CHAPTER 30- "CAPTURED"

31.3K 821 26
                                    

YURI's POV

Ugh! My body hurts like hell! Pakiramdam ko, ilang ulit akong binalibag sa pader. Teka, nasaan na ba ako? Diba nasa Grand Ball ako? Pero bakit ang dilim naman?

Ilang sandali pa ang hinintay ko hanggang sa tuluyang makapag adjust ang mata ko sa dilim. Iilang kandila lang pala ang nagbibigay liwanag dito. And then, a realization came into my mind. Yung Grand Ball, yung biglang pagsakit ng batok ko, yung liwanag na bumalot sa akin.

Lahat ng yun, totoong nangyari. At ngayon ko lang napansin ang kalagayan ko. Nakakadena ang dalawa kong kamay habang nakalugmok ako sa lupa. May pabigat ding nakalagay sa paa ko para siguro hindi ako makatakas. Nasa loob ako ng isang kulungan at dahil walang liwanag na pumapasok dito, sigurado akong isa itong underground cell. At hindi ko na suot ang ball gown na binigay ni Clyd. Sa halip, suot ko na ang uniform ng Academy.
Oo nga pala, si Clyd... Kamusta kaya sya? Abnormal pa naman yun! Sigurado akong nagwawala na yun ngayon...

"Gising na pala ang prinsesa." bigla akong napatingin sa bagong dating na iyon. Tsk! Kaya naman pala pamilyar sa akin ang boses nya, ang masamang damo na si Zed.

"Anong kailangan nyo sa akin?" buong tapang kong tanong sa kanya. Hindi ako pwedeng magpakita ng takot sa kanila lalo na sa taong ito. Sa taong pumatay sa mga magulang ko.

"Ano sa akala mo? Sa tingin mo ba bubuhayin ka namin pagkatapos naming maghirap na makuha ka?"

"Anong ibig mong sabihin?" nagawa ko pang itanong sa kanya kahit na papaano ay may idea na ako kung anong sinasabi nya.

"Ang nangyari sa iyo sa loob ng gubat, hindi iyon ilusyon lang. Totoong nangyari ang lahat ng iyon. At ang marka sa iyong batok ang naging daan para makuha ka namin. Ang gandang palabas hindi ba?" habang nagsasalita ay hindi pa din mawala sa kanyang mukha ang mala demonyo nyang ngiti.

"Bakit hindi nyo pa ako patayin ngayon?"

"Huwag kang mag alala, darating din tayo dyan. Kapag nakuha na namin ang kailangan namin sa iyo, sigurado akong makakasama mo na din ang mga magulang mo." humakbang sya palapit sa akin at nang tuluyan na syang nakalapit, dinuraan ko sya sa mukha.

"HAHAHA! Kung may mamamatay man, sisiguraduhin kong mauuna ka sa akin!" mukha namang napikon sya sa ginawa ko kaya hinila nya ako patayo habang hawak ang buhok ko. Sampal at suntok sa tiyan ang inabot ko sa kanya na nakapagpadugo ng labi ko pero hindi ko hinayaan na mapatumba nya ako ng dahil lang doon. Sinubukan kong maglabas ng energy ball pero hindi ko magawa.

"Huwag ka ng magtangkang umatake sa akin. Hindi lang basta basta ang mga kadenang nakagapos sa iyo. Hindi ka makakalaban hanggang nakakabit sa iyo yan." hinampas nya sa likod ko ang espadang dala nya na tuluyang nakapagpatumba sa akin.

"Pasalamat ka at hindi ka pa pinapatapos sa amin ni Dark." sabi pa nya bago tuluyang lumabas ng aking kulungan.
Dark... Bakit? Ano bang kasalanan ko sa iyo?..

LIRA's POV

3 days... It's been 3 days since that incident happened. And as for now, wala pa kaming alam kung paano namin maililigtas si Yuri. Kapag tinatanong namin si Sir Cristoff, lagi nyang sinasabi na pinag aaralan pa daw nila ang paglusob. Back to normal ang lahat pero hindi pa din maiwasan ang pangamba na baka maulit ito. Naglagay din sila ng barrier sa palibot ng Academy para sa mga pasaway na estudyanteng nagpipilit na makatakas. Itago nalang natin sila sa tawag na 'apat na itlog'.

Xena: "Ui, kamusta buhay sa punishment room?" tanong nya sa bagong dating na apat na itlog. Nandito kami ngayon sa dining hall at naghihintay ng balita kay Sir Cristoff.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon