CHAPTER 27- "FINALLY!"

33.1K 932 20
                                    

YURI's POV

Kanina pa ako nakahiga pero hindi pa din ako makatulog. Paano ba naman kasi, naaalala ko yung nangyari kanina. Sheeett! Bakit ba kinikilig ako!

Nagpagulong gulong pa ako sa kama habang nakatakip ang unan sa mukha ko. Feeling ko nga pulang pula na siguro yung mukha ko. Maya maya pa, bumangon ako at kinuha yung maliit na salamin na nakapatong sa side table ko. Kahit medyo madilim, naaaninag ko naman kahit paano ang mukha ko.

Hindi ko na mapigilan ang mapangiti ng mag flashback sa utak ko yung nangyari kanina. Gosh! Bakit kasi ginawa mo yun Tae! Napakatae mo talaga! Nang makita kong natutulog ng mahimbing si Han sa paanan ko, kinuha ko agad sya at mahigpit na niyakap. Maya maya pa, naramdaman kong nagpupumiglas na sya pero hindi ko pa din sya pinakawalan. Siguro hindi na talaga sya makahinga kaya kinagat nya ang tenga ko.

Me: "Aray ha! Masakit yon!" sabay batok ko sa kanya.

Han: "Meow! May balak ka yatang patayin ako! Buti nga sayo yan!" Aba! Sumasagot ka pa talagang pusa ka!

Me: "Hoy ikaw ha! Naku pasalamat ka at nasa mood ako ngayon kung hindi gagawin talaga kitang siopao!" Parang hindi naman sya nasindak sa akin kasi kinagat pa nya yung paa ko.

Me: "Ouch!!! Ikaw talagang pusa ka-" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko kasi bigla akong tinamaan ng lumilipad na unan sa mukha.

Xena: "Ano ba Yuri! Madaling araw na hindi ka pa din natutulog! Ang ingay ingay mo pa!"

Me: "Eh hindi ako makatulog.!" reklamo ko sa kanya.

Xena: "Bahala ka, panget ka bukas sa awarding!" sabay talukbong nya ng kumot.

Bukas pa daw kasi ang awarding for Mr. & Ms. Campus, kasabay ng Grand Ball.

Ihhh! Mananalo kaya kame? Naku sana naman! Teka, wala pa pala akong isusuot bukas. Dapat maganda ako bukas diba para mapansin ako ni Clyd! Nakakainis talaga! Bakit ba kinikilig ako?!

Pero ang masakit na katotohanan, may iba syang nagugustuhan. At hindi ako yun. Hay buhay! Hanggang one sided love na lang ba ito? Minsan na nga lang akong may magustuhan, sablay pa. Makatulog na nga lang. ZzZzZzZzZzZz......

.

.

.

.

.
"Ace, promise ko sayo magkikita pa tayo. *sniff*"
"Wag mo akong kakalimutan ha Yuri! Ikaw lang ang nandito." sabay turo sa puso nya.
"Oo, promise! Ikaw din, ikaw lang nasa puso ko."
"Take care of yourself okay? Wag ka nang mambubully ng ibang bata hah! Pinky swear?"
"Pinky swear!" at nagyakap pa sila bago tuluyang magkahiwalay....

.

.

.

.

.

Lira: "Hoy Yuri! Tanghali na, hindi ka ba papasok?" niyugyog pa nya ako na tuluyang nagpagising sa akin.

Me: "Ayaw! Masakit ulo ko. Wala pa namang lesson eh. Matutulog na lang ako para may lakas ako mamaya."  ibinaon ko pa ang mukha ko sa unan para mas makumbinsi ko sila.

Xena: "Sige, sabi mo yan." kahit hindi ako nakatingin sa kanila, alam kong hindi sila naniniwala sa akin. Kaya naman inilakas ko kunwari ang paghihilik ko para maisip nilang natutulog pa nga ako. Mukha namang effective kasi maya maya lang, naririnig ko silang nagbubulungan ng mahina. Pero syempre naririnig ko pa din. Hindi kaya ako bingi.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora