CHAPTER 46- "BEHIND THOSE EYES"

24.7K 664 9
                                    

YURI's POV

Kung pwede lang sana na yakapin ko siya, ginawa ko na. Kung pwede lang sana na hindi na ako umalis sa tabi niya, ginawa ko na din sana.

Pero hindi pa pwede. Hindi pa sa ngayon. Kaya kahit na sobrang sakit, kahit na pakiramdam ko ay unti unti akong pinapatay, pinili ko pa din ang lumayo sa kanya. God knows how much I missed him. Kanina, nung nakita ko siya, pakiramdam ko lahat ng pangungulila ko sa kanya ay dagliang nawala. That moment, gustong gusto ko syang yakapin ng mahigpit at sabihin sa kanya ang totoo. Pero mas pinili ko pa din ang magpanggap na hindi siya kilala.

"Sorry Clyd. Sorry." paulit ulit kong usal habang tuloy tuloy pa din ang pag agos ng aking mga luha. Kanina ko pa gustong tumahan ngunit kahit na anong gawin ko, ayaw pa din nitong huminto. It was as if, lahat ng itinatago kong emosyon sa loob ng ilang araw, ngayon kumakawala.

"Nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap." unti unti akong nag angat ng paningin mula sa pagkakadukdok sa aking mga tuhod. Agad kong nabungaran ang mukha ni Sarah at hindi nakaligtas sa aking paningin ang bahagya niyang pagkagulat.

Bakit nga hindi? Wala pa siyang alam sa mga totoong nangyayari kaya't hindi na ako magtataka kung bakit ganoon man ang reaksyon niya. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at nauna na akong tumayo at tumalikod sa kanya.

"Hey, bakit ka umiiyak?" tanong nya sa akin na naging dahilan kaya napahinto ako sa paglalakad.

"Just don't mind me." I said in a cold voice. Ilang araw na din akong nagkokontrol ng aking emosyon at sa bawat araw na nagdadaan, lalo lang akong nahihirapan sa aking sitwasyon.

"Uhm, is it possible that—"

"WHAT?!" asik ko sa kanya. Kitang kita ko sa kanyang mata ang takot at guat sa akin. Sorry Sarah, pero sumusunod lang ako sa aking misyon.

"N-nothing. A-ang mabuti pa, bumalik na tayo. Kailangan na nating umalis ngayon na mismo."

"Tch." iyan lamang ang sabi ko at nagsimula na akong maglakad palayo. Kahit na nakatalikod ako sa kanya, ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Alam kong naghihinala na siya sa akin pero hindi niya magawang magtanong dahil na din siguro sa ugaling ipinapakita ko sa kanila.

We are already in the boundary of Forbidden Forest kung saan kami dadaan pabalik ng DKA. Ihahakbang ko na sana papasok sa loob ng gubat ang aking mga paa ng bigla na lamang akong matigilan.

Sunod sunod at malalakas na pagsabog ang aking nadidinig at nang ilibot ko ang aking paningin, hindi nga ako nagkamali ng hinala kung saan ito nanggagaling. Sa lugar kung saan ako nararapat. Sa lugar na matagal ko nang gustong balikan.

"Anong nangyayari? Don't tell me...." I slowly diverted my gaze to Sarah at hindi nakaligtas sa aking paningin ang labis niyang pagkataranta.

"W-we should go now." taranta niyang sabi habang tinutulak ako papasok sa loob ng gubat. And it gave me the idea that something is wrong. May itinatago siya sa akin na sikreto.

"Teka nga lang! Bakit ba pinagtutulukan mo ako pabalik ha?!"

"H-hindi ka dapat na pumunta doon."

"You don't fucking care." I gritted my teeth because of frustration. Kung tama nga ang hinala ko, mas kailangan na pumunta ako doon.

"Ibinilin ka sa akin ni Dark. Kahit na anong mangyari, hindi kita dapat hayaan na pumunta doon." hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at hinila na ako papasok sa loob ng gubat. Ngunit hindi ako makakapayag sa gusto nilang mangyari. Lalo pa ngayon na alam kong nasa panganib ang buhay ng mga taong mahahalaga sa akin.

Marahas kong tinabig ang kanyang kamay kaya naman napahinto siya sa paglalakad at napatingin sa akin.

"Just leave me alone! Ano ba ang dahilan at ayaw niyo akong papuntahin doon?" instead of answering me, pinili nya ang manahimik at yumuko na lamang. So, what I'm thinking is right.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now