CHAPTER 33- "HEARTACHES"

31.2K 859 10
                                    

YURI's POV

Kanina pa ako gising pero nakatitig lang ako sa kisame ng infirmary. For the second time nandito na naman ako together with the other students na nasaktan kagabi. The truth is, I refused to stay here at sa dorm room na lang sana pero hindi sila pumayag.

Gusto ko lang naman sanang magkaroon ng kaunting peace of mind because of what happened these last few days. And I can't find that fucking peace of mind in here because of these stupid people around that keeps on pestering the hell out of me!

Dumapa na ako, nagtalukbong ng unan, nagtakip ng tenga at nagtago sa ilalim ng kumot pero dinig na dinig ko pa din sila. Para silang mga bubuyog! Nakakarindi! Tapos lahat sila nagtatanong sa akin ng sabay sabay. Hindi ba nila maintindihan na gusto kong mapag isa?! Putek! Bakit ba nagiging mainitin na ang ulo ko?

"Bakit inilihim mo sa amin na ikaw pala yung fire element user?"

"Ano Yuri, kambal mo ba talaga si Dark?" pang sampung tanong na yan ah! Nararamdaman ko nang pumupunta na lahat ng dugo ko sa ulo at siguro lumalabas na ang angry vein ko. Konti na lang talaga at siguradong sasabog na ako.

"Paano mo nga pala nakilala dati si Clyd?"
Isa...

"Eh teka, paano mo nalaman na si Lyka ang traydor?"
Dalawa...

"Totoo ba na kaya mong maglabas ng tatlong uri ng apoy?"
Tatlo... Isa pang tanong at sasabog na talaga ako...

"Pero talagang kambal mo-" hindi ko na sya pinatapos pa at sumigaw ako ng pagkalakas lakas.

"WILL YOU PLEASE GET THE HELL OUT OF THIS FUCKING ROOM!!!" mabilis pa sa isang segundo na naglabasan silang lahat. As in lahat talaga na kahit yung mga naka confine ay lumabas na din bitbit ang mga dextrose nila.
"Ano nangyari dun? Bakit biglang nagalit?"
"Malay ko. Baka gusto nya lang muna mapag isa."
"Hayaan na muna natin sya dun. Balik na lang tayo mamaya after class. Ano sa tingin mo Clyd?"
"Yeah. Maybe she needs some rest."

Napatulala na lang ulit ako sa kisame ng mapag isa ako. Hanggang ngayon, hindi ko pa din ma absorb ang lahat ng nangyari. Ang pagkamatay ni Justin at ang muli naming pagkikita ni Dark.
Flashback

Nakatingin lang ako sa mga mata nya. Ang mga mata nya na dati ay puro pagmamahal ang makikita, ngayon napalitan na lahat ito ng galit.

"D-dark...." hindi ko na napigilan at napaiyak na ako. Naramdaman ko naman na parang tumigil ang lahat at natuon ang atensyon nila sa amin.

"....Buhay ka. I knew it. Alam kong babalik ka." lumakad ako palapit sa kanya pero nagulat ako ng bigla na lang magkaroon ng itim na apoy sa pagitan namin. Maybe it's a warning na huwag akong lumapit sa kanya. Kung ganon, kaya na nyang kontrolin ang apoy nya.

"Hindi ka ba makapaniwala?" tanong nya sa akin.

"Huh?"

"You see my dearest sister, I can finally control my flame. And it's unlike you're dark flame, mine is pure evil." sinundan pa nya ito ng isang nakakakilabot na tawa.

"B-but how? Yung Dark na kilala ko-" pinutol na nya ang sasabihin ko at sya na mismo ang nagtuloy.

"Duwag, mahina ang pangangatawan, hindi kayang kontrolin ang kapangyarihan. Pero dati iyon. Iba na ang sitwasyon ngayon Yuri. Hindi na ako ang Dark na nakilala mo. Naalala mo pa yung huling beses tayong nagkita? Kayang kaya na kitang patayin ngayon Yuri." kitang kita ko sa mga mata nya ang matinding pagkamuhi sa akin. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan... Pinili kong manahimik at yumuko na lang.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now