CHAPTER 35- "POKEMON"

27.4K 764 80
                                    

YURI's POV

Aba! Who's that POKEMON?!

Ang kapal talaga ng mukha! Hindi ba nya nakita na may kasama si Clyd? Hello?! Girlfriend here!!! Ay teka, in a relationship na ba kami?

Nakita kong nagulat si Clyd pati na din ang ibang estudyante dahil sa ginawa na iyon ng babaeng pokemon. Tinignan ko si Clyd ng masama habang sinasabi ng utak ko sa kanya na...

'Explain or you're dead!'

Agad naman nyang tinanggal ang pagkakayakap sa kanya ni pokemon at hinila ako palapit sa kanya.

"Ahm, Yuri, this is Mikhail...." pakilala nya sa akin kay pokemon.

"....Mikhail, this is Yuri, my gi-"

"Oh! Sya pala si Yuri! Sya yung palagi mong kinukwento sa akin diba? Sya yung bestfriend mo?" putol nya sa anumang sasabihin ni Clyd. T-teka, bestfriend daw?

"Sabi nya bestfriend nya ako?" tanong ko kay pokemon pero kay Clyd ako nakatingin ng masama.

"Yuri, mali ka ng pagkakaintindi. Let me explain." pakiusap ni Clyd sa akin. Pero ayaw ko syang pakinggan. Mas naiintriga akong makinig kay pokemon.

"Ahm, sino ka pala at ano mo si Clyd?" this time, kay pokemon na ako nakatingin habang nakangiti ng ubod ng tamis sa kanya.

"Oh my! Sorry for the attitude. Hindi pa nga pala ako nagpapakilala sa iyo. By the way, I'm Mikhail Luxer. Mik na lang or Mikmik for short. Clyd's ahmm, fiance." tama ba ang dinig ko? Fiance daw? Inilahad nya ang kamay nya sa akin offering a shakehand. Nginitian ko pa din sya kahit sa totoo lang, iniisip ko na ngayon kung paano sya didispatsahin.

"Mikmik!" sigaw naman ni Clyd.

"Woah! I see, fiance pala. Well, Yuri Raven. 'Bestfriend' nga ni Clyd." tinanggap ko na din ang kamay nya pero agad ko din itong binitawan. Mahirap na, baka madurog ko pa yun kapag hindi ako nakapagpigil. Idiniin ko talaga yung 'bestfriend' sa kanya para maramdaman nya kung anuman ang gusto kong iparamdam sa kanya.

"Nice to meet you Yuri! I hope we can get along. Mukha ka namang mabait eh." hirit pa ni pokemon habang ngiting ngiti sa akin.

"Of course! Mabait ako! Kaya nga ako naging bestfriend ni Clyd e. Ang hirap pa naman nyan pakisamahan minsan kasi alam mo na, medyo sinungaling!"

"Ay girl, I like you na! Mukhang magkakasundo tayong dalawa!" lumapit sya sa akin at nagtatalon habang hawak ang kamay ko.

"Oh really?" I faked a smile at her trying to hide my real emotion.

Psh! Kung alam mo lang na daang beses na kitang pinatay sa isip ko, baka hindi mo masasabi yan!

"Ahm, guys! Upo muna kayo dito." tawag sa amin ni Ashton.

Sumunod naman kami sa suggestion nya at naupo kung saan sila nakapwesto. Pero dahil pinaglihi yata sa linta si pokemon, hindi man lang nya binitawan si Clyd kaya ang resulta? Sila ngayon ang magkatabi at katapat lang nila ako. Argh! Nakakapang init ng ulo! Ipaalala nyo sa akin mamaya na i-google ang '10 Ways to Dispatch a Slutty Girl'!.

Kwento lang ng kwento si pokemon ng kung ano ano. Walang nagsasalita sa mga kasama ko dahil siguro nararamdaman din nila ang tensyon sa paligid. Samantalang ako, poker face lang at kung minsan ay nagkukunwari na interested sa kwento nya. Maya maya pa ay nag decide na kaming kumain dahil lumalalim na din ang gabi. Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni Clyd.

"Let me Yuri." sabi nya sa akin habang nakatitig sa aking mata.

"Naku, wag ka nang mag abala, bestfriend. Kaya ko namang mag isa. Yung fiance mo na lang ang ilibre mo. Nakakahiya naman kasi sa fiance mo diba? Ililibre mo ako e, bestfriend mo lang naman ako diba bestfriend??!!" sagot ko naman habang naniningkit ang mga matang nakatingin sa kanya. Pero hindi sya nagpatinag sa akin at hinawakan pa ang kamay ko at hinila ako sa counter.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now