CHAPTER 32- "SECRETS"

26.7K 850 43
                                    

YURI's POV

"Hi, my Princess!"
"I'm your Prince.... and soon to be your boyfriend."
"Ikaw si banana tapos ako si monkey. You know, a monkey can't live without a banana."
"Yes. The most beautiful thing that ever existed."
"No Yuri. You don't have to explain. Wala kang kasalanan. Una pa lang, alam ko nang wala akong pagasa pero sumugal pa din ako. Please. Hayaan mong mahalin kita kahit sa malayo. Wag mo sana akong pigilan na mahalin ka."

"Bakit mo ginawa iyon?" lumapit ako sa kanya at inilagay ang kanyang ulo sa aking hita.

Ngumiti lang sya sa akin at nakita kong ilang butil na din ng luha ang tumutulo sa kanyang mata. He's trying to say something pero kapag sinusubukan nya, mas maraming dugo ang tumatagas sa dibdib nya Pinipilit ko din itong takpan gamit ang palad ko pero patuloy pa din ang paglabas ng dugo.

"B-be hap-happy... w-with him..." hirap nyang sabi sa akin. Bahagya ko na lang naririnig ang nangyayari sa paligid. May mga pagsabog. Siguro dumating na ang mga tutulong sa amin. Hindi ko na din maramdaman ang presensya nila Dark malapit sa akin. Masyado na akong nalulunod sa luha dahil sa nangyayari.

"Wag ka nang magsasalita ha. Tatawag ako ng tulong. Mabubuhay ka pa Justin. Please. Mabuhay ka para sa akin." umiiyak pa ding sabi ko sa kanya. Pero pinigilan nya ako ng magtangka akong tumayo.

"N-no. D-di...a..bot.." nararamdaman kong mangilan ngilan na lang ang pinawawalang tibok ng kanyang puso.

"Pero-"

"L-lapit... sabi...s-sayo..." pinipilit nyang magsalita sa pagitan ng paghahabol nya ng hininga. Sinunod ko na lang sya at inilapit ang aking tenga sa kanyang bibig para marinig ko ang kanyang sasabihin.
"I.. l-love you... s-so m-much.. I..a-always.. here...for y-you..." lalo lang akong napaiyak sa sinabi nyang iyon. Naramdaman ko ng hinawakan nya ng mahigpit ang kamay kong nakalagay sa dibdib nya. Agad akong napatingin sa mukha nya ng gawin nya iyon.

And with his last gasp of air, he slowly closed his eyes as his tears continued to fall.

Pero bago pa sya tuluyang pumikit, ngumiti muna sya sa akin. Yung pilyo nyang ngiti na lagi kong nakikita sa kanya. Dahan dahan na din nyang nabitiwan ang kamay ko at unti unti na ding huminto sa pagtibok ang kanyang puso. Wala na akong nagawa kundi ang yakapin na lang sya habang nakatingin ako sa buwan.
May namatay na naman ng dahil sa akin...
*dug dug*
Kung mas malakas lang sana ako, hindi ito mangyayari...
*dug dug*
If only I have the power...
*dug dug* *dug dug*

Napahawak na lang ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit. Pumipintig ito ng napakabilis kasabay ng aking puso pero hindi ko pa din maialis ang tingin sa pulang buwan. Para akong kakapusin ng hininga na hindi ko maintindihan.

And then, someone inside me called my name.
*dug dug* *dug dug* *dug dug*

Everything is fading. Seems like I'm being pulled into other dimension.
*dug dug* *dug dug*

But before everything turned to black, I saw him. I saw Zed smiling evilly infront of me with a sword in his hand ready to kill me.
*dug dug* *dug dug*

.

.

.

.

.

.

.

.
Yuri...
Yuri..gising...

Ugh! Napakasakit ng ulo ko! Ito na yata ang pinakamasama kong gising sa lahat! Pinipilit kong idilat ang mata ko pero wala akong lakas para gawin ito.
Yuri!...

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now