CHAPTER 23- "A DAY WITH JUSTIN"

33.9K 864 63
                                    

YURI's POV

Ano kayang ginagawa nya dito? Sabi nya may ico-confess daw sya. Ano naman kaya yun? Oh no! Baka naman aamin na syang bakla sya! Tapos hihingi sya ng advice kung paano nya sasabihin sa lalaking nagugustuh nya. Oo nga noh! Napakatalino mo talaga Yuri.

Hahaha! Paano ko ba sisimulan? Paano kaya ako mag bibigay ng advice? Gagayahin ko kaya si Tata Lino? Naku, bahala na nga. Ok! Inhale, exhale.

Me: "Magsalita ka na Ta- este Hijo." shit! muntik ko nang masabi yung pet name nya. Buti na lang talaga naiiba boses ko, kundi huli na ako! Baka hindi ko pa sya mapagtripan.

Clyd: "Ah, e, wag na lang po siguro." akma na sana syang tatayo para umalis.

Me: "Naku, nahiya ka pang bakla ka."

Clyd: "Ano sabi mo?"

Hala! Nasabi ko ba yun? Dapat sa utak ko lang sasabihin yun eh.

Me: "Ha? May sinabi ba ako? Wala naman akong sinasabi ah."

Clyd: "Sigurado ka?"

Me: "Oo naman! Ano na, tatayo ka na lang ba dyan?" naku po! maniwala ka naman sa akin!

Kahit mukhang nagdadalawang isip sya ay nakita ko pa ding bumalik sya sa pagkakaupo.

Me: "Ok, so nandito ka siguro dahil may problema sa pag ibig, tama ba ako?" Yuck! So baduy!

Clyd: "Psh! Ano pa nga ba? Love Confessing Booth nga diba?" Aba! Bwisit to! Namilosopo pa!

Me: "Ok, ano ba problema mo sa pag ibig Hijo?" pinilit ko pa ding pakalmahin ang boses ko kahit na ang totoo, gustong gusto ko na syang dagukan.

Clyd: "Ah, nahihiya kasi ako eh." sabay kamot sa batok nya.

Me: "Alam ko ang pinagdadaanan mo Hijo. Mahirap talaga umamin sa ganyang sitwasyon." ikaw kaya umamin na bakla ka, hindi ka kaya mahirapan?

Clyd: "Talaga? Alam nyo sitwasyon ko?"

Me: "Oo naman."

Clyd: "Kung ganon, ano ba maipapayo nyo sa akin para makaamin ako sa taong mahal ko?" shit! This is it! Malalaman ko na kung sino ang lalaking gusto ni Tae!

Me: "Ah, pwede bang malaman ang pangalan ng lalaking nagugustuhan mo?"

Clyd: "WHAT? ANONG LALAKI BA SINASABI MO HA?" galit nyang tanong sa akin.

Bakit? May nasabi ba akong masama? Wala naman, diba?

Me: "Hindi ba narito ka para aminin na bakla ka tapos nahihirapan kang sabihin yun sa lalaking gusto mo?"

Clyd: "THE FUCK! ANONG BAKLA HA? SA GWAPO KONG ITO, BAKLA AKO?" napatayo pa sya sa upuan nya habang sinasabi nya ito.

Me: "Ah, hindi ba? Akala ko talaga bakla ka eh, hehe!" kung ganon, lalaki pala talaga si Tae.

Clyd: "AKO TALAGA GINAGAGO MO? LUMABAS KA NGA DYAN NG MALAMAN MO KUNG SINO BAKLA." Patay! Nagalit ko yata sya! Hindi to pwede, kailangan kong malaman kung sino ba yung babaeng nagugustuhan nya.

Me: "Easy lang. Ok, seryoso na talaga. May nagugustuhan kang babae tapos nahihirapan kang sabihin ito sa kanya. Tama ba?"

Clyd: "Oo, ganun na nga."

Me: "Can you tell me your story?" Ewan ko ba kung bakit iyan ang nasabi ko. Basta may nagtutulak sa akin na itanong ko iyan sa kanya.

Clyd: "Kailangan pa ba?" iritableng tanong nya sa akin.

Me: "Aish! Sumunod ka na lang! Part ito ng confession!"

Clyd: "Ok, it all started when we're young. Una ko pa lang syang nakita, iba na naramdaman ko sa kanya. She's my first crush, my first love and my true love. Until that day na nagkahiwalay kami dahil kinailangan nilang lumipat ng matitiran. Akala ko, hindi ko na sya makikita pero after so many years, nagkita ulit kami." habang sinasabi nya iyan ay nakikita kong napapangiti sya.

TRUE CROSS ACADEMY (SCHOOL OF MAGIC)Where stories live. Discover now