CHAPTER 24- "PREMONITIONS"

31.4K 918 41
                                    

YURI's POV

" Sa ngayon, hindi ko pa masasabi sa iyo. Pero isa lang ang sigurado ko. May isang letra akong nakikita na kasama sa kanyang buong pangalan na maaaring magturo sa kanya. Iyon ang letrang....

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.....E."

Letter E?...

Me: "Kung totoo po ang sinasabi ninyo, kelan naman yun mangyayari?"

Hindi sya sumagot sa akin. Sa halip, inihilera nya ulit ang kanyang baraha at pinapili ulit ako ng isa. Pagkatapos kong pumili, agad ko itong binaliktad upang makita kung ano man ang nasa likod nito.

Me: "Red crescent moon....." bulong ko sa aking sarili. Halos hindi maabsorb ng utak ko ang nangyayari. Bigla ko tuloy naalala ang aking panaginip. Kung ganon, maaaring totoo nga ang sinasabi nya.

"Alam kong nakita mo na ito sa iyong panaginip, tama ba ako?" Tumango na lang ako sa kanya dahil hindi ko mahagilap ang sarili kong boses.

"Patingin ako ng kamay mo." dugtong niya.

Agad ko naman itong pinakita sa kanya na tila naman binabasa nya ang bawat guhit na nakaukit dito. Maya maya pa ay tumitig sya ng diretso sa aking mga mata. Kinakabahan na naman tuloy ako sa sasabihin nya.

Me: "Bakit po?" hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Matagal tagal din bago sya sumagot. Mukhang tinitimbang ng husto ang sasabihin nya.

"Maging ang sa iyo ay nalalapit na din. At ang taong magbibigay sa iyo nito ay ang taong malapit din sa iyo."

"Yuri!" napalingon agad ako sa tumawag na iyon sa akin. Sa sobrang pakikinig ko kay lolo,  nakalimutan ko na ang tungkol sa kanya.

Me: "Unggoy, nandito ako!" sinalubong ko na agad sya dahil base sa ekspresyon ng mukha nya, para syang alalang alala. Nang makalapit sya sa akin ay agad nya akong niyakap ng mahigpit.

Justin: "Ano ka ba naman! Wag mo nga akong pinagaalala! Akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo! Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa iyong masama!" Grabe o.a. ah! Isang taong nawala? Pinilit kong kumalas sa pagkakayakap nya dahil hindi na ako makahinga sa sobrang higpit nito.

Me: "Wag o.a. ha! 5 minutes lang tayong hindi nagkita. Nasan na yung cotton candy ko?" nakita ko namang parang nagtataka ang mukha nya.

Justin: "5 minutes?! Saan ka ba nauntog Banana? Naghiwalay tayo ng bandang 6:30 at kung titignan mo sa orasan ko, 7:30 na. Which means isang oras na kitang hinahanap." hindi ko tuloy naiwasan ang matawa sa kanya.

Me: "Hahahahahaha! Napakagaling mo talaga mag joke ano?! Grabe! Kung mag jojoke ka naman yung kapani paniwala na." tinignan nya lang ako na parang nagtataka.

Me: "Seryoso?"

Justin: "Oo nga. Lahat na yata ng parte ng campus nalibot ko na pero hindi talaga kita makita. Saan ka ba nagsuot ha?"

Me: "Ano ka ba? Nandito lang ako. May kausap akong matandang lalaki. Ayun sya oh!" sabay turo ko sa pwesto ng matanda. Pero paglingon ko, wala na sya don.

Justin: "Stop joking. Hindi na nakakatawa."

Me: "Pero kanina lang nandito sya oh. Kausap ko pa sya eh." pinuntahan ko pa ang pwesto kung saan ko nakita ang matanda.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt