CHAPTER 48- "FINAL BATTLE"

30.1K 772 23
                                    


YURI's POV

"What the...."

It hurts like hell. It's piercing me from within. Tuloy lang ang pag agos ng aking dugo kahit alam kong wala naman akong sugat.

Muli kong binaling ang aking tingin sa gawi nila Dark hindi kalayuan sa akin. At sa palagay ko, hindi pa nila alam na nandito na ako. Unti unting tinanggal ni Clyd ang kanyang espada kay Dark at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko inaasahan. Bakit sa pagtanggal ng kanyang espada, tila ako ang nasasaktan?

"Ugh!" daing ko ng tuluyan nang maalis ang espada kay Dark. And the idea hit me. Ayaw ko mang paniwalaan pero, parang alam ko na ang nangyayari.

Sinubukan ko ang huwag indahin ang sakit na nararamdaman ko at nagsimulang humakbang palapit sa kanilang dalawa. Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ng may maramdaman akong isang mabilis na bagay na papalapit sa akin. No. Isang malakas na pwersa ang tumutumbok sa direksyon ko.

Iiwasan ko sana ito ngunit huli na ang lahat. Tumama ng direkta sa akin ang pwersa na ito na naging dahilan ng pagtilapon ng aking katawan. Hindi ko alam kung gaano kalayo ang inabot ko pero ramdam na ramdam ko ang impact ng pagtama ng aking likod sa puno. Hindi ko ininda ang sakit na ito at sinubukang tumayo ngunit isang mabilis na bagay na naman ang papunta sa direksyon ko.

By instinct ay nakaiwas ako at nasundan ko na lang ng tingin ang patalim na gawa sa kidlat na tumama sa magkabilang gilid ng mukha ko. Kasabay din nito ay ang pagkahulog ng hood ng aking damit na tumatakip sa aking mukha. Mula sa pagkakayuko ay unti unti akong nag angat ng tingin at agad na sumalubong sa akin ang isang lalaking papasugod sa akin. 

Agad nagtama ang paningin namin at kitang kita ko sa kanyang mukha ang bahagyang pagkagulat. Ngunit bago pa man sya tuluyang makalapit sa akin, isang malakas na pwersa ang tumama sa kanya na naging dahilan ng pagtilapon ng kanyang katawan.

"That was close." napatingin na lang ako kay Bryan ng sabihin nya ito.

"You should thank me for saving you." dugtong pa nya habang naglalakad palapit sa kanyang biktima. Ngunit, isang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Gusto ko syang patayin dahil sa ginawa nya na iyon. Agad kong inilabas ang aking espada habang lumalakad palapit sa kanila. Bryan raised his sword para sana tuluyan na ang kanyang biktima na ngayon ay nakalugmok sa lupa nang pigilan ko sya.

"Let me do the honor of killing him." gigil kong sabi habang nakatitig sa mata ng lalaki.

"But-" kusa syang natigilan sa anumang balak nyang sabihin ng magtama ang aming paningin. Unti unti nyang ibinaba ang kanyang espada kahit labag ito sa kanyang kalooban. Nagsimula akong humakbang palapit at lumuhod ng mapatapat na akonsa kanya.

"Poor soul. Kukuhanin ko na ang buhay mo maya maya." Itinapat ko ang kamay ko sa kanya at ilang segundo din nya itong tinitigan bago tuluyang tanggapin.

"You okay?" tanong ko sa kanya habang tinutulungan syang makaupo.

"Pasensya na sa nangyari kanina. Hindi ko alam na ikaw pala iyon."

"No worries. Pero pagkatapos nito, humanda ka sa akin, Ashton."

"W-what's the meaning of this?" napalingon ako kay Bryan nang sabihin nya ito. So, hindi pa din nya naiintindihan ang mga nangyayari.

"Yung sinabi ko kanina, para sa iyo iyon. Kukunin ko na ang buhay mo, ngayon." and with that, walang pakundangan kong inihagis sa kanya ang aking espada. Hitting directly into his heart.

"Ack!" napaluhod pa sya sa lupa habang pilit na tinatanggal ang aking espada.

"It's no use. Walang ibang makakaalis niyan kundi ako at ako lang. I'm the master of that sword, anyway."

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now