CHAPTER 6- "DATE? (PART 1)"

40.9K 1.1K 18
                                    

YURI'S POV

"Anong ginagawa mo dito?!"

Tanong ko sa pinaka bwiset na taong nakilala ko. Sino pa ba? E di si Tae!

Clyd: "Hindi mo ba nakikita? Siguro nagsasayaw ako!"

Aba, namilosopo pa ang bugok.

Me: "Tanga! Ang ibig kong sabihin, bakit ka nandito? Di ba sinabi ko na walang susunod sa akin?!"

Clyd: "The last time I check, hindi naman ikaw ang may ari ng daan na ito. And wala akong alam na bawal palang dumaan dito. At, for your info, hindi kita sinusundan. Masyado ka kasing assuming."

Me: "Kung hindi mo ako sinusundan, anong ginagawa mo dito?"

Clyd: "I'm just following an order."

Me: "Order? What kind of order?"

Clyd: "To follow a hard headed and stupid girl with a broken hand where ever she goes."

Ako ba ginagago nito? E parehas lang yun eh.

Me: "And who gave you the order to follow me?"

Mataray na tanong ko sa kanya.Akala nya magpapatalo ako? Never!

Clyd: "My Dad."

Me: "And who's your dad?"

Clyd: "Cristoff Hanes, son of Headmaster Clifford Hanes who happened to be my Grandfather. So, I think that explains why I'm here?"

Putek! Tatay nya pala si Sir Cristoff, kaya pala medyo mag kamukha sila.

Me: "Hoy tae! Ako ba niloloko mo? E kahit pag baliktarin mo lahat ng sinasabi mo, iisa pa din meaning non! SINUSUNDAN MO AKO!"

Clyd: "Excuse me pupu, pero mag kaiba ang kusang loob sa napipilitan. At sa sitwasyon natin ngayon, NAPIPILITAN LANG AKO. Kaya wag ka nang umarte kung ayaw mong parehas tayong maparusahan. Susundan kita hanggang matapos yang tantrums mo."

Aba, aba, aba, sya pa napilitan! E sino ba may sabing sundan nya ako? O-M-G! Hindi kaya.....

Me: "AHA! I KNEW IT! Alam ko na kung baket mo ko sinusundan! Ikaw ha! Di mo naman kasi kaylangan pang itago eh. Kaya mo ko sinusundan kasi gusto mo--"

Clyd: "Hoy babae! Wala akong gusto sayo no! At lalong ayaw kitang makasama!"

Luh? Ano nangyare dun? Wala naman akong sinasabing ganun ah! Utak talaga nito, lumipad na naman! Namumula pa mukha nya pati tenga! Nagalit ko yata eh. Teka, wala namang dapat ika galit sa sinabi ko diba? E bakit namumula sya? Wait lang..Loading..Processing..

1%..

5%..

7%..

11%..

14%..

17%..

18%..

Aish! Hayaan na nga lang! Mabagal ang connection eh!

Me: "Tae! Ang gusto kong sabihin, gusto mo lang namang makalabas ng Academy para makagala diba? Utak mo talaga! Nakarating na naman sa universe! Bahala ka na nga dyan! Aish! Nako nako nako!!!"

†††††††

Nandito na kami ngayon sa labas ng Academy. Yung sa labas talaga ha, sa pinaka bayan mismo, hindi yung bayan sa loob ng Academy, kundi yung, basta remember nung una akong dumating dito? Aish! Bakit ba ako nag papaliwanag sa inyo? Basta yun na yon!

Sabi kasi ni tae, maganda daw dito. Meron daw ditong amusement park na mas malaki pa kaysa dun sa may nasa loob ng Academy.

And speaking of tae, nasan na ba yung unggoy na yun?

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now