Owwww..... Sorry for the attitude. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Well, let me introduce myself..."

Pagkasabi nya nito, bigla na lang syang nagpakawala ng isang aura. Isang napakalakas at itim na aura.

Akira: "KYAAAHHHH!!!!"

Me: "Arrggghhhh!!!!"

Dahil sa lakas ng pwersang nanggaling sa kanya, tumilapon kami ni Akira. Halos hindi ko mabilang kung ilang ulit ako nagpagulong gulong at nauntog sa mga batuhan. Shit! Hindi ko maigalaw ang katawan ko sa sakit! Wala pa syang ginagawa sa amin pero eto na ang inabot namin! Aura pa lang yun ha! Aura!

Umiikot pa ang paningin ko nang subukan kong tumayo upang hanapin si Akira. Mabuti naman at malapit lang sya sa pwesto ko. Nakadapa sya ng makita ko kaya't hindi ko alam ang lagay nya.

Me: "A-akira! Ayos ka l-lang?" agad kong tanong sa kanya. Iginalaw naman nya ang kamay nya at unti unting inangat ang kanyang mukha.

Akira: "Ayos l-lang a-ako, I-ikaw? Ayos ka lang b-ba?" hirap nyang sabi habang may lumalabas na dugo sa kanyang bibig.

Me: "Hindi ka okay.... Sorry, hindi kita naprotektahan..." isang ngiti lang ang naisagot nya sa akin. Inalalayan ko naman syang makaupo pero hindi ko pa din maiwasan ang hindi mag alala.

"Ano? Suko na kayo? Wala pa nga akong ginagawa sa inyo ah! HAHAHAHAHA!"

Shit! Sino ka ba talaga? Sa taglay nyang lakas, hindi sya basta basta myembro lang ng Dark Knights. Malamang mataas ang ranggo nya. Walang wala sa lakas nya ang mga nakalaban namin kanina. Hindi pa din kami makapanimbang ni Akira ng subukan naming tumayo.

Akira: "Rin, humawak ka sa akin. Mag ca-cast ako ng spell para pagalingin ang sugat natin."

Me: "Ok-"

"At sa tingin nyo may magagawa kayo laban sa akin kahit gumaling ang mga sugat nyo? Pwes, hindi ko kayo mapapayagan!"

What the?! Sa isang iglap lang ay nakalapit na agad sya sa harapan namin ni Akira. Napakabilis! Itinapat nya sa amin ang kanang kamay nya na tila nag iipon ng pwersa.

"Say goodbye now....." kasabay noon ang isang napakalakas na pagsabog. WTH! Ilang ulit bang lilipad ang katawan namin ni Akira?! Namamanhid na ang katawan ko at nanlalabo na din ang aking paningin pero pinilit ko pa ding huwag mawalan ng malay. Inaninag ko kung nasaan na si Akira. Sa di kalayuan ay nakita ko syang pilit na ginagalaw ang sugatan din nyang katawan. Isang tao na lang ang maaasahan namin ngayon. Sana naman makuha nya iyon.

Yuri, nasaan ka na ba?

YURI'S POV

AISH! NAKAKAINIS!!!

Nasaan na ba kasi yon? Kanina pa ako paikot ikot dito pero hindi ko pa din makita ang scroll! Dami kasing pasikot sikot! Kailangan ko nang makita yun eh! Ewan ko ba, bigla na lang akong kinabahan. Kamusta na kaya sila Akira sa labas? Sana naman ok lang sila.

Anyway, highway, sabi ni Sir Cristoff, nakalagay daw yung scroll sa may......

Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko para masiguradong totoo ang nasa harapan ko.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon